three

22 4 0
                                    

Nico's

Ilang buwan na ang nakalipas at mas naging close kami ni Yves dahil lagi kaming magkasama. Madalas na rin namin siyang kasama ng mga kaibigan ko. Pero ngayon, kaming dalawa lang ang magkasama sa library.

"Nakakapagod siya, for real." bulong niya.

Natawa naman ako habang ginagawa ang plate ko. Malapit na kasi akong matapos kaya di na ako nagrereklamo. "Ano ba kasing ginawa mo nung weekend?" tanong ko rito.

Inilapag niya ang hawak na lapis at tumingin sa akin. "I helped my friend to prepare for her upcoming birthday." natawa naman ako. Matagal pa naman yung deadline pero ganito siya magreact.

"Gusto mo bang tulungan kita?" alok ko rito. Lumiwag ang itsura niya at tumango-tango. "I still have two plates to make. Pwede bang ikaw na maglines, wait." kinuha niya ang isang papel na galing sa bag niya at inabot sakin. "Here is the sukat." ngumiti siya kaya napangiti na rin ako. "Okay, sige." kinuha ko na rin ang extrang papel niya at nagsimula nang sukatin at linyahan ito.

Nang matapos ko ito ay sakto namang natapos niya na rin ang unang plate na ginagawa niya. Sumandal siya sa upaun at bumuntong hininga. "Pagod na pagod ah." Inabot ko sa kaniya ang pinagawa niya sakin kaya ngumiti ulit ito. "Thanks very much, Nico." saad nito habang nakangiti pa rin. Ngumiti lang din ako sa kaniya at pinagpatuloy na ang plate ko para matapos na.

"By the way," napatingin ako nang bigla siyang magsalita. "I'd like to invite you sa birthday party ng friend ko." kumunot naman ang noo ko, kasi bakit ako? Baka party yon ng mga bigatin na tao, nakakahiya naman.

"I'd like to come." sabat naman ni Max. Kasama niya yung dalawang mokong. "Hoy, kami rin." sabi naman ni Jenna.

"Of course, y'all can come." sabi naman ni Yves.

Tuwang-tuwa naman yung tatlo. Tumingin sakin si Yves na para bang inaantay ang sagot ko. "Pupunta ako." ngumiti naman ito agad sa naging sagot ko.

Sinabi niya samin kung anong oras at araw. Sumakto nga na may trabaho ako non. Inakbayan ako ni Max, "come on, sumama ka na. Ako na bahala kay Quinn." Inalis ko ang pagkakaakbay niya, tiningnan ko siya at ginawa niya na naman yung tingin niya na hindi mo talaga matatanggihan.

"Oo na, magpapaalam ako mamaya." lumawak naman ang ngiti ni Yves. Ang ganda, bwiset.

Pagkatapos ng vacant namin ay pumasok na ako sa susunod kong subject. Hindi ko rito kaklase si Yves, kaya medyo boring. Nagagawa ko namang hindi mabore sa mga subject ko noon nung wala pa siya. Nasanay na ako na lagi siyang nandiyan.

Nang makalipas ang isa't kalahating oras ay nagdismiss na rin sa wakas si Sir. Dumiretso ako kaagad sa sasakyan ng jeep para maaga ako sa tranaho ko at nang makapagpaalam na rin ako kay Quinn.

Masiyadong maraming pasahero ngayon, kaya naman hinanda ko na ang sarili ko na makipagsiksikan. Hindi pa ako nakakapasok nang may matumbang babae sa harap ko. Tinulungan ko naman siya kaagad at tinulak papasok para makasakay rin siya.

Tinabihan ko ang babaeng tinulak ko at humingi nang paumanhin. Ngumiti lang ito kaya ngumiti na rin ako rito pabalik. Napasulyap ako sa i.d niya at nakita kong schoolmate ko pala siya.

"Sa UST ka rin pala nag-aaral." lumingin siya at tumango.

Inabot niya ang kamay niya sa akin, "I'm Chin, you are?" inabot ko rin ang kamay ko at hinawakan ang kamay niya, "Nico." ngumiti siya kaya binitawan ko na rin ang kamay niya.

Malapit na ako sa babaan ko kaso traffic pa, nagpaalam na ako kay Chin at bumaba na. Tinakbo ko na lang papunta sa coffee shop para umabot pa sa target kong oras.

Love, NicoWhere stories live. Discover now