"You mean it, Arrex?"
Tila hindi makapaniwalang bulalas ng kaibigan niyang si Jimmy sa sinabi niya. Nasa president's room sila sa opisina ng kompanya. "Hindi bagay sa 'yo, pare! I really never thought of you coming today and announcing you'll be my boss effective today."
"Isn't it about time, Jim, na ako naman ang personal na mamahala sa negosyong naiwan ng papa? After all, pinaghirapan niya ito," seryosong pahayag niya.
"Good! Ang buong akala ko kasi ay si Aldrin na ang magiging boss ko after the fight. Akala ko ba, kapag natalo ka niya, sa kanya ang lahat ng—?"
"You think I'm that kind of idiot para ibigay sa kanya ang lahat ng ito, Jim?"
"Alam kong hindi mo basta iwawala ang negosyong ito. But knowing Aldrin, napakatuso ng taong iyon."
"Tuso lang siya, Jim, pero hindi pa rin mapapasubaliang siya ang pinakabobong taong nakilala ko. Gusto niyang angkinin ang lahat ng akin, and yet, he didn't even bother to read the agreement I made."
"What about Gigi?"
"What about her?" Sa pagkakabanggit sa babae, hindi niya naiwasang hindi kuluan ng dugo.
"Hindi rin ba siya napunta kay Aldrin?" May pang-uuyam na ngiting sumilay sa tagiliran ng kanyang mga labi nang sagutin niya ang tanong ng kaibigan. "Hindi ko basta pakakawalan ang negosyong ito, Jim. Pero kung inaakala mong ite-treasure ko rin ang babaing katulad niya, you're wrong. Much better if we're not going to talk about that woman. Para sa ikagaganda ng mood ko." Gusto na niyang tapusin ang anumang paksang may kinalaman sa dalawang taong binanggit nito.
Nakauunawang nagkibit-balikat si Jimmy at saka tumayo na. "Yamang nandito ka na, Boss, I hope you don't mind kung hihingi ako ng half day ngayon."
"What? Kadarating mo lang, huh!"
"You see, Boss, kailangan kong umuwi nang maaga."
"Dahil wala kang katulong? Kung bakit naman kasi hindi ka pa magsadya sa agency. Kay rami riyan."
"As a matter of fact, I've already got one," deklara nito.
"'Yon naman pala, eh. Oh, oh, parang hindi ko yata gusto ang naamoy ko," bigkas niya, natatawa.
Lumuwang ang ngiti sa mga labi ni Jimmy at saka sumaludo sa kanya. "Pare, I'm not sure."
"Tell me about it, baka sakaling makatulong ako."
"No thank you. Hindi pa naman ako sigurado."
"Woman?"
Nagkibit-balikat ito, makahulugan ang ngiti. Bumilot siya ng papel at nilamukos bago niya ibinato rito habang papalabas ito ng kanyang tanggapan.
Sa sarili'y naidalangin niyang sana ay matagpuan na nito ang tamang babaing magmamahal at makakapagpaligaya rito.
Paghanga ang unang nadama ni Jimmy pagbungad pa lamang niya sa living room at makitang maayos lahat ang gamit. Nanginingintab din ang ibabaw ng piano at walang alikabok ang mga muwebles.
Nang pasukin niya ang banyo ay lalo siyang na-impress. Deretso siya sa kusina dahil tila ba hinahalina siya ng niluluto roon—para lamang matilihan nang mabistahan ang isang magandang hubog ng katawang nakatalikod sa kanya habang abala sa harap ng kalan.
"Golly! My maid has a perfect body and... behind... Sino nga naman ang mag-aakalang magkakaroon siya ng katulong na mas mukha pang may-ari ng kanyang bahay kaysa sa trabahong pinasok nito?"
He was quite sure na kapag nalaman ni Arrex ang tungkol dito, hindi rin ito maniniwala. Kaya mas mabuti pang huwag muna niyang sabihin dito na mayroon siyang ubod-ganda at sexy na katulong. "Hindi siya bayarang katulong. Kasama namin siya rito sa bahay and I'm going to change her style."
BINABASA MO ANG
Fight For Love - Riza Tayag
RomanceSimpleng bagay lamang ang dapat gawin ni Shaira ayon sa pakiusap ng isang kaibigan: Kunwari ay siya si Shiela, kakaibiganin niya si Arrex Domingo, bibigyan niya ito ng pag-asa, at saka iwanan sa oras na kailanganin siya nito. Ngunit hindi ganoon ang...