Sumilay ang ngiti sa mukha ni Wong Ming at sa isang iglap ay nagbago ang buong kaanyuan nito.Ibang-iba ito sa inaasahan nina Earth Dawn at Light Prime ngunit nang masilayan nila ng malapitan ang likurang kaanyuan ng nilalang na ito maging ang kapangyarihang taglay ng binatang si Little Devil ay napatunayan niyang siya nga ito.
Nabigla ang nasabing babaeng nilalang na papatakas.
Sa isang iglap ay isang pabilog na bagay ang kumulong sa kaniya sa ere mula sa kalupaan.
Dito ay nasilayan niya rin ang pagbabago sa pisikal na kaanyuan ng binatang inaakala niyang sobrang hina at mapapaslang niya ng hindi nahihirapan ay mukhang kabaliktaran ang nangyayari sa kasalukuyan.
TSS! TSS! TSS!
Tuluyan ng nawalan ng pag-asa ang babaeng nilalang na papatakas na sana at tinanggap ang nasabing pagkatalo nito.
SLASHHHH!
Kitang-kita kung paanong tumalsik ang mahabang punyal sa ibang direksyon. Kasabay nito ay mabilis na bumulusok ang nasabing Ice Shard sa kinaroroonan ng babaeng nilalang at agad na binutas ng napakatalin na bagay na ito ang nasabing dibdib ng mismong babae.
PUAHHHH!
Napasuka ng sariwang dugo ang nasabing matandang babae. Imbes na makaramdam ito ng awa sa sarili ay sumilay pa rin ang kakaibang ngisi sa mga labi nito.
Agad na nangitim ang katawan mula ulo hanggang sa paa nito. Kasabay rin nito ang tila pagkaabo ng katawan nito at tuluyan ng tinangay ng hangin ang nasabing abo.
Agad na bumalik sa orihinal ang nasabing kaanyuan ni Little Devil at unti-unting paglusaw ng Ice Shard maging ng Ice Cage sa ere.
Nakahinga naman ng maluwag si Wong Ming maging sina Earth Dawn at Light Prime.
Ngunit bakas pa rin ang mangha at pagkagimbal sa kanilang nasaksihan.
Sino ba ang isang Little Devil na ito? Paano niya nagawa ito? Kaibigan ba talaga nila ito?! Iba't-ibang mga emosyon ang nararamdaman nila sa kasalukuyan.
...
Pinili nina Earth Dawn maging nina Wong Ming at Light Prime na tumuloy sa isang abandonadong yungib sa hindi kalayuan mula sa pinangyarihan ng pambihirang laban kanina.
Maraming isinalaysay si Wong Ming sa mga naganap at patungkol na rin sa kakayahan nitong maging Ice Demon.
Sinabi niyang isa ito sa mga lucky chances niya noing hindi pa sila nakakakilala. Itinanggi niya na isa siyang Ice Demon dahil isa naman talaga siyang nilalang na mula sa mga lahi ng tao. Yun nga lang ay dahil sa bloodline inheritance niya ay may parte na sa katauhan niya ang pagiging Demon Race.
Humingi rin sila ng patawad sa bawat isa lalo na sa mga nsging reaksyon at sinabi nila sa isa't-isa. Hindi naman sila perpekto at alam nila iyon.
Buo ang tiwala niya sa kakayahan ni Earth Dawn na magkubli ng sekreto at magkaayos na rin silang tatlong magkakaibigan.
Napatunayan niya rin na tapat at mabuti ang kalooban ni Light Prime. Ipinangako ni Earth Dawn na siya ang bahalang dumispatsa kay Light Prime kung sakaling traydurin sila nito.
Ngunit naisip ni Wong Ming na malabong mangyari iyon dahil alam niya ang ugaling ito ni Light Prime at imposibleng magtiwala ito sa iba lalo na at mukhang may kakaiba sa dalawang kasamahan niya ngunit hindi niya lang makumpirma.
Gayunpaman ay masaya siyang lubos dahil ngayon ay maayos na silang tatlo.
...
Kakaiba nga ang nasabing Grimpass Barren Land na ito at mukhang hindi basta-basta ang paggalugad rito.
BINABASA MO ANG
IMMORTAL DESTROYER: Deadly Foes [Volume 15]
FantasySa pagtanggap ng mga misyon ni Wong Ming, ano kaya ang masasagupa nilang delubyo sa pagharap ng malalakas na mga kalaban. Mula sa existence ng makapangyarihang mga bantay sa mga delikadong mga lugar patungo sa sikretong itinatago ng mga ito. Magigin...