Chapter 1.21

73 9 2
                                    


Madami ang mga nahuling magical beasts nina Wong Ming, Earth at lalong-lalo na si Light Prime.

Makikitang naiinis si Earth Dawn dahil ang mga gusto nitong makuhang magical beasts ay nakukuha ni Light Prime ng madalian.

Parang mga aso't-pusa ang mga ito ar nagtaka naman si Wong Ming sa closeness ng dalawang ito. Hindi naman lingid sa kaalaman niya ang ganitong klaseng lebel ng pagiging malapit.

Magkagayon pa man ay nauunawaan niya naman ito. Hindi na siya bata para maging mangmang.

Ngunit natutuwa naman siya lalo pa't marami silang nahuling mga magical beasts. Hindi man sobrang malalakas at higit sa lebel ng cultivation nila ay tiyak na mapapakinabangan ang nasabing abilidad ng mga ito.

Kagaya na lamang ng Blue Leopard na sobrang laki din kumpara sa maliliit na uri ng mga ito.

Kayang-kaya ng Blue Leopard na ito na maghanap ng water reservoir mula sa kailaliman ng lupang ito. Magiging malaki ang gampanin nito sa mga agrikultura sa mga ordinaryong mamamayan at mas lalong-lalo na sa pagpapalaki ng mga water based na mga cultivation plants.

Hindi nila namamalayan na pagabi na pala. Malayo rin ang nalakbay nila buong araw at ngayon ay kailangan na nilang lisanin ang lugar na ito.

Sa ilang minutong paglalakbay nina Wong Ming ay masasabi niyang walang kakaiba at walang imik ang mga kaibigan niya habang lakad-takbo sila sa masukal na lugar na ito.

Ngunit maya-maya pa ay tuluyan ng nakalabas sila sa masukal na kapaligiran ng kagubatang sinuong nila kanina.

Agad na nagtaka si Wong Ming nang mapansing nakatingin ang mga kaibigan niyang sina Earth Dawn at Light Prime sa ere.

Maya-maya pa ay lumakad ito patungo sa isang direksyon.

Nagtaka naman si Wong Ming dahil sa kakaibang ikinikilos ng mga ito. Agad na nagbago ang pares ng mga mata ni Wong Ming na parang sa isang Ice Demon indikasyon na pinapagana nito ang abilidad ng demon eyes niya.

Mula sa ere ay napansin niya ang mga kakaibang mga demon symbol na kung hindi siya nagkakamali ay isa itong hypnosis o commanding technique.

Unti-unti namang sinanay ni Wong Ming ang mata niya sa hypnosis effects ng mga demon symbol na ito upang hindi siya makontrol nito.

Mabilis naman niyang sinundan ang direksyon na pinupuntahan nina Earth Dawn at Light Prime.

Agad na nakarating sila sa isang direksyon kung saan papasok mismo sa masukal na kagubatan.

Nagpanggap naman na parang kinokontrol si Wong Ming dahil nagimbal siya na halos nasa tatlong daan ang mga kapwa niya adventurers ang naririto.

Halos ang mga naririto ay may mga malalim na kasanayan sa paglalakbay kung hindi siya nagkakamali.

Disiplinadong nakahanay ang mga nasa hypnosis effects ang bawat indibidwal at nakatingin lang ang mga ito sa harapan nila.

Mayroong limampong bilang ang nasabing nilalang na nakaharap sa kanila at sa unang tingin ay aakalain mong mga normal na mga tao ang mga ito ngunit nakaagaw ng pansin ni Wong Ming ang tila nalulusaw na mukha ng isa sa mga limampong bilang ng mga adventurers na ito.

Ramdam ni Wong Ming na may mali talaga. Isa sa posibilidad na ito ay gawa lamang sa wax ang nasabing mukha ng nilalang na ito.

Upang malaman ang nasabing kakaibang nagaganap na ito ay pinili ni Wong na humanay ng maayos at magpanggap pa lalo na nasa kontrol siya ng kakayahan ng mga ito.

