Chapter 1.4

85 8 2
                                    


Hindi namamalayan ni Wong Ming na habang tumatagal ng tumatagal ay lumalaki ng lumalaki ang bagay na ito.

Isa ito sa lihim na pilit niyang itinatago, ang pananalaytay ng mismong pambihirang apoy ng Golden Fire Crow.

Kasabay rin nito ay tila nagkakaroon din ng malaking pagbabago ang pambihirang bolang nagliliwanag na naka-suspend lamang sa hangin sa gitna mismong bahagi ng consciousness niya.

Pinakiramdaman ni Wong Ming ito at masasabi niyang ang dating hindi niya mahawakan na bagay ay ngayon ay tila naging isa na talaga itong solidong bagay.

Maya-maya pa ay napansin niya ang tila namumuong tubig sa loob ng Consciousness niya at tila mas nagbibigay pa ng buhay sa mga halaman maging sa kabuuang lugar na ito.

Masasabi niyang tila papasok na sa susunod na lebel ng cultivation ang nasabing nangyayari sa kaniyang katawan.

Dito ay napatunayan ni Wong Ming na nasa Peak Golden Warrior Realm na ang kaniyang cultivation level.

Bumalik si Wong Ming sa reyalidad at pinakiramdaman ang kaniyang sariling dantian.

Laking pagtataka ni Wong Ming nang mapansing tila nasa malalim na hukay ang nasabing dantian niya at tila walang anumang paggalaw ng enerhiya mula rito.

Naninibago lamang siguro si Wong Ming lalo pa't halos dalawang boundaries ang nilampasan niya patungo sa kasalukuyang lebel niya na Golden Warrior Realm.

Ang lalong kapansin-pansin ay ang pagbabago sa pangangatawan niya lalo pa't kapansin-pansin na lalo pa siyang tumangkad at ang balat niya ay tila kasing kinis at puti ng isang white jade.

Kapansin-pansin din ang tila pagbabago sa pagmumukha niya, tila naging kaaya-aya tingnan na animo'y isa na talaga siyang binata kung titingnang maigi.

Ngunit ang pagkakaroon ng magandang pagmumukha ay hindi naman ito ang pinagbabasehan sa mundong ito, lakas at kapangyarihang taglay ang nangunguna.

Gayon pa man ay masasabi ni Wong Ming na naging makabuluhan ang pagpunta niya sa maliit na islang ito ng Alchemy Island.

Agad na napabangon si Wong Ming matapos ang ilang beses niyang pagbreakthrough sa mas mataas na lebel ng cultivation niya.

Ang nakakabinging katahimikan ng Blood Pool ay masasabi ni Wong Ming na may mali rito.

Kasabay ng masalimuot niyang karanasan mula rito ay masasabi niyang malaki rin ang nakuha niyang benepisyo.

Agad na isinilid ni Wong Ming ang nasabing bronze coffin habang ang ilang mga bagay na masasabi niyang naririto ay kinuha niya na.

Sa kasalukuyang lakas niya ngayon ay nakakapagtaka ang ganitong klaseng pagbreakthrough. Napansin niyang ang suot-suot niyang concealing ring ay nasira at sumabog rin dahil sa limitasyon nito.

Gaano man katibay ang mga bagay katulad ng concealing ring ay limitado lamang ang magagawa nito.

Hangga't hindi pa siya nakakabreakthrough sa susunod na cultivation boundary ay masasabi niyang mainam na gamitin ang ibinigay na concealing ring ng amain niya na nasa Golden Crane City.

Agad na nagmaterialized ang isang kakaibang singsing na kulay berde. Isang concealing ring na gawa sa Jade ang nasabing singsing.

Agad na napansing higit na bumaba  ang cultivation level ni Wong Ming na nasa Middle Stage Golden Vein Realm lamang.

Napansin ni Wong Ming ang tila kakaibang altar na nakakubli sa mata ng lahat na nakalublob sa gitnang bahagi ng Blood Pool.

Agad na kinuha ito ni Wong Ming at kapansin-pansin na mayroon itong special functions kung bakit napakalakas ng epekto ng mga Demon Essence Stones.

Malapitan na sinuri at inobserbahan ni Wong Ming ang nasabing maliit na blood altar na ito.

Napansin ni Wong Ming na gawa sa napakatibay at metikulosong bagay ang bawat parte ng blood altar na ito.

Napakasama ng may gawa nito at sigurado si Wong Ming na dinisenyo ang nasabing maliit na Blood Altar na ito upang madaling mabulok ang mga lanan ng mga nilalang na naging mga uri ng demonyo.

Agad na sinira ito ni Wong Ming nang hindi nag-iisip.

BANG!

