Nico's
Inaayos ko ang mga gamit ko sa locker nang may biglang bumangga sakin. Sumubsob ako sa bakal na pinto ng locker kaya galit na nilingon ko kung sino man ang mga gunggong na tumulak sakin. Nakita ko naman ang ngisi ni Miguel na nakakaasar.
Lalapitan ko sana siya pero pinigilan ko ang sarili ko. Hindi naman kasi ako papatol sa isip batang iyon. Tinalikuran ko na lang siya at isinara ang locker ko. Narinig ko naman ang tawanan nila nung naglakad ako palayo.
"Don't mind them, siguradong hindi yon pinapansin sa bahay nila kaya dito nagpapapansin." tiningnan ko kung sino ang nagsalita at nakita ko si Chin, yung babaeng tinulungan kong makasakay sa jeep.
"Siguro nga." pilit akong ngumiti sa kaniya at gano'n din ang ginawa niya.
Nalaman ko na magkaklase kami sa ngayon sa susunod kong klase. Bakit ngayon ko lang siya napansin? Tumabi na lang din siya sakin. Maya-maya ay dumating na si Yves. Wala nang bakanteng upuan sa tabi ko kaya sa likuran ko siya umupo.
"Good morning, Nico." nakangiting bati nito sakin.
"Good morning din sayo, Yves." bati ko rito pabalik.
Dumating na rin ang prof namin at nagsimula nang magdiscuss. Kapag meron akong hindi naiintindihan ay si Chin ang nagtuturo sakin. Minsan naman ay sinusulyapan ko si Yves sa likuran at nakita ko ngang katabi niya na si Miguel.
Ngumisi si Miguel sakin, tumingin na lang ulit ako sa unahan at nagfocus sa discussion ng prof namin. Matapos ang isa't kalahating oras na discussion ay dismissal na.
"May kasabay ka na ba sa lunch, Nico?" tanong ni Chin habang inaayos ang gamit niya.
"Ah.." nilingon ko si Yves na nakangiti kay Miguel. Siya kasi ang madalas na kasama ko sa lunch. Lumabas na sila ni Miguel at dinaanan lang ako.
"Later, loser." bulong ni Miguel sa akin at dumiretso na palabas.
"Wala. Tara, sabay na tayo." pilit na ngumiti ako kay Chin. Tumango naman ito at naglakad na palabas.
Habang naglalakad kami papuntang canteen ay iniisip ko kung bakit hindi ako pinansin ni Yves nung lumabas sila ng room. Kasi usually naman kapag di siya makakasabay sakin kumain ay sinasabi niya naman.
May gusto ba siya kay Miguel? Baka straight talaga siya at kaibigan lang ang tingin niya sakin. Pero bakit kay Miguel pa? E pure ogag yon, hindi sila bagay. Napakabuting tao ni Yves tapos mapupunta siya sa kampon ni Satanas.
"Earth to Nico??" rinig kong boses ni Chin.
"Ah... Huh?" takang tanong ko rito. Kanina pa pala ako tulala, hindi ko man lang napansin.
"I said, where do you wanna eat?" tanong niya.
Inilibot ko ang tingin ko sa canteen at tiningnan kung may bakanteng upuan pa ba. Nakita ko si Miguel at Yves na nagtatawanan. "Ah, sa labas na lang? Medyo sawa na ako sa pagkain dito e." tumawa ako nang bahagya. Nakakaselos, bai.
Tumango naman si Chin, "ako rin e." Inaya ko na lang siya papunta sa isang karinderya ni Aling Pasing sa labas ng Campus. Dito kami madalas kumain noon, pero nahihiya akong dalhin dito si Yves dahil baka di niya magustuhan. Since nakita ko si Chin na sumakay ng jeep, baka magustuhan niya rito.
"Local karinderya, huh?" saad nito.
"Ah, bakit hindi ka ba kumakain sa ganito?" takang tanong ko.
"Hindi pa, pero baka masarap naman." sagot nito at nauna nang pumasok sa loob.
Mukhang mali yata yung inisip ko ah.
YOU ARE READING
Love, Nico
RomanceNico, an archi student, is secretly in love with her schoolmate, Yves. When an anonymous letter threatens to expose her feelings, Nico is torn between fear. As their friendship deepens through late-night talks and shared dreams, Nico discovers the c...