Maging ang matandang ginang ay sumunod na ring umalis ngunit hindi nakatakas ang kakaibang tingin nito kay Wong Ming."Wag mong intindihin ang lola ko Little Devil, ganon lang talaga yun tumingin." Nahihiyang saad ni Earth Dawn na animo'y gusto ng unahan ang iniisip ng binata.
Napansin niya rin ito at kadalasan ay ganoon lang talaga tumingin ang lola niya. Nakakahiya iyon kung tutuusin.
Magsasalita na sana si Wong Ming nang mapansing nagsalita si Light Prime.
"Eh ba't ako ni hindi man lang niya tinapunan ng tingin. Hindi ba ko kapansin-pansin?!" Nakangusong tanong ni Light Prime na animo'y nagtataka rin.
"At bakit ka titingnan ni lola, masyado kang mahangin. Hindi nagbibigay ng atensyon ang lola ko sa isang unggoy noh!" Sagot naman ni Earth Dawn upang barahin ang pagiging mahangin ni Light Prime.
Nagkasagutan pa ang mga ito at nauwi sa bangayan. Buti na lamang at nagsalita muli si Wong Ming.
"O siya tama na yan. Baka magkapikunan na naman kayo. Puntahan na natin ang lola mo at nakakahiya pag hindi pa tayo nakasunod sa kanila." Pagpapaalalang wika ni Wong Ming upang mamagitan sa dalawang aso't-pusa na ito.
Kapag magkasama ang mga ito ay talagang dudugo ang tenga mo sa labis na batuhan ng mga maaanghang na salita sa kanila.
Napatuwid naman ng tayo ang dalawa at inayos ang sarili nila. Nauna na namang naglakad si Wong Ming habang nakasunod si Earth Dawn habang makikitang naglalakad na rin si Light Prime sa likuran nilang dalawa.
Maya-maya pa ay nauna na si Earth Dawn at nagsasalita na ito upang magsabi ng mga paunang impormasyon patungkol sa tribong kinabibilangan niya at iba pa na mga interesanteng mga bagay na mkakapukaw ng atensyon ni Wong Ming.
Tahimik lamang si Light Prime na nakikinig habang nakanguso na animo'y hindi maipinta ang mukha. Umuubo-ubo pa ito na animo'y gustong i-destract ang nasabing dalaga dahil mukhang hindi siya nakikita nito.
...
Mainit ang naging pagtanggap sa kanilang tatlo mula sa kanilang pagdatign rito at animo'y natutuwa rin ang mga ito dahil mayroong mga kaibigan si Earth Dawn mula sa labas.
Nagulatang nga sina Wong Ming nang malaman na ang ama ni Earth Dawn ang nasabing pinuno ng Norest Tribe. Mas nagulat sila nang mapansing nasa mahigit dalawampo ang kapatid ni Earth Dawn mula sa ama nito.
Sampo ang asawa ng ama nito at isa dito ang pinakalegal na asawa ng ama nito na siyang unang asawa ng tribe leader.
Samantalang ang ina ni Earth Dawn ay pangwalo sa concubine ng tribe leader at kung titingnang maigi ay parang insignificant family lamang siya lalo pa't nalaman ni Wong Ming na namatay na pala ang ina nito nang ipinanganak siya.
Tanging ang lola nito ang pinakamalapit siya at siya ang pinakapaboritong apo. Kaya naman pala kapansin-pansin na sobrang close ito sa matandang ale na nakatingin kay Wong Ming.
Kapansin-pansin na panay ang tingin sa kaniya ng lola ni Earth Dawn, hindi niya alam kung galit ba ito o masaya sa presensya niya. Batid niyang may gusto itong ipahiwatig na kung ano.
Sakto lamang ang dating nila lalo pa't ngayon idinaraos ang kaarawan ng ama ni Earth Dawn kung kaya't masasabing kumpleto ang lahat at tila nagkakasiyahan.
Sumabay rin si Wong Ming sa kasiyahan maging si Light Prime. Mababait at halatang kaya ring makipagsabayan ng mga ka-tribo ni Earth Dawn sa kanila na mga taga-labas.
Hindi nila namamalayan ang oras hanggang sa matapos ang nasabing kasiyahan. Nagpahinga sila sa isang may kalakihang bahay na gawa sa mstibay na kahoy.
Nakatulog sila ng mahimbing dahil na rin sa pagod at kasiyahan.
...
