Chapter 1.23

83 10 2
                                    

WHOOSH! WHOOSH! WHOOSH!

Kitang-kita ang biglang paglitaw ng tatlong nilalang sa ere at kapwa nasa bronze coffin ang kanilang buong atensyon.

Biglang nanlaki ang mga mata ni Earth Dawn lalo pa't kilala niya ang tatlong nilalang na ito na tinatawag na   Trio Maestro.

Kilala ang tatlong nilalang na ito sa pagiging eksperto sa pagpuksa ng mga masasamang mga nilalang.

Ang nasa kaliwa ay masasabing matikas at matangkad ito habang nakasuot ng kulay asul na roba. Si Maestro Eleias.

Isa itong magiting na swordman sa isang sangay ng demon hunter guild.

Ang nasa kanan naman ay makikitang wala man lang itong buhok sa ulo nito at mayroon itong hawak na maliliit na beads. Kung hindi nagkakamali si Earth Dawn ay ito ang thunder practitioner na bagong disipulo ng nasa gitnang lalaki.

Si Master Careo ang nasabing lalaking nasa gitna na siyang personal na guro ng dalawang lalaking nasa kaliwa at kanan nito. Halos doble na ang edad ng nasabing si Master Eleias kumpara sa bagong disipulo ng personal na guro nito.

Mahina namang isinalaysay ni Earth Dawn ang patungkol sa Trio Maestro na ito na bansag lamang para sa tatlong nilalang na ito na malalakas din ayon na rin sa sinasabi ng mga karamihan.

Mula sa ere ay makikita ang biglang pag-materialized ng isang malaking espadang gawa mismo ni Master Eleias.

Skill: Sword Piercer!

Ramdam naman nina Wong Ming ang kakaibang lakas na nagmumula sa espadang ito. Malakas ang killing intent ng nasabing sandata at mabilis itong bumulusok patungo sa kinaroroonan ng bronze coffin.

Mabilis na gumalaw ang mahabang kuko na tila baging na buhay na buhay na siyang pumulupulot sa papabulusok na malaking espada.

TSH! TSH! TSH!

Nakakapangilabot ang nasabing mga tunog ng pagbanggaan at masasabi ni Wong Ming na napakalakas rin ng kung sinumang nilalang na nasa loob ng bronze coffin.

Base sa galaw ng mga kukong naghahabaan at tila buhay na buhay ay marami na itong karanasan sa pakokipaglaban at pagpaslang na ultimo ang paggamit ng mata ay hindi na kinakailangan.

BLAMMMM!!!

Sa isang iglap ay tumalsik sa malayo ang nasabing espada.

PUAHHHH!!!

Napasuka ng sariwang dugo si Master Eleias na animo'y nasugatan ito ng malala.

Kitang-kita ang pagguhit ng itim na linya sa braso nito.

Isa itong indikasyon na nalason ito.

TAP! TAP! TAP!

Napaigik pa ng konti si Master Eleias nang subukan nitong i-reverse ang epekto ng nasabing lason na nasa parteng braso niya.

Hindi nito alintana kanina ang nasabing lason mula sa natamo niyang maliit na sugat ngunit ramdam niya ang paghina ng mga atake niya.

Mabilis na tumungo si Master Careo sa mismong kinaroroonan ng bronze coffin at sinubukan nitong gamitin ang sibat na bigla na lamang nag-materialized sa kamay niya.

WHOOOSHH!!!

Sa pagbulusok ng nasabing sibat ay kitang-kita ang isang itim na anino ng kakaibang nilalang sa nasabing sandata.

BANGGGG!!!

Isang napakalakas na tunog ang narinig nina Wong Ming mula sa pagkakatama ng nasabing sibat sa mismong bronze coffin.

Ngunit nagtaka si Wong Ming nang mapansing tila nagasgasan lamang ang bronze coffin ngunit hindi man lang ito nagkaroon ng pagkayupi.

Dito napatunayan ni Wong Ming na isa nga tunay na bronze coffin ito at hindi basta-basta ang nasabing metal ang kabaong ng misteryosong nilalang na nakahimlay rito.

"Umalis na kayo rito ngayon din!" Seryosong wika ni Master Careo sa dalawang disipulo niya sabay tulak nito sa medyo batang disipulo niya.

SHHAAAKKKKK! SHHAAAKKKKK! SHHAAAKKKKK!