Isang malakas na pwersa ang bigla na lamang sumabog mula sa loob ng Blood Altar dahilan upang tumalsik si Wong Ming sa isang  sulok.

Nakita naman ito nina Earth Dawn at Light Prime na ngayon ay patungo na sa kinaroroonan niya.

Kahit sugatan si Wong Ming ay makikita ang mga ngiti niya sa labi. Hindi niya aakalaing nandirito ang dalawang kasamahan niya at nasa mabuting kalagayan ang mga ito.

Hindi niya aakalaing magkakaroon pa siya ng kaibigan sa maikling panahon.

"Ayos ka lang ba Little Devil?!" Nag-aalalang saad ni Earth Dawn kay Wong Ming na ngayon ay inaalalayan ni Light Prime.

"Okay lang ako. At bakit kayo bumalik rito? Alam niyong delikado ang lugar na ito." Ang tanging saad na lamang ni Wong Ming na animo'y nagtataka.

"Ah... Eh... Hindi ba't kaibigan mo ko? Alangan namang pabayaan kita. Tsaka nasaan na ang nilalang na nanakit sa'yo?!" Ang nagtataka ring tanong pabalik ni Earth Dawn mula sa tanong ni Wong Ming.

Nag-isip naman ng maigi si Wong Ming ng irarason. Kitang-kita ang nagtatakang mga tingin nina Earth Dawn at Light Prime na animo'y naghihintay ng kasagutan mula sa kaniya.

"Hindi ko aakalaing mayroong malalakas na eksperto ang tumulong sakin at gapiin ang mga masasamang nilalang kanina. Hindi ba iyon ang ipinadalang grupo ng mga eksperto hindi ba?!" Ani ni Wong Ming na animo'y hindi ito sigurado sa sinasabi niya.

Tila kinagat naman ng dalawa ang kaniyang sariling rason ukol sa bagay na ito. Mas mabuti ng ganon kaysa magpaliwanag pa siya sa mga ito.

"Baka nga, sige na, umalis na tayo sa lugar na ito. Hindi pa naman ligtas ang mamalagi sa delikadong lugar na ito." Pagsang-ayon naman ni Earth Dawn habang makikitang sinenyasan niya si Light Prime.

Tumango naman si Light Prime at inalalayan si Wong Ming. Mabilis nilang nilisan ang lugar na ito.

Nagtataka man si Light Prime ay hindi na niya inisip ng malalim pa ukol dito. Masyadong mahiwaga ang lugar na ito at buti na lamang ay hindi na nagkrus pa ang landas ng pambihirang nilalang na iyon sa kanila sa kasalukuyan.

Hindi nila kakayaning labanan ito kung sakali. Wala silang binatbat sa pisikal na lakas maging sa lebel ng cultivation.

...

Nakatingin mula sa himpapawid ang nasabing nilalang na mayroong nanlilisik na mata sa noo.

Hindi niya aakalaing nasayang ang ilang buwang pinagpaguran niya nang madiskubre ang mga kahina-hinalang pangyayari sa loob ng maliit na isla ng Alchemy Island.

Nagpupuyos ang galit niya sa kabiguang natamo niya.

Nakita niya sa hindi kalayuan ang sampong bilang ng mga nilalang. Hindi maipagkakailang iisang grupo ito dahil sa magkaparehong kulay at disenyo ang mga robang suot-suot ng mga ito.

Kapwa mga Peak Golden Warrior Realm Expert ang mga ito at dalawa sa mga ito ay nasa Late Stage Golden Warrior Realm na siyang ikinabigla niya.

Isang malaking pagkakamali ang nagawa ng nilalang kani-kanina lamang na siyang matagumpay na binuhay niya ngunit ngayon ay tila nabura ang existence nito.

Masasabing nakakapagtaka ang nasabing pangyayari na iyon. Napakalakas ng evil practitioner na nasa loo ng mismong bronze coffin na iyon.

Nasayang lamang ang lahat ng ginawa niya mula sa pagkolekta ng mga bagay maging sa mga efforts niya na magkaroon ng maraming alay ito.

Naalala niya ang binatang iyon, ano ang koneksyon nito sa mismong Feathers Guild?!

Kailangan niyang mag-ingat lalo na sa existence ng binatang iyon na kung hindi siya nagkakamali ay halos mapaslang ito ngunit ramdam niya ang kakaibang lakas na meron ito.

Agad na siyang tumungo sa isang lugar sa pinakadulong bahagi ng Alchemy Island at kitang-kita ang paglutang ng halos isang daang bronze coffins mula sa kulay itim na lawa na walang kabuhay-buhay at sobrang sangsang ng amoy na nagmumula rito.

Bakas ang kakaibang ngiti sa labi ng pambihirang nilalang na ito.

IMMORTAL DESTROYER: Deadly Foes [Volume 15]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon