six

21 4 0
                                    

Nico's

Kahapon pa ako balisa dahil sa pangbablackmail sa akin nung kumuha ng binder ko. Hindi ko pa rin mapigilan magsisisigaw sa kwarto ko dahil sa pagkafrustrate. Lakas mang-asar nung kumuha ng binder ko e.

"Nico.." napalingon ako sa tumawag sa akin.

"I said, we should go buy clothes for later." saad ni Max.

Kumakain kami ng breakfast nang sabay-sabay. Nakatingin lang sakin si Gian dahil napansin niyang balisa pa rin ako. Tumango naman ako sa sinabi ni Max.

"Great!" sumandal ito sa upuan, "ipapakilala ko na rin sainyo ang kapatid ko, she's coming with us e." nakangiting saad nito.

"Sana kasing galante mo yan." saad naman ni Jenna na punong-puno pa ng pagkain ang bibig. Napailing-iling na lang kaming tatlo sa katakawan niya.

Pagkatapos naming kumain ay nagbihis kami para magshopping. Sabi ko nga kahit ukay-ukay lang oks na pero mapilit si Max na siya na raw bahala. Sana lahat ng kaibigan ganito.

Medyo nawala sa isip ko yung bagay na makakasira sa akin. Hindi ko na lang din inisip masiyado kasi masisira lang ang buong araw ko. Kinakabahan din ako na baka magkasalubong kami ni Yves ngayon, hindi pa ako handa para umamin sa kaniya.

Palipat-lipat kami ng stores at bumili sila sa bawat sa stores na pinupuntuhan namin, pero ako wala pa ring napipili. Namamahalan kasi ako e. Sa isang store na napasukan namin ay tsaka lang ako nakapili. Habang nasa fitting room ako ay naririnig ko yung tatlo na nag-uusa, may narinig din akong pamilyar na boses kaya binuksan ko ang pinto at sumilip.

"Anyways, where's Nico?" nanlaki ang mata ko nang makita si Quinn at Yves. Agad na sinara ko ang pinto, si Quinn ang nagtanong kung nasaan ako. Hindi ko rin naman inaasahang hanapin ako ni Yves.

Kinuha ko ang phone ko at tinext si Gian, "uh, h-hindi siya sumama e.." nakahinga ako nang maluwag, nabasa niya agad e. Si Gian na ang tinext ko kas palagi naman siyang nakatutok sa phone niya.

Sumilip ulit ako, "huh? kasam—" tinakpan naman agad ni Max ang bibig ni Jenna. Tangina talaga non, hindi matahimik.

"Alright, we'll go ahead na." saad ni Quinn at ngumiti.

"See you later, guys." saad naman ni Yves at umalis na sila.

Inantay ko munang mawala sila sa paningin ko bago ako lumabas ng fitting room. Binatukan ko agad si Jenna, "kita mo nang hindi kami okay ni Yves e ang daldal mo pa." napahimas  na lang ito sa batok niya.

"Ang sakit pala maging madaldal." bulong niya

Nauna na siyang naglakad sa amin papunta sa cashier, inakbayan naman ako ni Max. "You probably know that sooner or later, you'll have to tell her, yeah?" hindi pa rin kasi alam ni Jenna, siya na lang ang hindi nakakaalam.

"Malalaman niya na lang yan mamaya." saad ko naman at sumunod na kay Jenna na nasa cashier na.

Pagkatapos naming bayaran ang mga damit na napili namin ay naghanap naman kami sunod nang makakainan. Lunchtime na e, gutom na rin kami. Sa KFC na lang kami pumunta, gusto raw kasi ni Jenna ng half shots.

Iniisip ko na kung paano ako aamin kay Yves mamaya, inabot pa ng isang linggo bago niya napagdesisyonan na kausapin ako e no? Buti na lang maganda ka kasi kung hindi, joke lang, imposibleng pumangit yung baby ko na yon. Luh?

Umorder na si Max at Gian, kami na lang ni Jenna ang naiwan. Tahimik lang kaming dalawa pero sumusulyap-sulyap siya sa akin. Ibinaba ko ang phone ko at tiningnan siya.

Love, NicoWhere stories live. Discover now