Kinabahan siya nang hindi niya magawang buksan ang main door. Tinutukso ba siya? Inaasar? Kung kailan kailangang-kailangan na niyang umalis ay saka naman ayaw nitong makisama. Naipasok na niya't lahat ang susi sa hole pero ayaw nitong mabuksan.
Walang sandali siyang dapat na aksayahin. Kailangang sa pagmulat ng mga mata ni Arrex ay wala na siya sa bahay na ito.
"P-please," mahinang usal niya habang sige pa rin ang pihit niya sa knob ng main door.
"At saan sa palagay mo ikaw pupunta?" Bahagya siyang nagulat nang maramdaman ang kamay ni Arrex na pumigil sa kamay niya sa pinto. "A-Arrex."
"Aalis ka? Iiwan mo na naman ako?" anitong ang tinig ay nalangkapan na ng galit. Hubad ito at hindi nito iyon alintana.
"U-utang-na-loob, Arrex, spare me. S-sa palagay ko naman, bayad na ako sa kasalanan ko... s-sa 'yo."
"Anong bayad na? Anong kasalanan?" Halos mag-isang-linya ang mga mata nito.
"Oh, God, Arrex. Tama na ang mga pagkukunwari. Huwag mo nang bilugin pa ang ulo ko," singhal na niya ritong napasandal na siya sa dahon ng pintuan.
"What are you talking about, Shaira Alejo?"
"Okay," aniya in frustration; nag-uunahan nang bumagsak ang luha niya. "Kung ano pa ang hindi ko nalalaman na hindi nasabi sa akin ng asawa mo, then tell me. What's next after this, huh? Hihintayin mong mabuntis ako at saka mo iiwanan? At—"
"Damn. Ano ba'ng pinagsasasabi mo? At sino naman ang nagbigay sa 'yo ng ideyang 'yan?"
"Ang asawa mo, si Gigi."
Pagkarinig sa pangalang binanggit niya, at sa laki ng pagtataka niya, ay sumilay ang nakakalokong ngiti sa sensuwal nitong mga labi. A devil's smile, actually.
"Utang-na-loob, Arrex Domingo. Hindi ko kailanman ginusto ang nangyaring pandaraya sa 'yo. I had no choice then," hagulhol na niya.
"Huwag mo na akong parusahan nang sobra-sobra."
"At sino ang may kasalanan kung gayon?" seryoso ang tinig na tanong nito, nakaharang sa harapan niya ang hubad nitong katawan.
Wala na siyang mapagpilian kundi ang tuluyang mangumpisal dito. Anyway, mas mabuti na rin iyong maghihiwalay silang walang poot na nakatago sa puso nito para sa kanya. On her part, masakit, yes. But she deserved it.
"A-ang kaibigan kong si Gigi, na asawa mo, a-at ang lalaking ipinakilala niya sa akin si Aldrin..." She paused, dahil ang pakiramdam niya, sasabog ang dibdib niya sa tindi ng sama ng loob na naroroon. "W-wala akong choice kundi ang sapilitang sundin ang utos nila. Na... paibigin ka at pagkatapos ay iwanan upang mawala ang konsentrasyon mo sa laban n'yong dalawa."
"Bakit nila ginawa iyon sa 'yo?"
"D-dahil sa pagkakagalaw ko sa pera ni Gigi na ipinadala niya sa akin noong nagtatrabaho siya sa Japan."
"And where did you use the money?"
"K-kasalanan ko ba kung nabingit sa kamatayan ang nag-iisa kong kapatid? K-kasalanan ko ba kung... kung nagalaw ko ang perang ipinatago niya sa akin, na noong mga panahong iyon ay wala akong ibang mapagkukunan kundi ang pera ni Gigi? Wala akong ibang mapuntahan kundi ang hiramin muna iyon. Pero hindi ko akalaing darating siya agad at... ang hihinging kabayaran sa perang alam niyang 'di ko agad mababayaran ay ang panloloko sa 'yo."
Napapatango ito, nanatiling matiim na nakatitig sa kanya. "A-Arrex, b-bayad na ako, hindi ba? Matagal na. Matagal mo nang pinagsawaan ang katawan ko. S-sinira n'yo nang tatlo ang buhay ko. Huwag mo naman akong tuluyang linlangin sa pagpapaniwalang... m-mahal mo ako."
BINABASA MO ANG
Fight For Love - Riza Tayag
RomanceSimpleng bagay lamang ang dapat gawin ni Shaira ayon sa pakiusap ng isang kaibigan: Kunwari ay siya si Shiela, kakaibiganin niya si Arrex Domingo, bibigyan niya ito ng pag-asa, at saka iwanan sa oras na kailanganin siya nito. Ngunit hindi ganoon ang...