Kasalukuyang nakaupo si Wong Ming sa isang sulok ng Blood Pool habang makikitang unti-unting mararamdaman ang rumaragasang enerhiya na nasa loob ng dantian niya.
Nilagyan niya ng pambihirang panangga ang lugar na ito gamit ang isang bagay na pinakainiingat-ingatan ni Wong Ming mula sa ama-amahan nito sa Golden Crane City, ang dalawang Golden Sticks
Pambihira ang nagsgawa ng golden sticks na ito dahil magsisilbing taga-bulag ito sa sinumang nilalang na nasa Golden Warrior Realm o di kaya ay kahit sa mga Mortal Sea Realm Expert.
Sa pagtusok niya pa lamang sa lupa ng Golden Sticks sa magkabilaang mga parte ay agad na nagmaterialized ang dalawang ginintuang mga haligi.
Except sa may-ari ng Golden Sticks ay siguradong kahit sinuman sa lugar na ito ang makakahanap sa kaniya hangga't nakatayo ang dalawang malalaking ginintuang mga haligi.
Kung di siya nagkakamali ay sinabi sa kaniya ng amain niya na espesyal ang mga Golden Sticks na ito at konti lamang ang may alam patungkol sa kahinaan ng mga Golden Sticks.
Panatag si Wong Ming na magagawa nitong makaligtas at magiging matagumpay siya sa gagawin niyang pagbreakthrough sa susunod ba mataas na lebel ng cultivation.
...
Hindi maipaliwanag ni Wong Ming ang nararamdaman niya lalo pa't sa pagkakataong ito ay magkakaroon na ulit siya ng breakthrough.
SWISHHH! SWISHHH! SWISHHH!
Kitang-kita ang pagliwanag ng buong katawan ni Wong Ming na tila ginintuan. Masasabing nagkakaroon ng matinding pagbabago sa katawan nito lalo na sa internal na bahagi.
Mula sa perception ni Wong Ming ay napansin nito ang paglitaw ng mga ginintuang mga ugat sa katawan niya na kumukonekta sa mahahalagang bahagi ng mga vital parts niya.
Ramdam ni Wong Ming ang kakaibang lakas na idinudulot nito sa kaniya.
Habang papatagal ng papatagal ay masyado na niyang nalimutan ang pagbreakthrough ulit ngunit ngayon ay magsasagawa na siya ng panibagong cultivation breakthrough.
Peak Golden Vein Realm!
Ngunit naramdaman muli ni Wong Ming ang tila pag-apaw ng enerhiya sa loib ng dantian niya dahilan upang magulantang siya.
BANG!
Naramdaman ni Wong Ming ang tila pagpupumilit ng mga enerhiyang magbreakthrough siya sa panibagong boundary at dito niya napansin ang rumaragasang enerhiya muli.
BANG! BANG! BANG!
Nakaramdam ng excitement si Wong Ming nang mapansing muli na naman siyang magsasagawa ng pagbreakthrough.
Grabe ang lakas na nararamdaman niya mula sa mga ugat niya ay tila ang enerhiyang nananalaytay rito ay nagpupumilit na magkaroon muli ng panibagong cultivation breakthrough.
Naramdaman naman ni Wong Ming ang labis na hapdi na nanunuot sa loob ng mga buto ng katawan niya.
Dito ay tila pwersahang pumapasok ang ginintuang likido sa mga buto ni Wong Ming lalo na sa mga vital parts ng katawan niya dahil dito una-unang papasok ang mga ito.
THUMP! THUMP! THUMP!
Malalakas ang pagtibok ng puso ni Wong Ming at tila maging ang puso niya ay nanunuot na din ang ginintuang enerhiyang hatid ng likidong mula sa dantian niya.
Ramdam ni Wong Ming na bigla na lamang humina ang pagtibok ng puso niya.
Dito ay nakaramdam ng kaba si Wong Ming ngunit tinapangan niya pa lalo. Hindi pamilyar sa kaniya ang pakiramdam na ito.
Dadam... Dam... dam...
Tila pakiramdam ni Wong Ming ay nawawalan siya ng hininga dahil tila umiinit din ang loob ng katawan niyam
Ikinalma ni Wong Ming ang sarili niya dahil pakiramdam niya ay tumigas ng tumigas ang mga buto niya sa katawan.
Nagulat si Wong Ming nang maramdamang tila bumukas ng kusa ang mga pores niya sa balat niya.
Tama nga ang inaakala ni Wong Ming na isa din ito sa benepisyo ng paglampas niya sa Golden Vein Realm.
