NAGISING si Shaira, habol ang kanyang paghinga. Pawisan siya.
"God, bakit hanggang ngayo'y pinahihirapan pa rin ako ng kalooban ko sa ginawa kong kasalanan sa lalaking iyon? Gusto ko nang matahimik. Inihingi ko na ng tawad ang kasalanan kong 'yon. Pero bakit hanggang ngayon ay lagi pa rin siyang laman ng isip ko? Lagi pa rin siyang kasama sa mga panaginip ko?
Bakit hindi mawaglit sa utak ko ang lahat ng namagitan sa amin? Higit lalo ang pagpapaangking ginawa ko sa kanya!
All right, I loved him. I really loved him! Pero katangahang mahalin ko pa siya sa kabila ng katotohanang alam kong na-develop ang mga feelings namin sa napakamaling pagkakataon.
"God, help me. Sana rin, mapatawad ako ni Arrex sa aking ginawa. And please, do guide him always... for me.
Makakaya kong mawalay sa kanya kahit gaano kasakit. Kahit na sa mga pagtatagong ginagawa ko ay ibayong hapdi ng kalooban ang sumasaakin. Pero ang malamang may masamang nangyari sa lalaki dahil lamang sa dalawang nilalang na traidor dito—God, hindi niya makayanan iyon.
Somehow, gusto pa rin niyang muling makaharap ang binata, ang marinig mula rito ang mga kataga ng pagmamahal na sa napakaikling panahon ay umusbong sa kanila. Subalit, makakaya ba niya ang paniningil nito sa sandaling muling magkaharap sila?
"God! Ang isipin iyon nang labis ay ikamamatay niya.
Well, it could be better this way. At siguro, patuloy na lang niyang mamahalin ang binata. Ganoon na lang ang puwede niyang gawin.
NANG mga sandaling iyon ay muling balisa ang gabi ni Arrex. Naroon siya sa terasa ng bahay at umiinom, katulad ng mga gabing dinadalaw siya ng mga alaala—alaala ng isang babaing minahal niya, at sa maikling panahon ay idinambana niya sa kanyang puso.
"But hell! Where are you, Shiela? You're driving me crazy sa mga sandaling gigisingin ako ng mga alaala mo. Sa mga gabing malamig, papasok kang bigla sa utak ko... the moments we shared. The delirium of your voice that filled my senses... lalo akong pinapatay sa labis na pananabik sa iyo.
And damn you! Damn you, Shiela Rael for leaving me so soon matapos mo akong paibigin!
Inibig mo nga ba ako? O ikaw iyong pilit na nagsusumiksik sa utak ko matapos ang laban namin ni Aldrin... na isinugo ka ng demonyo sa buhay ko para lamang ako linlangin!
"God, no! Huwag naman sanang ganoon. Dahil kapag nagkataon, hindi niya alam kung sa paanong paraan niya nakatakdang pagbayarin ito—sa lahat ng mga pandarayang ibinigay nito sa kanya, higit lalo sa nagtiwala niyang puso!
Pero ano ang solidong dahilan ng biglang-bigláng pagkawala nito? Kung mali ang kutob niya, bakit lubhang nahihirapan ang inupahan niyang detective na matagpuan ito?
Lubhang mahirap hanapin ang nilalang na sadyang nagtatago!
PAPALABAS na ng silid niya si Shaira para pumasok—panggabi ang pinili niyang klase upang sa araw ay magampanan niya ang lahat ng trabaho sa bahay ni Jimmy—nang tumunog ang telepono.
"Hello," aniya sa nasa dulo ng linya. "Hello, is there anything I can do for you?"
Ngunit hindi tumugon ang nasa kabilang linya gayong hindi rin naman nito ibinababa ang aparato. Tatlong beses yata siyang nag-"hello," at nang sa tantiya niya ay nanloloko lang ito at tila walang magawa sa buhay, ay akma na niyang ibababa ang awditibo.
"W-wait—!" anang tinig ng lalaki sa kabilang dulo ng linya. "Ikaw ba ang kasama ni Jimmy?"
"Ako nga ho. Who's on the line, please?" casual niyang tugon—tanong na siya lang namang bilin ni Jimmy sa kanya sakaling wala ito at may maghanap dito.
BINABASA MO ANG
Fight For Love - Riza Tayag
RomanceSimpleng bagay lamang ang dapat gawin ni Shaira ayon sa pakiusap ng isang kaibigan: Kunwari ay siya si Shiela, kakaibiganin niya si Arrex Domingo, bibigyan niya ito ng pag-asa, at saka iwanan sa oras na kailanganin siya nito. Ngunit hindi ganoon ang...