"Hindi na kami pwedeng makabalik sa mundong iyon kahit gustuhin man namin. Kung babalik man kami doon ay masahol pa sa alipin ang maaaring ituring sa amin. Isang kamalian ang magmahal ang dalawang magkaibang attribute na demon race. Isa pa ay marami na rin ang tumanda na rito at malabong mabuhay pa kami ng matagal sa mundong iyon dahi laa pisikal naming kaanyuan.Nagulat naman si Wong Ming sa nasabing impormasyong ito. Kaya ganon na lamang ang pag-aalinlangan ni Lord Damon na manatili sa mundong ito.
Mayroong malaking epekto sa kanila ang pananatili sa ibang mundong hindi sila natural na nabibilang.
Mabubuhay sila ng maikli at mababawasan ang mga elemental demon features ng katawan nila at malaki ang masamang epekto nito sa kanilang cultivation kung maaari.
Kung gusto nilang lumikas sa Martial World ay siguradong mabubura na rin sa kasaysayan ng Demon World ang existence ng Water Demon Tribe lalo na at mawawala na ang pure bloodline ng mga ito.
"Paano'ng natuklasan mo na hindi ako isang normal na tao?! Isa ka ba talagang Seer?!" Nagtatakang sambit ni Wong Ming lalo pa't hindi man lang nito naramdaman ang paggamit ng enerhiya ng matandang ito.
"Isa ako sa mahusay na Seer ng tribo namin. Ngunit ang pagkakaroon ng bagong henerasyon na nagtataglay ng abilidad ko ay siyang hahalili sa tungkuling aking ginampanan matagal na panahon na ang nakalilipas. Maituturing na pambihira ngunit isa ring sumpa lalo pa't hindi nabubuhay ng matagal ang katulad namin kung sakaling ipanganak mula sa linya namin ang susunod na Seer. Siguro ay nauunawaan mo na ang aking nais sabihin." Seryosong saad ng matandang ginang at kitang-kita kung paano'ng yumuko ito bilang paggalang.
"Bakit ka yumuyuko?! At ibig mong sabihin? Wag mong sabihing s-si Earth Dawn ang susunod sa yapak mo?!" Tila nahintatakutang sambit ni Wong Ming na halo-halo ang emosyong nararamdaman nito.
Kaya pala magaan ang loob niya kay Earth Dawn, isang Seer ito na isang abilidad na ipinapasa sa bawat salinlahi ng Water Demon Race.
"May gamot ba sa ganitong klaseng abilidad? Seryosong tanong ni Wong Ming na tila nag-aalala.
Tanging iling na lamang ang sagot ng ginang na halatang kahit ito ay hindi nakaligtas sa sumpang kakaharapin ng isang Seer. Masasabi ni Wong Ming na kahit mataas man ang lebel ng cultivation ng nasabing ginang ay hindi pa rin ito makakaligtas sa bagsik ng kapalaran nitong ipasa ang abilidad ng pagiging Seer.
"Kahit hindi mag-asawa si Earth Dawn ay siguradong lilitaw at lilitaw ang susunod na Seer ng tribo namin. Isa itong sumpang hindi matatakasan ng isa sa itinadhanang maging Seer. Wala tayong magagawa doon binata." Mahabang pahayag ng matandang ginang na mababakas ang mga butil ng luha sa mga mata nito.
"Alam na ba ito ni Earth Dawn?! Bakit hindi man lang siya nagsabi sa akin o sa ama nito?! Alam ba ito ng buong tribo niyo?!" Tanong ni Wong Ming sa matandang ginang na halos hindi makapaniwala.
"Tanging ang mga may matataas na katungkulan sa tribong ito ang nakakaalam nito liban sa tribe leader. Hindi ito alam ng apo ko. Ako mismo ang nagkumbinsi sa kaniya na maglakbay sa iba't-ibang parte ng mundong ito dahil kapag darating ang panahon na kailangan niya ng gampanan ang tungkulin niya bilang susunod na Seer, hindi na niya magagawa ang mga bagay na ito. Wag kang mag-alala binata, sasabihin ko rin ang bagay na ito sa araw mismo bago kayo umalis sa tribo. Hindi na rin ako magtatagal sa mundong ito, kailangan niyang maging handa para lubos na magampanan ang tungkulin niya." Mahabang saad ng matandang ginang habang pilit itong napangiti.