Naalimpungatan si Wong Ming at napabangon nang makarinig siya ng boses ng isang babae na tila tinatawag siya mula sa labas ng bahay na tinutuluyan niya.
Masyadong tulog-mantika si Light Prime at hindi nito napansin ang paglabas niya ng bahay.
Pagkalabas na pagkalabas niya ng bahay ay agad na bumungad sa kaniya ang isang nilalang, walang iba kundi ang lola ni Earth Dawn.
"Sumunod ka sakin, binata. Mag-uusap tayo." Mahinahong saad ng matandang ginang at naglakad na ito sa isang direksyon.
Ilang minuto lamang ay nakarating sila sa isang kakaibang lugar. Isang itong mala-kwadradong platform na gawa sa pambihirang bato.
Nang humarap ang nasabing matandang ginang ay bigla na lamang nagbago ang buong kapaligiran.
Dinala siya ng ginang sa kakaibang lugar, walang iba kundi sa mismong consciousness nito.
Kakaiba ang estraktura ng consciousness ng lola ni Earth Dawn, sobrang lawak at napakaganda tingnan.
Tila nasa isang pambihirang lugar sila na sagrado. Agad na napansin ni Wong Ming ang dambuhalang fountain na pumapagitna sa kanila ng matandang ginang.
"Saang tribo ka nabibilang binata? Bakit napakalakas ng demon bloodline mo? Pa-parang pamilyar ang dugong nananalaytay sa'yo ngunit bakit hindi ko matuklasan kung bakit nakakaramdam ako ng panganib mula sa'yo?!" Nababahalang saad ng matandang ginang na animo'y isang malaking banta at palaisipan sa kaniya ang katauhan ng isa sa binatang dinala ng kaniyang apo sa kanilang tribo.
"Hindi ko aakalaing pamilyar ang bloodline niyo sa akin. Kamag-anak ba kayo ng maharlikang water demon tribe sa Demon World?!" Direktang saad ni Wong Ming na puno ng kaseryosohan ang mukha nito.
"D-Demon W-world? Bakit mo alam ang pambihirang mundong iyon? Isa ka bang espiya?!" Tila nahihintatakutang saad ng matandang ginang na animo'y nababahala.
"Sa tingin mo ba ay may pakialam ako sa mundong iyon? Sadyang mayroon lang akong maituturing na kaibigan mula sa maharlikang Water Tribe. Alam mo ba kung ano'ng bloodline ang nananalaytay sa katawan ko?!" Seryosong turan ni Wong Ming habang kitang-kita kung paanong biglang bumaba ang temperatura nang kapaligiran at nagsilitiwan ang naglalakihang mga tipak ng yelo sa buong kapaligiran.
"Isa kang Elemental Ice Demon?! Hi-hindi maaari i-ito! Matagal ng napuksa ang lahing ito!" Hindi makapaniwalang saad ng matandang ginang na animo'y takot na takot sa presensya ng binata.
"Isa kang Seer hindi ba?! Hindi ko aakalaing mula sa pinagsamang lahi ng demon at human race ay mayroong magtataglay ng seering ability liban sa maharlikang Poseidon Phlox Demon Clan." Walang kagatol-gatol na saad ni Wong Ming habang nakatingin ng diretso sa mga mata ng matandang ginang.
Nanlaki ang mata ng matandang ginang at kitang-kita kung paano'ng halos mawalan ito ng lakas na muntik na nitong ikinatumba.
"Poseidon Phlox Demon Clan?! Isa sa mga ninuno namin ang nagmula sa angkan ng Elemental Water Demon. Paano'ng nagawa ng mga ito na makatawid? Saang lagusan ka dumaan upang makapunta sa Demon World?!" Seryosong saad ng matandang ginang na animo'y interesado ito sa sinasabi ng binata.
"Mahalaga pa ba iyon? Kung totoong mula kayo sa lahi ng Poseidon Phlox Demon Clan, bakit naririto kayo? Hindi na ba kayo makabalik sa mundong iyon?!" Tanong ni Wong Ming na animo'y di kumbinsido sa naging pahayag ng matandang ginang.
BINABASA MO ANG
IMMORTAL DESTROYER: Deadly Foes [Volume 15]
FantasySa pagtanggap ng mga misyon ni Wong Ming, ano kaya ang masasagupa nilang delubyo sa pagharap ng malalakas na mga kalaban. Mula sa existence ng makapangyarihang mga bantay sa mga delikadong mga lugar patungo sa sikretong itinatago ng mga ito. Magigin...