Sa loob lamang ng ilang segundo ay nangabutas-butas ang nasabing katawan ni Maestro Creo habang matagumpay nitong naitulak papalayo ang pinakabata at pinakahuling disipulo nito.

Nakasuspend ang nasabing katawan nito sa ere habang wala na itong buhay.

Aalis na sana si Master Eleias sa kinaroroonan nito nang mapansing bigla na lamang gumalaw ang tatlong naghahabaang mga kuko at pinagsasaksak ang katawan nito ng paulit-ulit.

PUAHHH! PUAHHH! PUAHHH!

Kitang-kita na gusto pa nitong manlaban ngunit higit na malakas ang nasabing nilalang na nasa loob ng bronze coffin.

EEEEE.... EEEEEE... EEEE.....

Rinig na rinig nina Wong Ming ang tila pag-vibrate ng marahas ng mismong bronze coffin hanggang sa bigla na lamang may mga kulu-kulubot na mga kamay ang makikitang humawak sa dalawang gilid ng bronze coffin.

Dito ay unti-unting nasilayan ni Wong Ming ang napakapangit na kaanyuan ng isang matandang Long Claw Demon.

Mayroon itong mahahabang mga kuko at kitang-kita kung paanong nag-iwan ito ng malaking pahabang marka sa sumasayad na mga kuko nito.

Masasabi niyang napakadelikado nito at napakalakas. Ito ang tipo ng nilalang na maaaring ka-lebel ng Mortal Sea Realm- lebel na hinahangad ng lahat ngunit kinakatakutan din ng mas mababang mga lebel katulad nila.

Ramdam ni Wong Ming ang tila pananalit ng katawan niya at pagkabog ng malakas ng dibdib niya. Ito siguro ang sinasabi ng iba na demon supression. Katulad ng kaharap niyang nilalang na nasa malayo ay mayroon din siyang demon bloodline ngunit ang isang ito ay mukhang mas higit na nakalalakas sa kaniya.

Nanatili si Maestro Eleias sa kinaroroonan niya habang makikita ang galit sa pagmumukha nito. Sa mga oras na ito ay handang-handa na siyang pumaslang lalong-lalo na ng isang long claw demon na batid nitong nakakalakas ngunit makikita sa mata nitong handa nitong ibigay ang lahat ng nararapat niyang gagawin.

Isa siyang demon hunter at wala sa bokabularyo nito ang umatras. Isa man itong pagsuway sa master nito ngunit hindi siya magiging duwag.

Mula sa pwestong pinagkublihan nina Earth Dawn ay unti-unting lumalapit si Wong Ming sa kinaroroonan ng bronze coffin kung saan naroroon ang kakagising lamang na Long Claw Demon.

Isang bloodthirsty demon ito at matindi ang pang-opensa nito at depensa. Ngunit may binabalak si Wong Ming.

Imposibleng hindi niya papaslangin ang nilalang na ito dahil batid niyang nalaman na rin nito ang presensya niya dahil sa demon bloodline niya. Hindi sapat ang human bloodline para sa nilalang na ito. Kung hindi niya mapapaslang ito ay siguradong makikipag-patintero siya rito at masasagupa niya ito ilang araw mula ngayon.

Siguradong wala na siyang laban kapag nagkataon dahil uubusin lamang sila ng nilalang na ito. Ito na siguro ang pinakamalakas na makakaharap nila sa lugar na ito.

Sa mga nilalang na naririto, siya lamang ang makakapigil sa bagsik ng pambihirang halimaw na ito.

Agad na nag-materialized ang Sword Needle na nasa kamay niya. Ramdam na ramdam niya ang kakaibang koneksyon ng sword needle niya sa nasabing halimaw na Long Claw Demon na ito.

Parang gustong-gusto ng Sword Needle niya ang presensya ng nasabing kakagising na halimaw na ito sa loob ng bronze coffin.

Inilabas ni Wong Ming ang mahabang papel na nasa loob ng interspacial ring niya at kasabay nito ay mabilis na hiniwaan ni Wong Ming ang palad niya gamit ang sword needle niya.

GRRRR... GRRR...

Napansin ni Wong Ming ang pagka-aligaga ng halimaw at tila gutom na gutom ito.

Ngunit imposibleng matunton siya nito kaagad lalo pa't batid niyang hindi siya tatantanan ng kasalukuyang nilalang na gusto itong paslangin.





IMMORTAL DESTROYER: Deadly Foes [Volume 15]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon