Chapter 13

296 12 0
                                    

Chapter 13: After the Storm


---


Ava’s POV

Dalawang linggo na ang nakalipas simula nang maghiwalay kami ni Ryan. Masasabi ko rin na paunti-unti ay nagiging okay na ko dahil sa mga kaibigan ko. Hindi ko na rin sinubukan pang kausapin si Ryan dahil sapat na ang mga nakita ko.
Unti-unti na rin nawawala ang pagmamahal ko kay Ryan at napapalitan na ito ng pagkamuhi at inis.


Today, nasa mall ako kasama sila Maive, Sloane at Shay. Kasama rin namin ang kaibigan ni Joss na si Miley, Cody, and Gray. Naging kaibigan na rin namin yung dalawa sa kaibigan ni Cody and Joss. Sila nga lagi ang nag susuggest na gumala kami para mas mabilis daw akong mag heal.


Habang naglalakad kami sa mall, nasa bandang likod ako at nakikinig lang sa mga pinag-uusapan nila. Si Maive kasi sinasabi nya samin ang bago nyang project, habang si Sloane at Shay naman ay abala sa pang aasar kay Cody dahil madalas nila itong mahuli na nakatingin kay Maive. Nakangiti lamang ako sa kanila at hindi maiwasang bumalik ng isip ko sa ginawa sakin ni Ryan.



Habang naglalakad ako naramdaman ko na may dalawang braso na yumakap mula sa likod ko. Hindi ako makagalaw dahil nagulat ako sa nangyari, bago pa ako makapag react narinig ko na ang pamilyar na boses.


“Ava, please, kailangan nating mag-usap,” Ryan’s voice, puno ang boses nito ng desperasyon at pagmamakaawa.



Hindi ako makapaniwala na nandito siya ngayon. Si Maive, Shay, and Sloane ay agad na napahinto sa paglalakad at napatingin sa gawi namin na may gulat sa mga mata.


“Ryan, let me go,” I said through gritted teeth, habang sinusubukan ko na kumawala sa pagkakayakap nya.


Samantala mas hinigpita pa ni Ryan ang pagkakayakap sakin, “Ava, please. Just hear me out. Hindi mo ako pwedeng iwan nang ganito. Let’s talk, okay?” may pag mamakaawang saad nito.


“Ryan!” I snapped, finally wriggling free from his grasp. "Hindi ba malinaw na tapos na tayo? You can’t just show up like this!"


Agad namang lumapit si Cody samin na may concern sa mukha. “Hey, bro, she said back off.”


Tinignan naman ni Ryan si Cody ng masama, at mas lalong dumilim ang aura nito. “Wala kang pakialam dito. This is between me and her.”
Pagkakasabi ni Ryan at itinulak si Cody.


I feel my face flush with embarrassment, huminga ako ng malalim bago magsalita. “Ryan, you’re causing a scene. Stop it.”


Pero hindi nakinig si Ryan, bakas ang pag kainis sa mukha nito, bago pa makapag react ang iba ay akmang yayakap ulit ito sakin. Magsasalita na sana si Cody nang bigla humarang si Miley sa pagitan namin ni Ryan.


Miley stood tall, her expression cool yet firm. “She said stop. You need to respect her space,” kalmadong pagkakasabi ni Miley habang nakatingin ng diretso kay Ryan.


Agad namang binalot ng galit at selos ang mga mata ni Ryan. “Sino ka ba, ha? What, you think you’re her protector or something?” He shoved Miley’s shoulder hard, causing her to stumble slightly. "You’re nothing. She’s mine. Kaya umalis ka dyan."


Dumilim naman ang ekspresyon ng mukha ni Miley dahil sa ginawa ni Ryan. “She’s not yours. She’s not anyone’s,” Miley shot back, her voice steady.


Ilang segundo lang, tumama ang kamao ni Ryan sa mukha ni Miley dahil para mapatumba ito sa sahig.


“Ryan!” pasigaw kong tawag sa pangalan niya. “Ano bang problema mo?!”


