"Ayoko dyan, tigilan nyo ko."
Ang malas ko huhu. Si Vito kinasal kay Shieya sa pesteng marriage booth na yan tapos ako nandito sa jail booth.
"Huhu nakakainis na kayo ah."
Tuluyan na nila akong nilock st hindi man lang tinanggal ang telang nakatalukbong.
Pinaghahampas ko ang pinto kahit tila parang walang nakakarinig.
"We have thirty minutes before they let us out."
Napaharap ako sa nagsalita. Gulat ng makita sya kasama ko dito sa loob.
"Anong ginagawa mo rito?"
"Of course, someone put me in this jail."
"Akala ko..."
Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nang maramdamang nangingilid ang luha ko.
"Akala mo ano?"
"Akala ko nagpakasal ka sa kanya."
There I said it and my eyes became blurry.
"It's just a marriage booth,"
"Kahit na, ikakasal ka parin sa kanya,"
Hindi ko na napigilan ang mga luhang nais kumawala sa mga mata ko.
"Hush, it never happened kaya ako nandito. I'm sorry."
He grabbed and hugged me tightly. Lalong lumakas ang pag-iyak ko.
"Vito..."
"Hush baby, sayo ako kasal at sayo lang ulit magpapakasal."
I was relieved. I don't know how to explain things on us. But I know I am happy. Kung ano man mayroon sa amin ngayon, I could feel the feelings we cherished.
He assured me many times hanggang sa tumahan ako sa mga yakap nya.
When the thirty minutes came, we were both shocked nang biglang lumiwanag tanda na tinanggal ang telang nakatabing sa kulungan. Agad ko syang tinulak palayo.
Ayoko syang mapahamak kaya lumayo ako sa kanya. Nakatingin sa amin ang mga studyante bago kami pinakawalan. Mayroon pang nang-asar.
"Anong ginawa nyo Vito bakit ang tahimik nyo dito kanina?"malisyoso nitong tanong.
"Something you guys shouldn't watch."
"Woaaaah, tinik mo talaga boss."
Pinamulahan ako sa sinagot nya.
Seryoso sya pinatulan nya pa ang ganung biro.
Mauuna na sana akong umalis nang kunin nya ang kamay ko. Napatigil ako.
Ano ba Vito! Baka may makahalata na sa atin.
"Mauna ka na umuwi, I have shooting later."
Tango lang ang naisagot ko.
Hinatak nya ako palapit sa kanya para yakapin.
"Yieeee, bangis mo pre."
Nanukso pa ang mga studyanteng lalake na nakakita. Akala siguro nila parte lang ito ng pambobola ni Vito.
Nainis ako bigla sa naisip. Baka nga binobola lang talaga nya ako. Hmp.
Nagmamadali akong iniwan sya roon. Bahala sya.

YOU ARE READING
To Be Smitten
Short StoryAng supladong artista at akong ordinaryong medtech student lamang.