"Nasaan tayo?"
Imbis umuwi dinala nya ako sa isang mataas na kapatagan na tanaw ang nagtataasang mga gusali ng syudad. Katamtaman lamang ang init na dulot ng sinag ng araw at nagsasayawan ang mga dahon ng mga puno sa galaw ng hangin.
Maganda dito. Ang sarap magpahinga at i-appreciate ang kapaligiran.
Nagulat ako ng maglabas sya ng tela.
"Could you get the basket inside the car please?"
"May basket ka palang dala."
Agad akong bumalik sagot sasakyan at naroon nakita ko ang basket na may mga pagkain at inumin.
Hala! Magpi-picnic ba kami?
My heart pounded. Kinilig ako sa naisip. Sino bang hindi?
"Magpipicnic tayo?" Nahihiyang tanong ko.
"Certainly."
My heart became more erratic. He's for real?
Nang matapos syang maglatag halos hindi ako makareact nang hawakan nya ang kamay ko at igiya paupo.
I equated his stare. Hindi sya bumibitaw sa mga titig namin at ang mga mata nya ay tila hinahaplos ang kalooban ko. Tila nagsusumamo at nanunuyo.
Hindi ko alam kung tama bang makaramdam ako ng kagalakan sa pinapakita nya sa akin. Asawa ko sya sa papel ngunit alam naming pareho na hanggang doon lang yun. Simula palang hindi ko siya nakikitang magustuhan ako dahil palagi naman syang suplado at walang paki sa akin.
Ngunit alam ko rin sa sarili ko na umaasa ako na maging totoo ang lahat sa amin. I have a little hope for us that I kept in me. I wouldn't deny that somehow I fear divorce.
I wish we can work together to make this relationship better and real.
I let out a deep breath. I really do wish.
"What bothers you?" Naputol ang pag-iisip ko nang marinig ang maamo nyang boses. Malalim man I could feel genuine gentleness in his horse voice.
Napailing ako. Natameme lang ako nang hawakan nya ang kamay ko at dalhin sa labi nya upang marahan itong dampian ng halik.
I could feel those butterflies inside my stomach having feast with bloomed flowers.
"Tell me your worries, I'll help you fix it."
Tango lang ang tanging naisagot ko. He gave me the sweetest smile of oh dang! First time ko ata makita yun. Did he really smile sweetly to me?
Kaunti nalang talaga. Makukumbinsi na nya ako na nagmamahalan kaming mag asawa.
Winaksi ko nalang ang mga isipin at inenjoy ang napakasaya at payapang araw na ito namin. I'm so happy na walang kalagyan ang saya ko. After we ate, we enjoyed watching the sunset. Nang magdilim saka lang kami nagdesisyon umuwi.

YOU ARE READING
To Be Smitten
Short StoryAng supladong artista at akong ordinaryong medtech student lamang.