nine

27 3 0
                                    

Nico's

"Ikaw?" hindi makapaniwalang tanong ko rito.

Lumapit siya sa akin at ipinakita anng binder ko na hawak niya. Hinawakan niya ang kamay ko at ibinigay to sa akin. Nilipat ko ang tingin ko sa binder ko at sa kaniya.

"Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko, Gian." saad ko

Umupo ito sa bench na malapit samin at diretsong tumingin sa akin. "Napulot ko yan, ihahabol ko sana sayo, pero ang layo mo na. Yun din yung araw na wala ka palagi sa sarili mo dahil hindi kayo nagkakausap ni Yves." tumikhim siya at umiwas ng tingin, "Gusto kong malaman kung anong laman ng notebook na yan kaya binuklat ko." dagdag niya pa.

"So, ikaw nga?" hindi ito umimik. Sa sobrang frustration na nararamdaman ko ay tinalikuran ko siya at naglakad palayo.

"Nico, teka." pagpigil nito sakin. Tumigil ako sa paglalakad habang nakatalikod pa rin sa kaniya.

"Hayaan mo naman muna akong magpaliwanag sayo at kung bakit ko nagawa yon." saad niya.

Hinarap ko siya, yung frustration ay naging galit. "Magpaliwanag? Gian, b-best......." hindi ko napigilang magcrack ang boses ko, "best friend kita...." pinahid ko ang luhang tumulo sa pisngi ko, "ikaw nga mas pinagkakatiwalaan ko kaysa kay Jenna e.....kasi lumaki tayo nang magkasama..." lumapit siya sa akin at niyakap ako nang mahigpit.

Hindi ko na napigilan at umiyak na ako. "P-paano mo nagawa sakin yon?" hagulhol ko.

"Sorry, Nico. I'm so sorry." umiiyak na rin siya, tinulak ko ito nang marahan at naglakad ulit palayo sa kaniya.

"Nico!" tawag niya sa akin pero hindi ko siya nilingon ulit.

***

Yves'

"Ang tagal naman ni Nico sa cr." saad ko

Kanina pa kasi siya nagpaalam na magccr e, and she's not back yet. I'm getting a little worried. Tumayo ako para puntahan siya sa cr but she's not there. I rushed towards Max and told her about it.

"What do you mean she's not there? Saan naman yon pupunta?" tumayo naman agad ito at naglakad palabas.

"Let's just find her." sabi naman ni Quinn

Naghiwa-hiwalay kaming tatlo para hanapin si Nico. Pumunta ako sa entrance at nakita ko si Gian doon.

"Nico!" tumakbo naman agad ako palapit sa kaniya nung tinawag niya si Nico.

Tiningnan ko siya at umiiyak ito. "Where is she? What happened?" sunod-sunod na tanong ko at pinaupo ko siya sa bench.

Hindi naman siya nagsalita agad dahil umiiyak pa rin siya. Dumating naman si Shane at niyakap si Gian.

"I'm sorry, bebe." saad nito

"What happened?!" tanong ko ulit

They both keep silent kaya mas nainis lang lalo ako. "Answer me, Shanaia!" singhal ko rito..

"W-we black....mailed her." bulong ni Shane

"You did what?!" napatayo ako at tatakbo na sana kung saan papunta si Nico nang dumating si Max.

"Hey, we found this." tiningnan ko ang hawak niya at isa tong notebook.

Inabot niya ito sakin at kinuha ko naman ito. Iwinagwag ko ito kasi basa. Tumayo si Gian, "That's Nico's, yan din yung ginamit namin para  iblackmail siya. It's like a journal, and lahat tungkol sayo." sabi niya

Love, NicoWhere stories live. Discover now