Chapter 8

85 6 0
                                    

Chapter 8- He needs space


•••••

Hindi nakatakas sa pandinig ko ang mahihinang bulungan mula sa mga tao na nakarinig ng usapan namin ni Kuya Galvan.

Pero sa kabila ng bulungan na 'yon, may dalawang mata ang nakatitig sa akin. Mga matang hindi ko kayang tignan. Mga matang naghihintay na matitigan ko rin.

"Si Amando ba?" nang ulitin iyon ni Kuya ay napahinga ako nang malalim at hindi ko napansin ang sunod-sunod na pagbagsak ng luha ko. "Aurora—"

Pinunasan ko ang luha ko bago humarap kay Kuya Galvan. "Oo."

Parang may kung anong hapdi sa puso ko ang naramdaman ko nang aminin ko 'yon. Dahan-dahan akong napatingin kay Amando na walang reaksyon ang mukha pero nakatuon sa akin ang mga mata niya.

He didn't expect that sudden confession from me. A confession that was hidden for the longest time.

"Why did you lied to us?" napapikit ako nang magsalita si Kuya. "Why did—"

"Because I had to!" sigaw ko. "Alam mo kung anong klaseng magulang meron tayo, Kuya." I did my best not to cry in front of him— in front of everyone.

Because I shouldn't cry. Aurora Palacios doesn't cry, weep, nor shed tears for anyone. But, I'm human after all. I feel pain. I also break.

"But, you could've at least tell Amando. Ikaw ang pinaka may alam sa lahat kung gaano niya kagusto magkaroon ng anak, Aurora. Maiintindihan ko kung nagsinungaling ka sa pamilya natin, pero kay Amando?!"

"I know! I had no choice, Kuya!"

"You had a choice to tell him!"

Umiling ako. "No. You never know what I went through to protect Paco. I had to die... for him to live, Kuya..." nanuyo ang lalamunan ko hanggang sa tuluyan ng kumawala ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan.

Tumingin ako kay Amando nakatingin pa rin sa akin pero walang akong ibang nababasa sa kanya kung hindi galit.

"Miguel made my life... s-so miserable..."

"But he was kind—"

"Bullshit, Kuya!" singhal ko kaya agad na tumahimik ang lahat. "I almost h-had a miscarriage because he kept on hurting me... sinasaktan niya 'ko nang hindi niyo alam!" napatakip ako sa mukha ko para hindi nila makita ang pag-iyak ko.

Narinig ko ang paghingi ng tawad ni Kuya pero nalipat kay Amando ang mga mata ko nang maglakad siya palabas ng mansion. Narinig ko pa ang pagtawag ni Kuya sa akin pero hindi ko na siya pinakinggan. Amando was my top priority.

"Amando!" I called him but he was not listening. Hinabol ko siya hanggang sa  makalabas na kami ng mansion pero hindi pa rin siya humihinto. "Amando, please... let me—"

"Ginagawa mo ba 'kong tanga, Aurora?" agad siyang humarap sa akin kaya natigilan akong habulin siya. Nakita ko ang nanunubig na mga mata niya. Nakita ko ang galit sa kanya. "Namatay na't lahat si Paco, hanggang ngayon wala ka pa ring balak na sabihin sa akin?"

"Amando—"

"Isang bagay lang naman ang h-hinihiling ko, Aurora... " I covered my mouth when I heard how his voice cracked. "Maging ama..."

"I'm sorry—"

"Ni h-hindi... ni hindi ko man lang narinig na tinawag ako ni Paco na tatay niya..." bawat luha na kumakawala sa kanya ay parang kutsilyong sumasaksak sa puso ko. Sumisikip ang dibdib ko habang nakikita siyang ilabas sa akin ang sama ng loob niya.

Living as Palacios (Shadows of the Past) BOOK 2Where stories live. Discover now