seven

29 4 0
                                    

Nico's

"I like you, Nico."

Natulala ako sa kaniya dahil sa ginawa at sa sinabi niya. Sobrang nagulat ako, hindi pa nga ako nakakamove on sa halik tapos may I like you pa. Bumalik lang ako sa tamang huwisyo nang marinig kong sumigaw ang mga tao na nanonood samin.

"Tama na yan!" sigaw ni Jenna.

Rinig ko ang sigaw nila pero kay Yves lang ako nakatingin. Ngumiti siya sa akin kaya agad ko naman siyang niyakap. "Matagal na kitang gusto, Yves." bulong ko sa kaniya.

"Sinabi nang tama na yan e! Bumaba na kayo riyan, ang sakit niyo sa mata!" sigaw ulit ni Jenna.

Natawa naman kami ni Yves, humiwalay na ako sa yakap namin tumingin sa mga mata niya. "Let's go?" tumango naman ito. Hinawakan ko ang kamay niya at bumaba kami ng stage.

Agad na yumakap sakin si Max pagbaba na pagbaba namin sa stage. "Congrats! Nakaamin ka rin." humiwalay siya sa yakap namin at niyugyog ako.

Sumunod naman si Gian, "Ayos, deserve natin ng triple date." saad nito.

"Ganon? Ako lang pala ang hindi nakaalam? Kingina niyo ah." agad naman reklamo ni Jenna kaya natawa kaming tatlo.

"Ayan, hindi niyo sinasabihan." singit naman ni Quinn at tumingin samin ni Yves. "You two look great together talaga." dagdag pa nito.

"That needs to be celebrated like my birthday so let's go dance!" sabi naman ni Shane sabay hila kay Gian.

Nagsimula na silang magsayawan. Hinawakan ulit ni Yves ang kamay ko at hinila ako palayo. Sumama na lang ako sa kaniya.

Dinala niya ako sa pool ng resort, umupo siya sa gilid habang nakatampisaw ang mga paa niya sa tubig. Tumabi naman ako sa kaniya at tumingin sa mga paa naming nasa tubig. Napatingin ako sa kaniya nang bigla siyang magsalita.

"I'm sorry for avoiding you.." nakatingin din siya sa mga paa namin habang sinasabi niya iyon.

Ngumiti naman ako, "okay lang yon, pero namiss kita ng sobra." tumingin siya sa akin pagkatapos kong sabihin iyon. Nakatingin lang siya sa akin bago siya nagsalita ulit.

"I saw you with Chin, you were happy.." umiwas siya ng tingin at binalik sa mga paa namin.

Inisip ko pa kung kailan niya kami nakita. Kasi iniwasan ko rin si Chin nung hindi ako pinapansin ni Yves e. Walang-wala ako sa mood noon.

"Sinundan ko kayo sa labas ng campus that day." napatingin ako sa kaniya at lumingon din siya sa akin, "You were laughing with her in that karindeya. I was jealous." inirapan niya ako at tumayo na.

Kaya ba hindi niya ako pinapansin?

Tumayo naman ako agad at sinundan siya. "Yves." hinawakan ko ang kamay niya at hinila siya palapit sakin. Pero napalakas ang hila ko at naout of balance kaming dalawa at nahulog sa pool. Napatili naman agad si Yves.

Mabuti na lang at hindi gaanong malalim ang pool. "My God, Nico!" natawa ako at winisikan pa siya ng tubig, pero mas nainis lang siya.

Inirapan niya ulit ako at umahon na sa pool. Sinundan ko naman agad siya, "sorry na." hinawakan ko ulit ang kamay niya kaya napatigil siya sa paglalakad. Dahan-dahan ko na siyang hinila palapit sa akin at niyakap siya.

"Ikaw ang gusto ko, Yves." humiwalay ako sa yakap namin at hinawakan ang pisngi niya habang nakatitig sa mga mata niya. "Ikaw lang."

"Dapat lang." napangiti naman ako at hinalikan siya sa noo.

Love, NicoWhere stories live. Discover now