NANG mabuksan ni Shaira ang pinto ng inuupahang kuwarto, tumambad sa kanya ang isang simpatikong mukha na kailanman ay hindi niya inaasahang mabubuglawan niya sa pamamahay niya.
"Hi!" bati nito, at she had to admit na magmula nang araw na makadaupang-palad niya ito, ay hindi na ito natanggal sa kanyang sistema.
"Won't you let me in?" dugtong nitong hindi alintana ang shock na bumadha sa kanyang mukha. Bago pa niya naipagkaloob ang bendisyon na tumuloy, pangahas na itong pumasok at siya na rin ang nagkusang muling isara ang pinto.
"For you," anito, sabay lahad sa harapan niya ang tangan nito sa likuran: pumpon ng mga bulaklak—a bouquet of white roses!
She was shocked!
"Hey!" natatawang sambit nitong kinaway pa ang palad sa tapat ng kanyang mukha, na tila ba noon lamang siya nagising buhat sa isang napakahabang pagtulog.
"B-bakit ka—a-anong ginagawa mo rito?" nagkakandabulol niyang tanong, masasal na masasal ang pintig ng kanyang puso.
"Binibisita ka, what else?"
"P-pero, p-paano mong nalaman 'tong...?"
Naglaro ang pilyong ngiti sa mga labi nito. At bago pa niya namalayan, ito na ang nagkusang maglagay ng kamay niya sa pumpon ng mga rosas. Sanay siyang nakakatanggap ng ganito, hindi nga lang kasindami ng nakikita niya ngayon. Ang mga iyon ay buhat sa mga masugid niyang manliligaw sa patahian na hanggang ngayon ay umaasa pa ring mapapansin niya.
And what was she doing? Tila siya isang teenager na kagyat na inihatid ang mga bulaklak sa kanyang ilong at napapikit pa ang mga mata habang sinasamyo ang kabanguhan ng mga iyon.
"Do you like them?"
"Huh?" At tila ba noon lamang niya napansin ang presensiya ng lalaki. Magkahalong pagkapahiya at ewan ang samut-saring pumapasok sa kanyang isip nang mga sandaling iyon, habang mabilis niyang ibinababa ang pumpon ng mga bulaklak.
"I'm glad you appreciate them. Actually, nagbabaka-sakali lang ako."
"H-hindi ka na lang sana nag-abala pa. At h-hindi mo pa rin sinasagot ang tanong ko. P-paano mong nalamang—?"
"If I'm not mistaken, sinabi ko sa 'yo kahapon... sa kabila ng pagdaramot mong ihatid kita, I told you, gagawin ko ang lahat malaman ko lang kung saan kita puwedeng personal na mapuntahan. And this is it."
Maang siyang napatingin dito. "Y-you mean...?"
"Yeah, I'm sorry, sinundan kita kahapon umuwi ka."
Gustuhin man niyang makadama ng inis para sa kapangahasan nito, ay hindi ganoon ang naramdaman niyang biglang-bigla ay sumibol sa kanyang kaibuturan. Manapa'y napangiti siya.
"I'm glad na hindi ka nagalit sa kapangahasan ko," sambit nito.
"Magalit man ako, may magagawa pa ba ako, e, nandito ka na?"
Nagkatawanan sila. Kita niya sa anyo nito ang labis na kasiyahan. But on her part, hindi niya lubusang maibigay sa harapan nito ang totoong kaligayahan. Dahil wala naman siyang dapat na ipagdiwang.
"If that's the case, siguro naman ay pauunlakan mo na akong maupo?"
"Ay, o-oo, s-sige," paanyaya niyang hindi pa rin niya lubusang mapigilan ang sarili na hindi kabahan. Tinungo nito ang single seater ng upuang rattan at siya naman ay naupo, kaharap nito.
"Kaya lang, don't expect me to serve you a decent snack. As you can see, I have nothing in my house."
"No need to worry. Ang tanggapin mo lang ako rito'y kaligayahan na para sa akin. Kalabisan nang busugin mo pa ako."
BINABASA MO ANG
Fight For Love - Riza Tayag
RomanceSimpleng bagay lamang ang dapat gawin ni Shaira ayon sa pakiusap ng isang kaibigan: Kunwari ay siya si Shiela, kakaibiganin niya si Arrex Domingo, bibigyan niya ito ng pag-asa, at saka iwanan sa oras na kailanganin siya nito. Ngunit hindi ganoon ang...