Batid niyang mabuti ang puso ng binatang ito. Unti-unti ng lumilitaw ang abilidad ng pagiging Seer ng apo niya at nalalapit na din ang katapusan niya. Ramdam na niya ang paghina ng abilidad niya.
Maituturing niyang isa pa ring biyaya at karangalan ang paglitaw ng isang Elemental Ice Demon sa mundong ito sa katauhan ng binata.
Kung meron mang solusyon para sa sumpang meron ang pagiging Seer ay sana ay hindi magiging pareho ang masakit na kapalaran ng apo niya katulad nilang mga naunang mga Seer.
Ramdam niya na ang nalalapit niyang kamatayan, sa araw ng kaniyang pagpanaw ay magiging ganap na Seer ang apo niyang si Earth Dawn. Walang makakatakas sa kapalaran at tadhana ng bawat isa sa kanila. Hindi maaaring sirain ang daloy ng buhay sa mundong ito.
"Wag kang mag-alala ginang, bilang isa sa mga kaibigan ni Earth Dawn ay hahanap ako ng paraan upang ipawalang-bisa ang sumpang ito. Sabi nga nila, habang may buhay, mayroong pag-asa." Seryosong wika ni Wong Ming na tila positibo ito na malalampasan ni Earth Dawn ang tila biyaya ngunit may kalakip na sumpa na abilidad.
"Aasahan ko iyan binata. O siya, kailangan mo ng magpahinga. Mayroong pambihirang okasyon na idadaos isang araw mula ngayon." Sambit ng matandang ginang habang pilit nitong iniiba nag kanilang pinag-uusapan.
"Ganon po ba, mabuti naman at hindi pa tapos ang kasiyahan sa tribong ito hehe." Abot-tengang pagngiti ni Wong Ming habang sinasabi ang bagay na ito.
Isinantabi niya muna ang mga problemang ito dahil kailangan niyang magpahinga muna kahit saglit.
Naramdaman naman ni Wong Ming ang tila pagbalik niya sa reyalidad tanda na wala na siya sa consciousness ng matandang ginang na lola ni Earth Dawn.
Malaking palaisipan pa rin kung matatanggap ba ito ni Earth Dawn kapag malaman nito ang buong katotohanan sa gagampanan nitong tungkulin bilang isang Seer.
...
Maagang nagising si Wong Ming at Earth Dawn sa kanilang pagkakatulog at tila nahuli ng gising si Light Prime.
Magkagayon pa man ay halos sabay silang nag-ayos ng sarili dahil ang araw na ito ay kailangan nilang gumala sa mga lugar dito.
Malawak ang teritoryo ng Norest Tribe at napag-alaman nina Light Prime at Wong Ming na halos kalahati ng bulubunduking parte ng Hazted City ay pagmamay-ari ng tribong ito.
Nagimbal naman si Wong Ming ngunit si Light Prime ay parang hindi man lang nagulat o na-impress.
Dito ay naalala ni Wong Ming na galing pala sa maharlikang pamilya ang Light Prime na ito kaya di na nakakapagtaka na hindi man lang ito na-impress sa karangyaang meron ang Norest Tribe.
Ngunit nagmukha itong mayabang para sa kaniya. Hindi talaga ito nagpapakita ng interes at mas gusto nitong magyabang.
Sakay ng isang ordinaryong flying beast ay gumala at naglibot-libot na sila sa iba't-ibang parte ng Norest Tribe.
Agad na namangha si Wong Ming nang mapansin ang maraming mga Water element at Earth element na mga dragon qi Vines na magsisilbing mayamang cultivation energy na nakakalat sa buong kapaligiran lalo na sa mismong cultivation areas ng nasabing tribo.
Sa sobrang yaman ng natural na enerhiya ng cultivation areas ay namumuo ang naglalakihang mga dragon qi clouds na sumasayaw-sayaw pa sa himpapawid.
BINABASA MO ANG
IMMORTAL DESTROYER: Deadly Foes [Volume 15]
FantasíaSa pagtanggap ng mga misyon ni Wong Ming, ano kaya ang masasagupa nilang delubyo sa pagharap ng malalakas na mga kalaban. Mula sa existence ng makapangyarihang mga bantay sa mga delikadong mga lugar patungo sa sikretong itinatago ng mga ito. Magigin...