Chapter 3

73 6 0
                                    

Chapter 3


•••••


Nabulabog ang buong mansion nang marinig ng mga staff ang malakas na sigaw ni Rebecca. Agad na iniwan ni Loray ang ginagawa sa kusina at nagmadali na puntahan si Rebecca sa kwarto nito. Nakasunod din ang iilang mga maids sa kanya na huminto sa labas ng kwarto ni Rebecca.

"Rebecca, anong nangyari?!" puno ng pag-aalala ang boses ni Loray bago lapitan si Rebecca na nakasiksik sa dulo ng kama nito habang nakatakip ang dalawang kamay sa tenga.

"Stop, please... stop..." sinimulang saktan ni Rebecca ang sarili kaya agad siyang inawat ni Loray at niyakap siya ng mahigpit.

"Tama na, Rebecca.... tama na..." pilit niyang pinapakalma si Rebecca pero nagsimula na itong umiyak.

"I hear them.... they will kill us... t-they.... there's b-blood... inside this mansion..." paulit-ulit na sabi ni Rebecca hanggang sa dumating si Aurora at agad din siyang nilapitan.

"Rebecca! It's okay... I'm here..." mahigpit ang yakap ni Rebecca kay Aurora habang patuloy siya sa pag-iyak. Napatingin din siya kay Loray na bakas sa mukha ang pag-aalaga para sa alaga.

"Tita... a-ayoko na.... I'm t-tired...." lumakas ang iyak ni Rebecca dahilan para mag-unahan sa pagbagsak ang luha ni Aurora.

"Loray, get her medicine now..." utos niya na agad sinunod ni Loray.

"H-hindi na 'ko gagaling... hindi ako gagaling... I'm tired... a-ayoko na..." paulit-ulit na iyak niya.

"Don't say that..." agad niyang pinunasan ang luha niya bago humarap kay Rebecca. "Gagaling ka, okay? I promised you..."

They stayed in that position until Rebecca fell asleep. Aurora was watching her niece peacefully asleep. She was blaming herself why Rebecca became like this.

"Madam, may kailangan pa po ba kayo?" malumanay ang boses ni Loray nang pumasok sa silid ni Rebecca.

"Just stay beside her, Loray. I have a meeting."

Aalis na sana si Aurora nang magsalita si Loray habang nakatingin ito kay Rebecca. Napamahal na rin sa kanya ang alaga kaya nasasaktan din siya kapag sinusumpong ito ng sakit niya.

"Huwag po kayong mag-alala, Madam. Akong bahala sa alaga ko." Loray glanced at Aurora before she sat beside Rebecca— making sure she was comfortable.

"Thank you, Loray." she left the room afterwards.

My head was aching so bad when I woke up. I looked at the lampshade beside my bed before looking around my room. Dahan-dahan akong umupo bago hilutin ang ulo ko.

"Yaya?" I called Yaya Loray but there was no response. "Yaya?"

I decided to look for her so I went in my walk-in closet to picked up my jacket. When I open my door I looked outside and noticed that it was quite. Lumabas ako ng kwarto hanggang sa makarating ako sa hagdan.

I stopped for a moment when I felt that someone was watching me— it brought creep in my system so I looked back only to see the old portraits hanged on the wall.

I stepped lower pero mas naramdaman kong nakasunod sa akin ang dalawang mata. Humakbang ako ulit pero bawat hakbang ko ay para bang may kung sinong nakasunod.

"W-who are you?" I asked hoping that someone would answer me.

Agad akong napahawak sa bandang puso ko when I heard Kuya Jericho.

"Rebecca!"

"My god, Kuya! Bakit ka ba nanggugulat?!" nagmadali akong bumaba ng hagdan. "Muntikan pa 'kong mahulog sa hagdan!"

Living as Palacios (Shadows of the Past) BOOK 2Where stories live. Discover now