Chapter 24

271 12 0
                                    

Chapter 24: Shadows in the Rain


---

Miley’s POV



Maulan ang panahon ngayon. Nandito ako sa bahay ko, at hinihintay ang update ni Cody tungkol kay Ryan. Ngayon din kasi ay hinahanap na nila si Ryan. Hindi ako mapakali dito sa bahay, paano nalang kung makatakas si Ryan? tiyan na hindi niya ako tatantanan dahil sa tingin niya ay inagaw ko sa kanya si Ava.


Naka titig ako sa labas ng tumunog ang telepono, agad akong tumingin sa telepono ko at nakita ko na si Cody ang tumatawag; hindi na ko nagdalawang isip at agad na sinagot ang tawag.

“Miley, we found him. Papunta na kami ngayon sa kanya.”

“Pwede ba akong pumunta? Nasaan sya?” mabilis kong tanong kay Cody.

“Miley, masyadong delikado. Hayaan mo na kami i-a-update nalang kita.”

“Cody, please. I want to see him.” pagmamakaawa ko kay Cody sa telepono.

"Okay, fine. Ite-text ko sayo ang address.”

Binaba agad ni Cody ang tawag at agad na tinext sakin kung saan daw nakita si Ryan. Agad kong kinuha ang susi ko at nagmamadaling umalis sa bahay. Tinawagan ko rin si Joss and Gray kasi papasamahin ko sakin. Mga kating-kati rin kasi silang makita si Cody.



--


Nang makarating kami kung nasaan si Ryan ay nakita ko agad na napapalibutan ng pulis ang buong paligid. Bumaba na kaming tatlo sa sasakyan ko at hindi na pinansin ang buhos ng ulan.


Nakatayo kami ngayong tatlo at inaasahan na sana pag lumabas sila Cody at kasama na nito si Ryan. Mabilis ang tibok ng puso ko, kasing bilis ng mga patak ng ulan.

Nakatingin naman si Gray ng diretso kung nasaan ang mga kapulisan ng magsalita ito. "I still can’t believe na si Ryan ang nasa likod nito. Akala ko wala nang mas lala pa sa ginawa niya kay Ava pero I’m wrong. May mas malala pa pala. He did that because of his stupid ego.”


"He’s a coward," seryosong sagot ni Joss bakas din ang galit sa boses nito.
“Hindi na siya makakatakas ngayon. ”

Kinuyom ko naman ang kamao ko dahil sa namumuong galit sa loob ko.
"That’s why we’re here, guys. He’s not getting away this time."




Nagulat kaming tatlo ng makita namin si Cody na patakbong pumupunta samin, nakita ko rin na wala si Ryan. Nasan sya? bat wala sya rito? Mabilis na nakalapit samin si Cody at tinapik ako sa balikat.


“Cody, where's Ryan? bakit hindi nyo sya kasama?” natatarantang tanong ko kay Cody.


“I’m sorry to say this, Miley. Nakatakas si Ryan. But don't worry may nakakita sa kanya at sinabi na nasa tulay sya. We should go there.” mabilis na sagot sakin ni Cody at sumakay na ito agad sa patrol car at umalis na.


Nakatulala lang ako dahil sa narinig ko, si Ryan nakatakas? Paano nangyari? Ang dami na nila pero natakasan pa rin sila ni Ryan. Totoo ngang magaling si Ryan. Napabalik naman ako sa katotohanan ng tapikin ako ni Joss. “Miley, tara na.”


Nagmadali akong sumakay sa driver’s  seat at pinaandar ang sasakyan papunta sa tulay na sinasabi ni Cody.
Walang tigil pa rin ang buhos ng ulan habang papunta kami sa tulay. Nang makarating kami sa tulay ay agad akong bumaba sa kotse ko at pumunta agad kay Cody. Nagulat naman ako sa nakita ko.


Waves of Healing (Mikhaiah)Where stories live. Discover now