Nico's
Maaga akong nagising dahil magtatry out ako sa volleyball ngayon. Bukas na ang party pero hindi pa rin ako pinapansin ni Yves. Huminga ako nang malalim para mawala saglit sa isipan ko si Yves. Baka kasi hindi ako makapagfocus at di pa ako makapasa sa try out.
Kasama ko si Max dahil varsity na siya ro'n. Siya raw ang tutulong sa akin para makapasok sa team. Pumunta muna ako sa locker ko para kunin ang sapatos ko. Pagbukas ko ng locker ko ay may nahulog na papel, pinulot ko ito. Nakatupi ito kaya binuksan ko, may nakasulat dito. Tiningnan ko ang paligid, nagbabakasakaling nandoon pa ang naglagay nito sa locker ko.
I know your secret and I also have it with me. Do you want me to read it for the whole campus for you? If not, do anything I say. Kung ayaw mo, pwede ko namang ipagkalat itong nasa binder mo.
Agad kong pinunit ang papel at lumingon ulit sa paligid. Kaya pala hindi ko makita kanina, tangina kinakabahan ako. Baka kapag lumabas iyon ay mas lalong magalit sa akin si Yves. Isinara ko ang locker ko at naglakad papunta sa court.
"Hey, what's wrong?" tanong ni Max pagkarating na pagkarating ko sa court. Umiling na lang ako at ngumiti. Tinapik niya ako sa balikat at pumunta sa couch nila.
Parang gusto ko na lang umatras, di na ako nagdalawang isip, tumayo ako at umalis ng gym. Umuwi na lang ako at tinext si Max na masama ang pakiradam ko.
Iniisip ko kung sino ang kumuha ng binder ko. Wala naman akong pinapasok na iba sa kwarto ko. Hindi ko rin mahanap sa kwarto ko, hinalughog ko na pati ang buong bahay. Napaupo na lang ako sa sahig habang sapo-sapo ang mukha ko sa palad ko.
"Ano to? Gago, nanakawan ba tayo? Nico??" narinig ko ang boses ni Jenna kaya napatingin ako sa kaniya.
Hindi ko naman masabi sa kaniya yung note na nakuha ko sa locker ko dahil baka iexpose niya ako. Tumayo ako para ayusin ang mga gamit.
"Nawawala lang yung plate na pinagpuyatan ko kagabi." saad ko habang ibinabalik yung mga gamit na ginulo ko.
Tumungo naman ako sa kwarto ko at isinara ito. Huminga ako ng malalim bago inayos ang mga gamit ko. Hindi dapat ako magpaapekto, hindi dapat mahalata na natatakot ako. Maya-maya pa ay may nagtext sakin, binuksan ko iyon at nakitang galing ito sa unknown number.
unknown: It seems like you've already read my love letter for you.
Paano naman nito nakuha ang number ko? Kingina talaga satanas. Nagdadalawang isip ako kung rereplyan ko ba o hindi, pero nireplyan ko na lang din.
: Sino kang hayop ka?
Nag-antay akong magreply siya pero wala na. Inilapag ko ang cellphone ko sa bedside table at sumigaw sa unan. Sa oras na mahuli ko yon, mapapatay ko talaga siya. E kung ireport ko kaya to, blackmailing yung ginagawa niya e.
Maya-maya pa ay biglang tumunog ang cellphone ko, kinuha ko agad ito at tiningnan. Akala ko ay yung unknown number pa rin, pero mas nakakagulat na si Yves ang nagtext sa akin.
Yves: Let's talk, tomorrow.
Rereplyan ko sana ito kaso baka alam niya na. Wala na akong mukhang maihaharap sa kaniya. Inilapag ko ulit ang cellphone ko pero tumunog ulit ito, at yung unknown number na ang nagtext.
unknown: Chill, Nico. Ang unang ipapagawa ko sayo ay ang pumunta sa birthday party ng kaibigan ni Yves bukas, or else...
Napatingin ako sa salamin, yun na yon? Ay pano kung doon niya na ako iexpose? Hindi pwede, pero pano naman kung hindi niya gawin kasi pumunta ako? Tangina naman.
Tinapon ko ang unan sa pinto nang bigla itong bumukas kaya tumama ito sa mukha ni Gian. Napatakip ako ng bibig dahil sumakto talaga sa kaniya.
"Gago, sorry." tiningnan niya ako ng masama.
"Ano bang nangyayari sayo, Nico?" isinara niya ang pinto at lumapit sa akin.
"Hindi ko naman sinasad—" napatigil ako sa pagsasalita nang sumabat siya, "Hindi yan, ilang araw ka nang balisa, wala sa mood at lagi kang sumisigaw." napayuko na lang ako.
Huminga ako nang malalim bago nagsalita. Kung may mapagkakatiwalaan ako sa kanilang dalawa ni Jenna, si Gian yon. Masiyado kasing madaldal si Jenna.
"Nagsimula kay Yves. Hindi niya ako pinapansin, ngayon, nawawala yung..." tumikhim ako at tumingin sa kaniya, "yung....jour....journal ko." mahinang saad ko. "at merong kumuha non, binablackmail niya akong ikakalat ang mga nabasa niya ro'n. Huwag mo nang itanong kung ano nakasulat." mahabang saad ko.
Tumayo ako at naglakad pabalik-balik. "Hindi ko alam kung anong gagawin ko, kapag daw hindi ko ginawa ang pinagagawa niya ay ieexpose niya ako." kasabay ng pagtigil ko sa pagsasalita ang pagharap ko sa kaniya.
Tumayo rin siya at hinawakan ang balikat ko. "Gawin mo na lang yung pinagagawa niya at huhulihin natin siya, okay?" tumango ako.
Pagkatapos naming mag-usap ay lumabas na siya ng kwarto ko. Tiningnan ko ang text ni Yves at napaisip. Uunahan ko na lang yung blackmailer ko, aamin na ako bukas..
: Sige, see you tomorrow sa party.
***
cael's note:
oh wala munang letter si Nico kasi nawawala yung binder niya.
YOU ARE READING
Love, Nico
RomanceNico, an archi student, is secretly in love with her schoolmate, Yves. When an anonymous letter threatens to expose her feelings, Nico is torn between fear. As their friendship deepens through late-night talks and shared dreams, Nico discovers the c...