"Hoy okay ka lang? Anong nangyayari sayo. Tahimik ka na nga namumula ka pa."

Epal naman nitong si Tatiana. Nakikitang nagd-daydream yung tao e.

Huhu pero nakakahiya. Namumula ako.

Aisssh

Tigilan ko na nga kakaisip ng nagdaang gabi. Nakakaloka kasi. Ganun pala yun. I mean huwaaah tama na nga. Para na akong tanga dito.

"Hay nako, tara na nga tapos na ang klase dahil nagstart na ang mga booth sa quadrangle. Tara tingin tayo."

Yeah, foundation week na at half day lang ang klase dahil nakalaan na para sa mga activities na pinlano ng student council.

As usual, may mga booth na nagsesell ng mga merchandise like kpop merch, anime at iba pa. May mga ibat ibang pagkain at inumin din gaya ng rice meal, burger, fries, milkshake na binebenta.

Sa kabilang parte, may henna tattoo stall, kissing booth, marriage booth at jail booth. Sa may bandang stage may mga grupo ng students na nagpeperform.

Nagkakalat ang mga studyante sa paligid at masaya sa paglahok sa ibat-ibang pakulo ng student council.

Naglilibot lang kami nang marinig ang ingay sa kabilang dako.

"Ano yun? Tara tignan natin."

Hinatak ako ni Tatiana. Kaso sana hindi nalang ako nagpahatak.

Nakita ko sa gitna si Shieya na nakayakap kay Vito. Nakapaligid ang mga studyante sa kanila. Ang iba ay kinikilig ang iba ay nagbubulungan. Mayroon pang kumukuha ng litrato.

Tila pareho silang walang pakelam sa paligid. Umiwas ako ng tingin. Gusto ko na umalis.

"Sila na ba?" Tanong ni Tatiana sakin na nagpatuptop ng bibig ko.

Malay ko.

Pero kasi...

Diba...

Yung ginawa namin nang nagdaang gabi? Ano yun? Acting pa rin ba?

Wala lang ba yun?

Ako lang ba talaga nag-iisip na may kahulugan yun.

Na nagsisimula nang may mamagitan sa amin.

I could feel the hurt stabbed in my chest.

Umaasa ba ako?

"What are you doing here?"

"Binibisita ka."

"For what?"

"Because I miss you and there's..."

Kahit nasa ibang direksyon ang mga mata ko ay rinig ko at ng mga studyante sa paligid ang usapan nila.

Naputol lang ang mga ito nang may dalawang lalakeng studyante ang lumapit sa kanila.

"Pwede ba kayong sumama sa aming dalawa?"

"Why?"

"For marriage booth."

"I'm not coming."

True enough they were brought to marriage booth.

"Sandali girl,"

Tumakbo na ako paalis, hindi ko ata kaya makita silang kinakasal kahit laro lang iyon.

Napadpad ako sa likod ng canteen. Naupo ako sa upuang gawa sa kahoy sa ilalim ng puno. Napayakap ako sa bag ko.

A lot of things ruined my mind. I overthink again. I wanna cry but I can't here. Hindi pwede.

I cheered myself up. I need to be strong. They work together kaya they need to pretend they are lovers.

Are they even pretending?

"Miss sumama ka sa amin."

"Ano?" Hindi ko na napigilan ang pagbulyaw sa mga lumapit sa akin.

"Miss sorry for Jail booth ka."

"What the fuck! Bitawan nyo ko. Sinisira nyo lalo araw ko."

Ang mga bwisit na studyante hindi nagpatinag, kinaladkad ako sa bwisit na jail booth. Hinarap ako sa isang kulungang gawa sa kahoy na natatakpan ng tela. Patuloy ako sa pagpupumiglas.

Nakakapikon na talaga.

To Be SmittenWhere stories live. Discover now