Maya-maya pa ay nanigas ang buong katawan ni Wong Ming at tila kusang lumabas ang itim na mga likido sa balat niya.
Napakaitim at tila napakabaho. Ramdam ni Wong Ming ang mga natural waste at toxin energies na lumalabas sa mga balat niya sa katawan.
Sa loob ng kalahating oras ay walang tigil ang paglabas ng mga dumi sa katawan niya indikasyon na nasa Early Stage na siya ng Golden Bone Realm.
Ngunit hindi pa doon nagtatapos dahil ramdam ni Wong Ming ang tila paglaki ng mga buto niya sa kaniyang katawan at tila pagiging matibay kumpara sa normal na estraktura ng buto ng isang martial arts expert.
Ramdam ni Wong Ming na sa oras na ito ay tila mag-uundergo na siya sa Middle Stage at patungo na siya sa Late Stage ng Golden Bone Realm boundary.
Tila bumalik sa dati ang nasabing buto sa katawan ni Wong Ming at tila nagkakaroon ang mga ito ng lamat-lamat na animo'y nagkukusa ng mangabali ang mga buto niya sa katawan.
Kitang-kita ang labis na sakit na nararamdaman ni Wong Ming at ramdam niya na ilang minuto lamang ay sasabog ang mga buto niya sa katawan.
BANG! BANG! BANG!
Tinibayan ni Wong Ming ang sarili niya dahil kitang-kita kung paano'ng sumabog nga ang mga buto sa katawan ni Wong Ming.
Isa pa naman ito sa mga crucial steps para sa mga Golden Bone Realm Expert.
Ang late stage ng Golden Bone Realm ang pinakamaselan lalo pa't magigigjg pinong-pino ang mga ginintuang mga buto niya sa katawan at babalik ito sa dati ngunit magiging matagal na proseso na ito.
Sa loob ng dalawang oras ay tila kusang nagreconstruct ang katawan ni Wong Ming habang nakaupo ito.
Buti na lamang at walang nilalang ang naririto sa lugar na ito liban sa kaniya.
Isa pa naman sa pinakavulnerable stage ang Late Stage ng Golden Bone Realm.
Nang akala ni Wong Ming na tapos na ang lahat ay naramdaman niya ang napakalakas na enerhiya galing mismo sa dantian niya.
Ramdam ni Wong Ming na muli na naman siyang magbe-breakthrough.
Hindi na rin nakakapagtaka ito dahil sa malalakas na mga alay ng napaslang niyang nilalang ay hindi malayong magbreakthrough siya ng dalawa o higit pang boundary ng cultivation.
Sa pagkakataong ito ay naramdaman na lamamg ni Wong Ming na bigla na lamang siyang pumasok sa loob ng consciousness niya.
Sa loob ng Consciousness niya ay makikita ang tila maraming mga nakakalat na mga enerhiya habang mayroong malaking pagbabago sa nasabing pambihirang lugar na ito.
Pansin niyang lumawak ang buong paligid ng consciousness niya at tila mayroong tumutubong mga halaman.
Hindi aakalain ni Wong Ming na ang dating plain na lugar na ito ay magkakaroon ng mga buhay.
Isa ito sa benepisyong nakukuha ng isang Golden Warrior Realm Expert.
Masasabing patuloy ang pagkakaroon ng pagbabago sa loob ng dantian ni Wong Ming maging sa pangangatawan niya mismo.
Ito ang lakas na hinihintay ni Wong Ming at maituturing niyang isang lucky chances ito.
Namangha si Wong Ming sa tila pagkakaroon ng buhay ng tila isang pabilog na bagay sa kaniyang consciousness na matagal ng nakahimlay.
Mula sa himpapawid mg pambihirang lugar ng consciousness niya ay unti-unting namumuo ang isang kulay kahel na tila nag-aapoy na bagay.
Ngayon lamang si Wong Ming nakakita nito at pansin niyang lumalaki ng lumalaki ito na animo'y nagiging parte na ito ng lugar na ito.
Hindi nagkakamali si Wong Ming, isa itong manipestasyon ng pambihirang apoy na nananalaytay sa katawan niya.
BINABASA MO ANG
IMMORTAL DESTROYER: Deadly Foes [Volume 15]
FantasySa pagtanggap ng mga misyon ni Wong Ming, ano kaya ang masasagupa nilang delubyo sa pagharap ng malalakas na mga kalaban. Mula sa existence ng makapangyarihang mga bantay sa mga delikadong mga lugar patungo sa sikretong itinatago ng mga ito. Magigin...