Patuloy ko siyang iniiwasan. Mabuti nalang din at may movie na sya kaya mas lalo kaming hindi na muna magtatagpo kahit nasa iisang bahay kami.
Payapa naman ang mga sumunod na araw. Nagulat lang ako nang biglang umuwi sila tita Jas at Mama. Si tito ang naiwan sa amerika para asikasuhin ang chocolate factory.
"Surprise anak!"
"Nasaan ang asawa mo? Hindi ba kayo sabay umuwi?"
Sa gulat ko hindi ako nakasagot agad. Nang makabawi sinabi ko nalang na may shooting si Vito.
I wonder what movie they are doing now?
Argh!
Don't think of anything about that guy and his thing.
"Aaaah tita dami nyo pong gamit na dala." Aniya ko nang mapansin ang mga inilalabas nyang bagahe.
"Mga pasalubong namin yung isang maleta para sa inyo, dalawang maleta para sa gamit ko at dalawang maleta ay gamit ng mama mo naman."
"Ito pong balikbayan box ano pong laman?"
"Gamit pa rin namin ng mama mo."
O__O
"Bakit andami nyo pong dala?"
"Napagdesisyunan namin ng mama mo na dito muna kami hanggang matapos ang taon dahil stable naman ang factory sa ngayon." Nakangiting sagot nito.
Sa gulat ko hindi nagsink-in sa akin lahat.
Oh god! Magkahiwalay kami ng kwarto ni Vito.
Gosh!
"P-po?"
"Bakit ija? May problema ba kung dumito muna kami sa bahay nyo? Doon naman kami ng mama mo sa isang kwarto mags-share huwag ka mag-alala."
Im doomed now!
Vito nasaan ka na baaaaaa?
"Sige akyat muna na namin ang gamit namin sa ta—"
Hirangan ko ang daanan nila para pigilan sila.
"Bakit anak?"
Pagtataka nila.
"Aaaah tita mama ano po.... Madumi pa iyon linisin ko muna po." Pinagpawisan ako ng malagkit.Malalagot talaga kami nito.
Vitoooooo!
"Hayaan mo na ija. Kami na ang maglilinis, tumabi ka na riyan."
"Aaah ano... tita maraming ipis at alikabok doon po."
"Okay lang sab—"
"Ma!"
Tatlo kaming sabay sabay lumingon kay Vito.
"Vito anak! Buti naman at nakauwi ka na."
Dali dali itong lumapit at niyakap si Vito napahawak ako sa dibdib ko.
Nakita ko pa ang pagtataka sa mga mata ni mama ngunit iniwas ko ang mga mata ko. Sorry mama ayaw ko magsinungaling pero huhu kailangan ih.
Nagulat ako nang higitin ako ni Vito at halikan sa noo. Nanlaki ang mata ko at nanigas ang buong katawan ko sa gulat.
F-fuck?
Hindi ko namalayan ang paglapit nya mas lalo ang ginawa nya.
I was shocked and stunned. Gusto nya ba ako tuluyang maging rebulto?
Vito! Anong ginagawq mo sakin?
I could feel it. The shiver, the electricity, those receptors that lingers my veins. I don't know but I am slowly getting scared of this for myself.
He is still holding me in his huge arms kahit pa ang mga mata niya ay na kela tita.
"Ma, let's eat outside first, we missed you."
With that he was able to convinced us. Hinintay namin sya sa kotse dahil magpapalit pa raw sya ng suot. Medyo nagtagal sya, malamang ay inayos nyq na ang dapat ayusin.

YOU ARE READING
To Be Smitten
Short StoryAng supladong artista at akong ordinaryong medtech student lamang.