Agad namang lumapit sakin sila Maive para takpan ako, habang sila Cody, and Joss ay lumapit kay Ryan para pigilan ito. Agad na hinawakan ni Cody ang braso ni Ryan para pigilan na bigyan pa ng isang suntok si Miley, samantala si Joss naman ay hinawakan si Ryan sa dibdib at itinutulak palayo. Si Gray naman ay lumapit kay Miley at tinutulungan itong tumayo.


“Calm down, man!” sigaw ni Cody habang sinusubakan na hawakan si Ryan at pigilan ito. “Ano ka ba, wala ka na sa lugar!”


Bitawan mo ako!” pabalik na sigaw ni Ryan kay Cody at nag pupumiglas sa pagkakahawak ni Cody sa kanya. “She’s mine, Cody. This isn’t your business!”


Hindi ko na alam ang gagawin ko, mas lalong lumalala ang sitwasyon. Habang natatakot na nakatingin ako sa kanila ay dire-diretso namang lumakad si Maive papunta sa gawi ni Ryan at agad itong sinampal nang malakas. The sound of the slap echoed through the corridor, and for a moment, everyone froze.


“Wala kang karapatang saktan si Ava, lalo na si Miley!” Maive spat, her voice shaking with anger. “You’re pathetic, Ryan. Hindi mo ba naiintindihan na tapos na kayo?”



Ryan, stunned from the slap, stared at Maive in disbelief. "Really? hindi ko pwedeng saktan si Miley? bakit sino ba sya sa buhay ni Ava? she’s nothing compare to me, Maive!" sigaw ni Ryan kay Maive bago pa makapag salita ulit si Ryan, Shay stormed up and slapped him on the other cheek.


“Yung babaeng sinuntok mo sya lang naman ang ilang beses na nag ligtas sa buhay ni Ava habang nasa drive kami, kasi you know what? wala ka ron para gawin yung ginawa ni Miley kay Ava kaya wala kang karapatan na saktan sya. So you’re nothing compared to Miley. And one more thing, you don’t get to control her life,” Shay said fiercely.


“Move on, Ryan. Wala na kayo. At kung patuloy kang magiging ganyan, mas lalo ka niyang kamumuhian. Wag ka rin umasta na parang ikaw ang biktama, tandaan mo niloko mo si Ava.” seryosong sagot ni Sloane habang nasa tabi ko pa rin siya.


Nakita ko naman na mas lumalim ang pag hinga ni Ryan, namumula na siya dahil sa galit at hiya. Tumingin siya sakin na may nag mamakaawang mata.


“Ryan, please, umalis ka na,” my voice was cold and detached. “You’ve done enough. Sapat na ang mga nakita ko hindi na kita kailangang pakinggan.”


Ryan’s shoulders slumped as reality began to sink in. His fists unclenched, and he stepped back, looking utterly defeated. Binitawan naman ni Cody and Joss si Ryan.


With a final glance at me, Ryan muttered, “This isn’t over.” Then he turned and stormed away, leaving behind a trail of chaos.


Hindi naman agad ako nakakilos dahil sa sinabi ni Ryan, nanginginig ng kaunti ang katawan ko ng marealize ko ang ginawa niya kay Miley. Agad na hinanap ng paningin ko si Miley at nakita ko siya na nakatayo at pinupunasan ang gilid ng kanyan labi.


“Are you okay?” I asked softly, guilt twisting in my stomach.


Binigyan naman ako ng tipid na ngiti ni Miley bago sumagot. “Yeah. I’m fine. Masakit lang, pero okay lang.”


Nilibot ko ang tingin ko at nakita ko ang mga kaibigan ko na nakitingin sakin na may halong pag aalala. "Salamat, guys," I whispered, my voice trembling. "I don’t know what I would've done without you."


Lumapit naman ulit sakin si Maive at niyakap ako. “We’ve got your back, Ava. Always.”












Waves of Healing (Mikhaiah)Where stories live. Discover now