Yoko's POVNaisipan kong imbitahin si Faye dito sa bahay, kasi palagi na lang siyang nagyayaya sa akin, kaya for a change ako naman ang mag-imbita.
Kaya eto ako ngayon, abala sa paghahanda ng aming tanghalian.
Sinabi niya sa akin na siya na raw ang magluluto pagdating niya, pero tumanggi ako dahil gusto kong ako naman ang mag-effort para sa kanya.
Maya-maya ay nakarinig na ako ng sunod-sunod na katok. Masyado naman siyang mabilis dahil hindi pa nga ako nakakapag-ayos ng sarili ko, dumating na siya agad.
Pagbukas ko ng pinto, isang magandang dilag ang bumungad sa akin.
"Faye!" bati ko nang maluwang habang binubuksan ang pintuan.
"Hi babe! I miss you!" bati naman niya sa akin sabay abot ng bulaklak. Ilang araw din kaming hindi nagkita dahil pareho kaming naging abala.
"I miss you too! Ang bilis mo naman, hindi pa ako nakakapag-ayos ng sarili ko," sagot ko sa kanya matapos niya akong yakapin.
"It's okay, babe. Kahit anong itsura mo, ikaw pa rin ang pinakamaganda."
Minsan, bolero din 'to.
"Sus, binola mo pa ako."
"Huy, hindi yun bola, ano!" depensa niya.
"Whatever. Anyway, feel at home, bae. Maliligo lang ako kasi amoy ulam na ako. Nakakahiya naman sa'yo, ang bango-bango mo."
"Kahit anong amoy mo, ayos lang. Ikaw pa rin yan, eh." Ayan na naman siya sa pambobola niya sa akin.
Iniwan ko na siya at dumiretso na ako papasok.
—
FAYE'S POV
Halos isang oras na si Yoko sa banyo. Hindi naman ako naiinip dahil tinitingnan-tingnan ko lang ang mga koleksyon niya, pati na rin yung mga ibang regalong ibinigay ko sa kanya mula noong nagsisimula pa lang akong magkagusto sa kanya. Napaisip ako kung may ideya ba siya na ako ang nagbigay ng mga ito? Pero hindi na rin naman importante yun.
Maya-maya ay narinig ko na bumukas ang pinto ng kwarto ni Yoko, kaya alam kong tapos na siya. Pero paglingon ko sa direksyon niya, may hawak siyang cake?
Alam niya?
Paano?
Iyan ang mga tanong na tumatakbo sa isip ko. Hindi ko namalayan, nakalapit na pala siya sa harap ko habang hawak pa rin ang cake sa kanyang mga kamay.
"Happy Birthday, bae!" bati niya sa akin.
"Alam mo?" tanong ko sa kanya, halatang nagtataka.
"Uh-huh," sagot lang niya sa akin.
"Make a wish, bae, bago tuluyang matunaw ang kandila," sabi niya sa akin.
Kaya ipinikit ko ang mga mata ko, humiling ng isang wish, at tuluyang inihipan ang kandila sa harapan ko.
"Anong wish mo, bae?" tanong niya.
"Pag sinabi ko sa'yo, hindi na iyon matutupad," sagot ko, kaya napasimangot siya.
"Come on, Faye, sabihin mo na, baka matupad agad diba?"
"Ang mahalin mo,"
sagot ko, biglang naging seryoso ang mukha niya.
Medyo kinabahan ako, dahil hanggang ngayon hindi pa rin nagbabago ang expression niya.
"Yo-Yoko, ang ibig kong sabihin—" hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil agad niya akong pinutol.
"Wish granted, love!"
masaya niyang sabi sa akin.
Ha?
Ano daw? Wish granted?
"Wh-what did you say?" tanong ko sa kanya dahil hindi ko maintindihan.
"Yes, Faye, sinasagot na kita. And happy birthday, love! Wish granted," masaya niyang sabi at ibinaba ang cake sa side table at niyakap ako.
Pero hindi pa rin ako makagalaw. Hindi pa rin ako makapaniwala sa mga sinabi niya.
"Hindi ka ba masaya na sinasagot na kita?" tanong niya sa akin habang hawak-hawak niya ang aking mukha.
"Hindi, hindi lang ako makapaniwala na sinasagot mo na ako."
"Pwes, kailangan mong maniwala, kasi akin ka na. Hindi na makakalapit sa'yo ang mga babae mo sa shop," sabi niya sa akin, kaya napatawa ako.
"Wala po akong babae, ikaw at ikaw lang ang pipiliin ko, Yoko," sagot ko sa kanya.
And I kissed her on the forehead, moving to her two eyes, and then to her nose. When my lips finally reached hers, I paused to ask her.
"Can I?" Tanong ko dito at tinitigan ko ito sa mga mata niya.
"You don't need to ask, its all yours" Sagot nito sa akin, kaya tuluyan ko na itong hinalikan sa kanyang mga labi.
I kissed her passionately, and she kissed me back with the same passion.
We shared our first kiss as a couple.
Nang magbitaw na ang aming mga labi, marahan ko siyang tinitigan sa kanyang magandang mukha.
"I love you, Yoko."
"So much."
"I love you more, Faye."
"Deserve mong mahalin, love, dahil sobra-sobra na yung pagmamahal na ibinigay mo sa akin mula pa noong una. Kaya ngayon, ako naman ang magbabalik sa'yo."
Sagot nito sa akin, kaya napayakap ako sa kanya ng mahigpit.
Do I deserve this girl?
Ano bang ginawa ko sa past life ko para maging karapat-dapat ako sa kanya?
"Thank you, love! Hindi ako mangangako sa'yo na hindi kita masasaktan. Pero asahan mong pipilitin kong sa bawat araw ay lagi kang magiging masaya sa piling ko at hindi mo pagsisihan ang araw na pinili mong mahalin ako."
Mahabang sagot ko dito. Alam kong ayaw niya ng promise kasi ang promise ay meant to be broken daw. Kaya pipilitin ko na sa bawat araw ay magiging masaya lang kami at hindi siya bibigyan ng rason para pagsisihan na minahal niya ako.
—
Yoko's POV
Alam kong nagtataka kayo kung bakit alam ko ang kanyang birthday. Well, sinabi lang naman sa akin ni Ize, kaya doon ako nagkaroon ng ideya na ito na ang tamang panahon para ibalik naman sa kanya ang pagmamahal na binibigay niya sa akin.
After ng sweet moments sa sala, inaya ko na siyang kumain dahil biglang tumunog ang kanyang tiyan.
"So, how did you know, love, na birthday ko ngayon?" pangungulit niya ulit sa akin.
Kanina pa niya kasi ito tinatanong, eh. Hindi ko sinasagot, haha.
"Ize told me na birthday mo ngayon kaya nagka-ideya ako na imbitahin ka dito para ipagluto ka."
Sagot ko sa kanya, kaya napatango naman siya.
"I know si Ize ang may sabi sa'yo. I have a surprise pa naman sa'yo, pero ako 'yon na surprise." Sagot nito sa akin, sabay subo sa akin ng pagkain. Ayaw niya kasing pumayag na hindi niya ako susubuan. Ginawa niya akong literal na baby.
"Thank you, love."
"You're always welcome. I love you!"
"I love you always."
And she kissed my lips.
BINABASA MO ANG
EXpecially For You
Hayran KurguFayeYoko short AU Where in Yoko Apasra joined EXpectially For You, to find her true love..