eight

17 4 0
                                    

Gian's

Ilang araw nang walang kibo si Nico sa grupo dahil hindi siya pinapansin ni Yves. Awkward din kapag kasama namin yung dalawa e naging routine na namin yon. Hindi ako sanay na ganito si Nico, masiyadong malalim yung iniisip niya.

Halata naman na gusto niya si Yves. Kitang-kita ko kung paano niya titigan si Yves. Banggitin nga lang yung pangalan e napapalingon agad.

"Uy, si Yves!" lumingon naman si Nico nang banggitin ni Jenna ang pangalan na yon. "Joke lang." sinamaan naman agad ni Nico ng tingin si Jenna at binato ng tissue.

"Huwag mo na kasing asarin." saad ko para di na mabatukan ni Nico si Jenna.

"Ano ba kasing nangyari? Bakit iwas kayo sa isa't isa?" tumabi si Jenna kay Nico at kumuha ng pagkain nito. Napailing na lang ako, para-paraan talaga e.

"Ewan ko nga rin e, isang araw, bigla na lang siyang nagsungit." nahalata yata nito na kumukuha si Jenna sa pagkain niya kaya nilayo niya ito rito. "Inang to, bumili ka nga rin!" singhal nito rito.

"Damot mo ah." bumalik na ulit ito sa tabi ko at pagkain ko naman ang pinuntirya, hinayaan ko na lang. Sanay na rin ako e.

"Bakit di mo tanungin?" tanong ko naman.

"Yun nga e, kahit anong tanong ko, di pinapansin. Parang ayoko na lang tumuloy sa party ng kaibigan niya." halatang seryoso siya, e birthday yon ng girlfriend ko, gusto ko na ring ipakilala sa kanila si Shane.

"Eh, ano na lang ang gagawin mo? Hindi ka naman pwedeng umalis na lang nang ganyan," sabi ni Jenna kay Nico.

"Siguro, papasok na lang ako coffee shop," sagot niya, bagamat halatang hindi siya kuntento.

"Pero sayang naman, masarap pagkain don! Tsaka, hindi lang naman si Yves ang nandun," pagkumbinsi ni Jenna rito.

"Sama ka na lang. Malay mo, magkaayos kayo roon." saad ko naman

Nag-isip si Nico, tila naguguluhan. "Baka nga," sagot niya, pero parang may pag-aalinlangan pa rin sa boses niya.

Pumasok na kami sa kani-kaniyang pasok namin. Engineering ang kurso namin ni Jenna, ilang subject lang din ang magkaklase kami. Subukan ko na lang na kausapin si Shane mamaya at magtanong, baka may alam sa nangyari kay Yves.

Malapit sila non talaga e, matagal ko nang kilala si Yves dahil mag-iisang taon na rin kami ni Shane. Nung nalaman ko na lumipat siya rito at nagkataon pa na naging magkaklase sila ni Nico ay kinausap ko na siya na huwag munang sabihin sa kanila.

Hindi rin kami gaanong close ni Yves kaya nakakahiya kung tatanungin ko sa kaniya mismo kung anong nangyari sa kanila ni Nico. Baka may nagawa pala talaga yung kaibigan ko at ayaw niya lang sabihin, ayoko namang isipin ni Yves na nangengealam ako sa problema nila.

Pagkatapos ng huling pasok ko ay rekta uwi agad, masiyado na akong pagod para gumala pa. Malayo rin dito si Shane kaya facetime muna kami. Pumasok na ako agad sa kwarto ko at tinawagan si Shane. Alam kong wala na siyang pasok sa mga ganitong oras.

"Hi, bebe!" agad na bungad nito, pagkasagot na pagkasagot pa lang ng tawag ko. Kumakain pa siya nang sagutin niya ito.

"Nawala na agad pagod ko sa boses mo pa lang." saad ko naman, napangiti ako nang makitang ngumiti siya sa banat ko.

"Asus.." natawa naman ako dahil alam kong kinikilig siya.

Binuksan ko ang closet ko at kumuha ng damit na pamalit ko. "Bebe, may tanong ako." saad ko, habang naghahanap pa ng short.

Love, NicoWhere stories live. Discover now