Chapter 2

313 4 0
                                    

"HOW COME you lost the fight, Kid Arrex?" tanong ng isang reporter na taga-Viva Tee Vee na siyang nag-cover sa labang iyon.

"Maybe, just maybe... it's not really mine," matabang niyang pahayag, paminsan-minsan ay tinitingnan ang kinaroroonan ni Aldrin Carbonel na mas marami ang dumumog na press bilang pagpapatunay na ito na ang kikilalaning kampeon sa ring.

"H-hindi kaya... hindi mo kaya inabuso ang sarili mo? I mean...?"

"No!" tila napipikong tugon niya. In his subconscious mind, hindi niya matanggap na tama ang reporter. Binalaan siya ng kanyang manager sa walang-katapusang mga paalala nito sa kanya: no liquor, no sleepless nights hangga't hindi natatapos ang laban nila ni Aldrin. No women... but what did he do? Siya at wala nang iba pang dapat sisihin sa nangyaring ito sa kanya.

"Pero marami ang naniniwalang benta raw ang laban. Is it true, Kid Arrex?" Pumait ang pakiramdam niya pero agad din siyang nagbigay ng komento. "No. Hindi ako maghihirap nang ganito kung ibebenta ko lang ang labang ito. I'm not going to make a fool out of me!"

ANG LAHAT ng naging pahayag na iyon ni Arrex ay buung-buo at walang kaputul-putol na napanood sa TV screen ni Shaira. Hindi niya napigilan ang mapaiyak. Siya ang dapat sisihin sa nangyari sa binata. Napakasama niya. Wala siyang kasinsama sa pagpayag na magpagamit sa dalawang walang kaluluwa.

Matinding galit ang nakikita niya sa mga maiitim na mga mata ni Arrex habang sinasagot ang mga katanungan. Galit na batid niyang para sa kanya.

Oh, God! Isang bagay lang ngayon ang hinihiling niya: ang huwag nang muli pang pagtagpuin ang landas nilang dalawa ng binata. If it were really true na maliit lang ang mundo, sana'y huwag nang maging applicable iyon sa kanya.

Tama na ang minsang paghaharap. Dahil ang mga susunod pa'y hindi na niya tiyak kung makakayanan pa niya.

Hustong nai-zipper na niya ang maliit na maletang nakatakda niyang dalhin nang siya namang pagbukas ng pinto ng maliit na kuwartong inuupahan niya—at iluwa niyon ang pamilyar na mukhang kahit siguro sa kamatayan ay hinding-hindi niya malilimutan.

"Hello, my dear friend! Ano't alsa-bulutan ka? Where are you going?" Maharot ang tinig na tanong sa kanya ng babae, very sexy and seductive sa suot nitong miniskirt na kulay-tanso at hanging blouse na halos ay maglabas sa kaluluwa nito.

"Ano'ng ginagawa mo rito, Gigi?" Bakas sa tinig niya ang di-matingkalang galit at pagkamuhi rito.

"What else but to congratulate you for a job well done? At tuloy, para ibigay sa 'yo ang premyo sa napakahusay mong pagkakaganap sa naging palabas mo." Bale-wala rito ang galit na ibinubuga ng mga mata niya, pilit nitong iniabot sa kanya ang bungkos ng salapi na sa tanang buhay niya'y ngayon lang niya nakita.

"Hindi ko kailangan 'yan at makaaalis ka na!" aniyang tinalikuran ito at ang pagsisilid ng ilang mahahalagang bagay na nasa tokador ang hinarap niya.

"Stop being a hypocrite, my friend. You badly need this money. Para makalayo ka at makapagsimula ng panibagong buhay. And who knows..."

"Stop the bullshit, Gigi! Minsan mo nang minaliit ang pagkatao ko! Ipinakain mo na sa akin ang apoy nang sapilitan, kaya huwag mo nang dagdagan pa ang galit na nandirito sa puso ko," aniyang maluha-luha.

"Oh, I'm sorry, Shaira..." Kunwa'y touched naman itong nais siyang sugurin ng yakap ngunit mabilis lang niyang iniiwas ang sarili. Kung dati-rati'y labis niyang ikinatutuwa kapag ganitong nagkakalapit sila, ngayo'y hindi na.

"Get out, Gigi! Umalis ka na ngayundin at huwag mo nang hilingin pang magkita tayong muli!"

"Oh?" nang- aasar ang tinig na sambit nito, at nagsindi ng sigarilyo. "Later, my dear. You're such in a hurry. Hindi ko pa nga alam kung saang impiyerno ka pupunta, eh."

Fight For Love - Riza TayagTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon