Sa laki ng kanyang pagkagulat, mabilis na kumalat ang liwanag ng fluorescent lamp sa sala nang pumasok si Shaira.
Matikas na nakatayo malapit sa switch si Jimmy. Bukas ang butones ng suot nitong long-sleeved shirt at may tangan itong kopitang puno. He looked miserable.
"J-Jim, a-anong ginagawa mo rito?" gulat na tanong niya. Almost three months na siyang namumuhay na mag-isa mula nang magtapat ito ng damdamin sa kanya at nawalan siya ng dahilan upang manatili pa sa poder nito. Nagi-guilty lang siya dahil hanggang ngayon, umaasa pa rin itong matututuhan niyang mahalin.
"Good evening," bati nito sa kanya nang nakangiti. Subalit emptiness ang dating niyon sa kanyang pandinig. "Kilala naman ako ng landlady mo, kaya hindi ako nahirapang hiramin sa kanya ang susi. Pasensiya ka na kung dito pa ako nagkalat," anitong naglakad nang marahan.
"Ginabi ka yata?"
Hindi siya nagkomento. Wala naman siyang dapat na sabihin. "S-sandali at maghahanda lang ako ng hapunan. Mukhang hindi ka pa kumakain," iwas niya rito.
Talagang napakawalang-kuwenta niyang babae kung sa kabila ng mga kabutihang ipinakita nito sa kanya—bukod pa sa paggalang na inani niya rito—ay sasaktan pa niya ito. It was so obvious na alam na nito ang nagaganap sa kanila ni Arrex; kulang na lang ay magsama sila sa iisang bubong. Nang walang kasal?
Pero for now, ang mahalin siya ni Arrex ay sapat na para sa kanya. Ang ibang problemang kakambal ng pagpayag niyang makisama rito ay saka na niya haharapin. Ang importante ay nag-e-enjoy sila sa nangyayari sa kanilang pagitan.
"Siya ba ang dahilan kaya nahihirapan kang matutuhan akong mahalin?" tanong nitong nakapagpatigil sa kanyang paghakbang. "Tell me, Shai, please. For me to have my own peace of mind."
"J-Jim..." Naluluha na siya nang harapin niya ito. Maybe it was time na tapatin na niya ito. Para sa katahimikan nila.
"Answer me."
Marahan siyang tumango—nang may luha na sa mga mata.
Nilapitan siya ng lalaki at naglahad ng palad sa kanya sa laki ng pagtataka niya. "I'm happy for you, Shai. Honest. Hindi ka man napunta sa akin, at least I know you're in good hands."
"J-Jimmy!" Nag-uumapaw ang kagalakan sa dibdib niya nang sugurin niya ito ng yakap.
"Thanks, pare. You really are a true friend." Nakangiting nakipagkamay si Arrex kay Jimmy na naghihintay sa labas ng apartment ni Shaira.
"Pasalamat ka at kaibigan kita. Kung hindi, mamatay man ako o magkamatayan tayo, hinding-hindi ko ibibigay sa 'yo si Shaira," ani Jimmy sa himig na nagbibiro.
"Kaya nga nagpapasalamat ako. Mabuti na lang at sa 'yo napadpad ang sweetheart ko. Kung sa iba... naku!"
"Ano? Ano 'yang naririnig ko?" ani Shaira na lumalabas ng apartment, bitbit ang isa pang maleta. Mabilis itong sinalubong ni Arrex upang tulungan ito, saka niya ito inakbayan.
"Nothing, sweet. Nagpapasalamat lang ako rito sa best friend ko."
"Aba, you really should. Alin, kung nagkataong ibang tao si Jimmy?"
Niyakap ni Shaira si Jimmy; muling sumungaw ang luha sa mga mata nito. "T-thank's again, Jim. You're one in a million. I won't forget you."
"Dapat," ani Jimmy, tinapik-tapik ito sa balikat. "You take care of her, pare. Tandaan mo, oras na malaman kong pinaluha mo si Shaira, kakalimutan kong kaibigan kita. Babawiin ko siya sa 'yo," banta nito.
"Kung mabawi mo," hamon naman niyang humalakhak.
Malaki ang bahay na pinagdalhan sa kanya ni Arrex—the house of his father na magmula nang mamatay ay wala itong ipinagbago. Gusto nitong manatiling intact ang memories ng mga magulang sa bahay na iyon na ipinundar sa pamamagitan ng pinagsamang sipag at tiyaga.
BINABASA MO ANG
Fight For Love - Riza Tayag
RomanceSimpleng bagay lamang ang dapat gawin ni Shaira ayon sa pakiusap ng isang kaibigan: Kunwari ay siya si Shiela, kakaibiganin niya si Arrex Domingo, bibigyan niya ito ng pag-asa, at saka iwanan sa oras na kailanganin siya nito. Ngunit hindi ganoon ang...