Nico's
"Nicola!" inis na nilingon ko ang tumawag sa pangalan ko. Buo talaga e 'no?
Si Jenna pala, hingal na hingal itong lumapit sakin. Tiningnan ko lang siya, parang nag-aagaw buhay na kung huminga e. "Wait, just let me catch my breath." natawa naman ako dahil napapaenglish pa talaga.
"Ano ba iyon?" iritableng tanong ko at inayos ang pagbitbit ng drawing tube ko.
Umayos ito ng tayo at humawak sa balikat ko, "may kailangan kasi akong asikasuhin sa office ngayon, tapos inutusan ako ng dean niyo na itour ang transferee student e hindi naman ako architecture student." anak ng tupa naman.
"Jenna naman—" tinakpan niya ang bibig ko, "sige na, bye!" napailing-iling na lang ako at naglakad papunta sa building namin.
Habang naglalakad ay tumunog ang phone ko, nagtext si jenna at numero ito ng estudyanteng itotour ko. Pambihira, may trabaho pa naman ako mamaya. In-off ko ang phone ko at dumiretso sa room namin.
Wala pa ang prof namin kaya tinext ko na ang number na sinend sakin ni Jenna. Sana di masungit to o maingay, baka masampiga ko nang wala sa oras. Sumandal ako sa kinauupuan ko.
***
+639********
: hi, this nico, ako magtotour sayo.
***
Maya-maya pa ay dumating na ang prof namin. Pero sa cp lang ako nakatingin dahil baka magtext yung itotour ko. Napatingin ako sa harap nang magsalita ang prof namin. Syempre, good student to.
"Good morning, class. I'm pleased to tell you na, you have a new blockmate." napangiti ako.
Sakto, di ko na kailangang maghanap kung kaklase ko lang pala siya.
Napalitan ng kaba ang nararamdaman ko nang makitang pumasok si Yves sa room. Nagdasal ako sa lahat ng santo na sana hindi siya yung itotour kong transferee at may iba pang transferee na nag-enroll. Tapos sa likuran pa ako naupo, ang daming bakanteng upuan. Baka dito pa paupuin ni sir.
"Good morning, everyone. I'm Yves Ricalde." bati niya.
Hindi ko alam kung matatawag ko itong malas o swerte kasi kinakabahan nga ako. Walang nakakakaba sa mga bagay na swerte.
"Okay, please take a seat wherever you want." napaiwas ako ng tingin nang inilibot niya ang tingin niya sa buong classroom.
Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko nang makita kong papalapit siya sa kinauupuan ko. Tangina naman kasi bakit bakante tong mga upuan dito? Sure enough, sa tabi ko siya umupo. Umusog ako nang kaunti.
"I heard ikaw raw magtotour sa'kin?" napalingon ako sa kaniya at diretso lang ang tingin niya sa unahan. "Uh, oo e." tipid na ngumiti ako kaya ngumiti rin siya. Taragis talaga, alam na alam kung paano ako kunin e.
Nagsimula nang magdiscuss ang prof namin, palihim na nagnanakaw ako ng tingin sa kaniya kahit sa peripheral vision ko lang. Maya-maya pa ay dismissal na namin, pero bago iyon ay pinabaunan niya kami ng sangkatutak na plates. Inayos ko muna ang mga gamit ko at tiningnan si Yves.
"Uh, saan mo ba gusto magsimula?" napatingin naman siya sa'kin at tumayo, "kahit saan." ngumiti siya at naglakad papunta sa pinto.
Talaga e, kunting ngiti lang para na akong hinabol ng kabayo kung tumibok tong puso ko e. Nilingon niya ako nung nasa tapat na siya ng pinto, "Hey, let's go." Tumango ako at sumunod agad sa kaniya.
YOU ARE READING
Love, Nico
RomanceNico, an archi student, is secretly in love with her schoolmate, Yves. When an anonymous letter threatens to expose her feelings, Nico is torn between fear. As their friendship deepens through late-night talks and shared dreams, Nico discovers the c...