Chapter 7

82 4 5
                                    

Chapter 7- Paco Palacios?



•••••


Madaling araw pa lang ay gising na ako habang hinihintay na maluto ang nakasalang sa kalan. Tulala lang ako habang umiinom ng kape hanggang sa maramdaman ko ang mga brasong pumulupot sa bewang ko.

"Good morning..." naupo ako sa mesa bago siya harapin. Napangiti ako nang makitang nakapikit pa rin siya at magulo na ang ayos. Niyakap niya ako sa bewang kaya ginantihan ko rin 'yon. Sinandal niya ang ulo sa dibdib ko.

"Kamusta ang tulog mo?" tanong ko habang marahang sinusuklay ang buhok niya.

"I'm still sleepy but I have a meeting." malalim ang buntong-hininga ko.

"Nakakapagpahinga ka ba? Araw-araw yata ang meeting mo? Alalahanin mong may kapatid ka at may responsibilidad din siya sa kumpanya, Aurora."

Hindi siya sumagot hanggang sa maramdaman ko ang bigat ng katawan niya. Binuhat ko ulit siya bago ihatid pabalik sa kwarto.

"Mahal, dito ka lang..." malambing niyang sabi pero napalingon ako sa may kusina.

"Saglit lang." bumalik ako doon bago patayin ang apoy. Nang makabalik ako sa kwarto ay sinara ko ang pinto at hindi na binuksan ang ilaw.

Nang makahiga ako ay agad na yumakap si Aurora sa akin. Hinila ko pa ang kumot gamit ang paa ko dahil sa malamig ang buga ng aircon.

"Tulog na." sabi ko bago ayusin ang pagkakahiga niya. Para siyang bata at nakakapit lang sa akin hanggang sa makatulog ulit ako.

Mag-aalas diyes na ng umaga nang magising akong walang katabi. Nang maayos ko ang kama ay lumabas na ako ng kwarto at nadatnan na may kausap sa cellphone si Aurora. Hindi ko na siya tinawag at naghanda na lang ng umagahan.

"Kagigising mo lang ba?" tanong ko nang maramdaman ang presensya niya. Napalingon ako nang hindi siya sumagot. Parang ang lalim ng iniisip niya. "Mahal?"

"Hmm?" tipid siyang ngumiti bago napakamot sa ulo niya. "I h-have to go..."

"Pero hindi ka pa kumakain." napansin kong hindi siya makatingin sa mga mata ko kaya lumapit ako sa kanya at nakitang pinaglalaruan niya ang mga daliri niya. "May gusto ka bang sabihin?"

Umiling siya kaya nagtaka ako. "Aurora..." kalmado ko siyang tinawag para makuha ang atensyon niya. Tumingin siya sa akin pero agad din siyang umiwas. "Anong problema?"

"W-wala. Kailangan ko ng umalis. May meeting ako." ilang saglit ko pang hinintay ang susunod na sasabihin niya pero hindi na siya nagsalita.

"Okay. Pero kakain ka muna."

At kahit nasa hapag ay napansin ko ang kakaibang katahimikan niya. Ako lang ang nagsasalita at paminsan-minsan ay sumasagot naman siya.

Nang makapag-ayos siya ay nagpaalam na siyang aalis. "Susunduin kita mamaya."

Nag-isip pa siya bago tipid na tumango at kumaway. Nang mawala siya sa paningin ko ay naisipan kong pumasok na sa bahay.

•••

"Gosh, it's too early!" singhal ko bago abutin ang phone ko na kanina pa nagriring. Nahirapan pa akong tumayo dahil nakayakap sa akin si Amando. I was too careful dahil baka magising siya.

I picked up the phone before answering it. Nagmadali pa akong lumabas ng kwarto at nakitang umaga na. "Hello?!" inis na sagot ko.

"Where the hell are you?" it was Kuya Galvan. His voice was so loud that it almost damaged my eardrum.

Living as Palacios (Shadows of the Past) BOOK 2Where stories live. Discover now