Upang tuluyan niyang maputol ang hypnosis effects ng commanding technique na ito ay kailangan niyang puksain ang mismong nasa kontrol nito.

Mahihirapan siya lalo pa't tiyak siyang hindi lang isa ang may kontrol nito kundi marami.

Isa lamang ang clue niya at iyon ay ang limampong bilang ng mga nilalang na nakaharap sa kanila.

Sa pagkawala ng haring araw sa kalangitan ay kasabay rin nito ang unti-unting paglakad ng mga adventurers patungo sa loob ng kagubatan. Para silang nasa isang prusisyon na organisadong naglalakad upang sundan ang mga nauna.

Halos isang oras silang naglalakad nang mapansin na biglang napahinto ang lahat.

Agad na nagbago ang kapaligiran at mayroong mga pambihirang mga haligi na gawa sa bato ang lugar na kinaroroonan nila.

Mayroon ding mga batong gawa sa naglalakihang mga kaanyuan ng mga ahas.

Dito napansin ni Wong Ming na ito ang kaanyuan ng pambihira at sinaunang magical beast, ang Ancient Demon Snake.

Sa isang iglap ay mayroong dalawang nilalang na lumitaw sa ere at mabilis na inatake ang isang kakaibang rebulto na tila umiilaw at mayroong kulay pulang likidong tumutulo rito.

Sa tingin ni Wong Ming ay sobrang init nito dahil sa usok na lumalabas sa pulang likidong ito.

Bago pa man tumama sa nasabing rebulto ang dalawang magkaibang atake ay mabilis na humarang ang dalawang nilalang dahilan upang ito ang tamaan at sumabog ang katawan ng mga ito.

BANG! BANG!

Rinig naman ni Wong Ming ang impact ng atake ng dalawang nilalang. Kung hindi siya nagkakamali ay malalakas din ang mga ito.

Nasa Late Stage Golden Bone Realm ang lebel ng cultivation level ng mga ito.

Kumpara sa tila mahihinang katawan ng mga napaslang na mga nilalang na gawa sa wax ay walang kalaban-laban ang mga ito kung aatake ang dalawang ekspertong dumating.

Kasabay ng pagkapaslang sa dalawang mga nilalang ay tila kapansin-pansin na natutunaw ng madalian ang nasabing mga mukha ng apatnapu't-walong mga nilalang.

Dumapa ang mga ito at kapansin-pansin ang paglitaw ng totoong mga kaanyuan ng mga ito.

Agad na nadiskubre ni Wong Ming na isang uri ng demon race ang mga ito.

Sobrang payat ng mga ito at ang balat nila ay puno ng mga galis na gawa sa tila kaliskis ng ahas.

Hindi aakalain ni Wong Ming na namumuhay ang ganitong klaseng demon race sa martial world na mayroong abilidad na maka-survive sa barren land na ito.

Isang patunay na hindi basta-bastang demon race ang mga ito.

Nagulat si Wong Ming nang mapansin na lumitaw ang mahahabang mga kuko ng mga ito na halos sumadsad na sa lupa at lumitaw din ang buntot ng mga ito na animo'y nasa isang ahas.

Long Claw Demons!

Hindi lubos aakalain ni Wong Ming na nag-eexist pala talaga ang ganitong klaseng demon race lalong-lalo na sa mundo nila.

Napaka-vulnerable ng katawan ng mga ito sa waxing phase na nangyayari kung mayroong presensya ng araw. Kinakailangan nilang balutin ang sarili nila sa natural wax na pino-produce ng fats ng katawan nila.

Sensitibo ang balat nila sa araw at maaaring masunog sila dahil sa wax properties ng balat nila na. Patago silang pumatay at mas mainam kung nasa loob ng kagubatan na siyang maituturing na teritoryo nila dahil hindi makakaligtas ang mga biktima nito kahit manlaban pa dahil kamatayan lamang ang magiging dulot sa mga ito.

IMMORTAL DESTROYER: Deadly Foes [Volume 15]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon