Nico's
Nagising ako sa tunog ng alarm ng cellphone ko at sa sobrang iingay ng mga kaibigan ko sa boarding house namin. Araw-araw nila akong binubulabog kahit wala akong pasok. Kahit nasa labas, rinig na rinig ko ang sigawan nila.
Bumangon na ako at naghilamos para puntahan sila at nang malaman ko na rin kung ano bang pinuputok ng butsi nila. Pagkatapos kong ayusin ang sarili ko ay agad na lumabas ako sa aking kwarto.
"Ano bang pinagtatalunan niyo? Ang aga aga." saad ko habang kumakamot sa ulo.
"Taragis kasi tong si Jenna, ang tanga e." iritableng sabi ni Gian sabay turo sa natapon na pagkain sa sahig.
Napakamot pa lalo ako nang makita ang kalat sa sahig. Pancit canton na nga lang natapon pa. Si Jenna at Gian, mga kaibigan ko simula pa highschool. Magkakasama kami sa iisang univ pero ibang kurso ang tinetake.
Napalingon ako sa pintuan nang may biglang kumatok. Bumukas naman ito at niluwa si Max, isa pa sa mga kaibigan ko. Sa aming apat siya ang talagang may kaya, hindi boarding house ang tinutuluyan namin kundi apartment na pagmamay-ari ng pamilya ni Max. Pinag-aambagan naming tatlo ang renta na pambayad.
"What's with all the yelling?" oh kitams, english pa.
Umupo si Gian sa sofa at tinuro ang pancit canton na nasa sahig. Tumawa naman si Max at inilapad sa mesa ang binili niyang pagkain, take out galing sa fastfood.
"Yun oh!" agad namang sabi ni Jenna at kinuha ang walis, "Oh lilinisin ko na para di ka na magalit." napailing na lang si Gian.
"Hindi mo naman kailangang hatiran kami rito palagi ng pagkain, Max." tinapik niya ako sa balikat bago tumabi kay Gian.
"I know, but you guys are my friends." tumayo ulit siya at kumuha ng isang sandwich. "Gusto ko ring makasabay kayong kumain ng breakfast." Sinunggaban agad ni Jenna ang pagkain na nasa mesa. Patay gutom talaga.
Pagkatapos naming kumain ng breakfast ay isa-isa nang umalis yung mga kaibigan ko. May mga pasok sila ngayon e. Bukod sa si Max ang nagbigay samin nang matitirhan na malapit sa school ay naging taga hatid sundo namin siya papunta ro'n, pero nakadepende sa sched niya.
Wala akong pasok kaya magpapahinga ako ngayon. Mamaya pa naman ang part time job ko. Isa akong barista sa isang coffee shop. Sa totoo lang e hindi naman talaga ako magtatrabaho ro'n kung hindi dahil sa isang babae na sinundan ko.
Nagpapasalamat na rin ako sa kaniya dahil nagkaroon ako ng extra income kahit full scholar ako. Sa isang linggo kong pagtatrabaho do'n ay napansin ko na lagi siya ro'n nakatambay.
Hindi ko alam kung bakit sobrang interesado ako sa kaniya. Gusto ko siyang lapitan pero pinangungunahan ako ng kaba. Ni hindi ko alam, baka straight pala siya.
Pagkatapos ng ilang oras ay naghanda na ako para pumasok sa trabaho ko. Paglabas ko ng apartment namin ay sakto namang dumating na ang mga mokong.
"Hey, pasok ka na?" tanong ni max kaya tumango ako. "Tara, papunta rin ako do'n ngayon." sumakay agad siya sa kotse niya.
"Bye, Nico. Ingat sila sayo." saad ni Jenna bago pumasok sa loob. Tarantado talaga.
Sumakay naman ako sa passenger seat at pinaandar agad ni Max ang kotse. Tahimik lang ang naging biyahe namin nang bigla siyang nagsalita.
"Did you know that my friend is the owner of that coffee shop you're working for?" mahinang tumawa siya, "and she told me she likes you." lah?
Nakita niya yata na confused ako kaya lumakas yung tawa niya. "Chill, she likes you because you're always on time." Huminga naman ako nang maluwag.
YOU ARE READING
Love, Nico
RomanceNico, an archi student, is secretly in love with her schoolmate, Yves. When an anonymous letter threatens to expose her feelings, Nico is torn between fear. As their friendship deepens through late-night talks and shared dreams, Nico discovers the c...