"Ano ito?"
"Are you stupid?"
"A-ano?"
"It's a two day weekend trip for us booked by Mom."
"P-pero..."
"We need to go there, it's one of mom's friend hotel. She'll verify our stay to her so we need to go there."
"O-okay..."
"Pack up now."
Dali dali akong pumasok ng kwarto dahil astang boss na naman sya.
It's a rest house beside a seashore.
Wow! It's a very beautiful place! Naexcite ako sa isiping makakapagswimming ako sa dagat ngayon. Well sa dalampasigan lang naman ako at hindi ako marunong lumangoy.
"Hello Vito, hello dear. Ito ang room key nyo enjoy your stay." Tipid na ngiti ang tugon ko.
"I-isang kwarto lang ta-tayo?"
"Of course mom booked this."
Inaayos nya na ang mga gamit nya at nahiga sa kama.
"Saan ako matutulog?"
Umupo sya at tinitigan ako. Napalunok ako sa way ng pagtitig nya.
"Either beside me or dyan sa sahig, free to choose."
"Pero—"
"Tsk." He replied then went out the room.
"Okay, suplado as always." Bulong ko sabay irap.
Hindi kami nakapagswimming kasi hapon na at malakas ang hampas ng alon. Delikado raw kaya nag-enjoy nalang ako sa mga pagkain. Madami iyon at lahat ay libre na. Sa sobrang busog ko napakape pa ako bago naunang umakyat sa kwarto namin. Sa sobrang kabusugan nakatulog na ako.
Zzzzzzz~
Kalagitnaan ng gabi nang maalimpungatan ako dahil sa parang bubuyog sa tenga ko.
O____O
Sa sobrang lapit ng mukha nya sa akin hindi ako agad nakagalaw sa gulat.
Ramdam ko yung bilis ng tibok ng puso ko pati ang tyan ko kumukulo na ewan. Halos magtayuan ang lahat ng buhok ko sa balat nang madama ko ang paghinga nya sa pisngi ko. Unfair! Bakit ang bango ng bibig nya kahit tulog?
Halos malunod ako sa kakatitig sa napakagwapo nyang mukha. I sighed. Nakakainis lang ugali nito pero ang gwapo nya. Ang panga sobrang evident. Ang labi pinkish na akala mo may lip balm na gamit, at ang mga pilik-mata kay haba. Tila anghel sa amo ang mukha. Yun nga lang pag tulog lang haha.
Hays! Sana ganito nalang sya kabait palagi baka mainlove pa ko sa kanya.
O___O
Nasampal ko ang sarili ko. Wtf? Ano yun? Ako maiinlove sa kanya?
Malaking sumpa!
Nang maliwanagan ako sa pinaggagawa saka lang ako dahan dahang umalis nang hatakin nya ako at yakapin.
Dug, dug, dug ~
Ano yun? Ang sakit ng dibdib ko?
Humigpit ang yakap nya dahilan para manlaki ang mata ko sa reyalisasyon. Nakayakap sya sakin kyaaaah!
Pilit akong nagpumiglas pero dala ng antok kaya hindi namalayang nakatulog na ko sa ganun naming posisyon.
*boogsh*
"Aray!" Nagising ako sa lakas ng pagkahulog ko.
Ang sakit!
Hinarap ko sya. Bwisit na ito ano malikot ba sya or what?
"Tinulak mo ba ako?"
"Tsk." Tanging sagot nya bago padabog na sinarado ang pinto nang umalis.
Bwisit na yun! Kahit kelan ang sama ng ugali.
Teka!
O___O
Nagising ba syang magkayakap kami?
![](https://img.wattpad.com/cover/376685232-288-k425047.jpg)
YOU ARE READING
To Be Smitten
Короткий рассказAng supladong artista at akong ordinaryong medtech student lamang.