Maaga syang umaalis at kapag umuuwi naman ay tulog na ko. In short, hindi kami nagkakaabutan ngayon dahil sa sobrang busy nya sa shoot.
Nalalaman ko lang na katabi ko na sya kapag naaalimpungan ako sa madaling araw dahil sa halik nya sa noo ko.
Oo, I findi it so sweet. Kaya kahit parang gusto ko magtampo dahil namimiss ko sya ay hindi ko magawa. Ikaw ba naman paggising mo yun una mong maaalala. Palagi tuloy maganda gising ko at nakangiti maghapon.
Nagtuturo na uli ang mga teacher kaya medyo busy na rin sa school. Marami na uli silang tinatambak na schoolworks sa amin.
"Pauwi ka na?"
"Oo e,"
"Sabay tayo."
"Hala sige,"
Nakakatuwa rin itong si Ryx. Sinasabayan ako sa pag-uwi at napapadalas kaya hindi boring ang buhay ko kahit paano. May pagkamadaldal kasi ito at ang galing sa retdem. Tinutulungan nya pa ako.
Medyo nahihiya lang ako kasi palagi kami inaasar ni Tatiana.
"Yiee, bagay talaga kayo. Ryx, ingatan mo yang tropa ko ah." Napairap ako sa sinabi nitong babaeng to.
Hindi nya alam may asawa na ako.
Well wala naman talaga nakakaalam bukod sa amin at mga magulang namin.
"Ryx thank you. Dito mo nalang ako hatid." Paalam ko. He just smiled and waved back.
Hindi ko namamalayan na hindi na pala kami nagkita ng isang linggo ni Vito dahil sa busy sa school. Nalaman ko rin excuse sya sa class due to his work. Mabuti nalang din at may mga exam kaya abala ako sa pagrereview.
"Ryx diba artista ka din, wala ka bang project ngayon?" Tanong ko. Nasa library kami nagrereview at nahihilo na ko kakabasa to be honest.
Binaba nya ang librong binabasa.
"I have priorities, that is what I am focused on." Napatango ako.
Aaah...
Wala na kong nasagot kaya nagsalita syang muli.
"I just wanna finish my study first and wanna try my chance to the girl I like." Napatingin ako sa kanya.
Wow! May gusto na pala sya. Naalala ko tuloy gustong-gusto ko sya dati. Wa zi lei na Rukawa kasi talaga ang dating nya. Sobrang gwapo, sobrang kalmado, sobrang angas, sobrang bait. Lahat na nasa kanya. Dagdag pa na matalino sya.
"Ayieee swerte naman nya, sino? Kaklase natin?" Nakangising tanong ko.
"Jusme ka, Stancy ang shonga mo rin minsan no,"
Singit ni Tatiana epal. Hmp. Kahit kelan parang hindi kaibigan tong babaeng to e.
"Girls let's go home magsasara na library."
"Sus kayong dalawq lang naman sabay uuwi,"
"Malamang ate ko iba direksyon ng pauwi sa inyo." Inirapan ko sya.
Sa South kasi sya samantalang kami ni Ryx parehong West ang daan pauwi. Hindi nga nagdadala ng sasakyan si Ryx. Unang alok nya kasi na sumabay umuwi tumanggi ako dahil ayoko sumakay sa kotse nya. Bilin kasi sakin ni Vito na huwag na huwag daw ako sasakay sa kahit sinong lalake.
"Dito na lang Ryx, salamat sa pagsabay. Sa Monday nalang uli." Paalam ko.
"Yeah, it's Saturday tomorrow. See you on Monday."
"Yes, bye na."
Aalis na sana ako nang mapahinto ako dahil sa paghawak nya sa siko ko.
He stared at me. Nailang ako kasi baka mukha na akong bilasang isda dahil sa pawis.
"Pwede ba kitang sunduin para isabay pumasok?" He asked. I saw his adams apple moved.
Ngumiti ako ng matamis.
"Sure, see you on monday."
Sa mga sumunod na araw, mas lalo syang naging busy. Nalaman ko kay tita jas na 2 weeks straight syang hindi nakauwi. Kaya pala walang halik sa noo na gumising sa akin.
Nakaramdam ako ng lungkot. Sobrang namimiss ko na talaga kasi sya kaso wala naman akong magawa. Nakakahiya rin kasi na istorbohin sya sa shoot.
Kinabukasan wala akong pasok kaya nasa kwarto lang ako nang tawagin ako ni tita.
"Ija, nagluto ako ng pagkain para kay Vito, ok lang ba at dalhin mo ito sa kanya. Dinamihan ko yan para masabayan mo rin sana sya sa pagkain. Kawawa naman ang anak ko, sobrang busy sa work nya."
Ngumiti ako kay tita.
"Ako pong bahala."

YOU ARE READING
To Be Smitten
Short StoryAng supladong artista at akong ordinaryong medtech student lamang.