ten

27 4 1
                                    

Yves'

Nico's been staying with me for a week now. She's at the living room of my condo, while I'm in my room. Hawak ko ngayon yung journal na dahilan kung bakit di sila okay ni Gian ngayon. I walked out of my room and sit beside her and hand her the notebook.

"Bakit nasa iyo 'to? Tinapon ko na to ah." she asked

"I wanna read what's inside of it, but I can't do it naman. Kaya binigay ko na lang ulit sayo." agad na sagot ko.

She went silent for a while and then looked at me. "Tungkol sayo ang lahat ng laman nito. Lahat ng naging interactions natin at simula nung unang  nakita kita sa coffee shop ni Quinn." umiwas siya ng tingin sa akin. "Tapos bigla na lang tong nawala, sa sumunod na araw..... may nagtext sa akin..... binablackmail ako..." she added

"Hindi ko ineexpect na s-si..... na si Gian pala yon." tears welled up in her eyes

"Shh.. I'm sorry."

I reached over and gently took the journal from her hands, feeling the heat from her palms still lingering on the cover. Without another word, I stood up and walked to the trash bin, my steps heavy. I opened the lid and tossed the journal inside, the sound of it landing there echoing in the quiet room.

I sat back down beside her, my hand hovering over her shoulder, unsure whether she would want me to touch her or not. But then she leaned into me, just slightly, enough for me to pull her closer.

"I never meant to stalk you," she whispered, her voice barely audible. "Hindi ko lang alam kung paano ka iapproach. Nagkaroon pa ako ng trabaho bigla dahil gusto kitang makita palagi." she chuckled awkwardly.

Humiwalay siya at tumingin sa akin. "I think totoo yung love at first sight." marahan ko naman siyang hinampas.

"Galing mo mambola ah?" natawa naman siya sa sinabi ko.

We were silent for a while, kinukulit na ako ni Shane na makausap na nila si Nico. Hindi ko naman alam kung paano ko isisingit yon. Napabuntong hininga ako kaya napatingin naman siya sa akin.

''Okay ka lang?" tanong niya

Ngumiti naman ako at tumango. Lumapit ako sa kaniya at sumandal sa balikat niya. Gusto ko na ring magkaayos sila dahil namimiss ko na ring kasama sila Gian sa lunch break sa school. Iwas kaming dalawa sa kanila kasi ayoko namang iwan si Nico.

Natahimik kaming dalawa, tanging tunog lang ng tv ang naririnig namin. Hindi maalis sa isip ko na sobrang namimiss na nung tatlo si Nico. Kahit sila e hindi makalapit kay Nico dahil alam nilang di pa rin ito ready na kausapin sila, kahit wala naman silang kinalaman.

Maya-maya pa ay may biglang kumatok. Agad naman itong tumayo kaya hinawakan ko ang kamay niya. "I'll open it, upo ka lang diyan."

Naglakad ako papunta sa pinto at binuksan ito. Napangiti ako nang makita ang mga kaibigan namin, but without Gian and Shane. Agad na bumeso sa akin si Quinn at Max.

"How is she?" tanong ni Max..

"She's fin—" sumabat naman agad si Jenna.

"Papasukin mo na kaya kami." sabi niya

"Sus, excited ka lang pumasok kasi titingnan mo yung ref kung may pagkain e." saad naman ni Audrey

Napailing-iling na lang ako at niluwagan ang pagbukas ng pinto para makapasok sila. Walang araw na di nagtatalo si Jenna at Audrey pag may kasama sila. Nakaabang naman si Nico sa likuran  ko at blanko lang ang expression.

"Hey, Nics." sabi ni Max, tumango lang si Nico at tumalikod.

Tiningnan ko sila at pilit na ngumiti. Nilapitan ko agad si Nico at niyakap siya. "I didn't know they were coming." humarap naman siya sa akin at hinawakan ang kamay ko

Love, NicoWhere stories live. Discover now