Chapter 52: Trapped in Silence
---
Miley's POV
Hindi ko alam kung nasaan ako. Tanging dilim lamang ang nakikita ko, hinaharangan ng makapal na tela ang mga mata ko. May duct tape naman ang bibig ko kaya hindi ako makasigaw at makahingi ng tulong. Mahapdi at masakit na ang kamay at paa ko dahil sa higpit ng pagkakatali. I feel so helpless, but I keep trying to free myself, even though my body aches from the effort.
Pinipilit kong alalahanin kung sino ang may ari ng boses ng lalaking nakausap ko kanina. Sigurado akong
narinig ko na ang boses na yon pero hindi ko lang maalala. Habang patuloy na nag iisip narinig ko na bumukas ang pinto, narinig ko rin na may binaba siya sa tapat ko."Eat," ma-awtoridad na utos ng lalaki habang inaalis niya ang tape mula sa bibig ko.
"Who are you? Who was that man I talked to earlier?!" pasigaw kong tanong sa kanya, pero imbis na sumagot narinig ko nalang ang pag kasa ng baral niya dahilan para matahimik ako.
"Shut up, or I will click the trigger." matapang niyang sagot, naramdaman ko na pumunta siya sa likod ko, unti-unti ay gumaan ang pagkakatali ng nakatakip sa mata ko. Unti-unti kong dinilat ang mata ko, adjusting to the dim light in the room. Naramdaman ko rin ang pag tutok niya ng baril sa likod ng ulo ko. "Don't look around. Kung ayaw mong magkalat ang dugo mo dito. Just focus on the food in front of you," he commands. I glance at the simple meal laid out before me.
"You need to eat. Our boss doesn't want you going hungry," he says, as if that explains everything
Hindi na ko nag dalawang isip pa, it's either eat or die. I take a few bites, my mind racing, trying to figure out what they want with me. After I finish, the man puts the blindfold back on and ties my wrists and ankles again.
"Babalik ako mamaya para ayusin ang tutulugan mo. Don't make any noise," paalala niya bago tuluyang lumabas ng silid.
---
Minuto o oras na ang lumipas ng biglang pumasok si Ava sa isip ko. Paniguradong nag aalala na siya. Nakikita ko ang mukha niya na puno ng pag aalala at sinubukang isipin kung nasaan ako. Thinking of her makes my chest tighten with sadness. *Is she ooking for me? Did she have any idea what happened to me?*
Suddenly, I hear footsteps again. The door opens, and I can sense movement in the room. "Magbantay na kayo sa labas," the man from earlier says, directing others to leave.
Lumuwag na ulit ang pagkakatali sa kamay at paa ko, agad kong hinawakan ang kamay ko dahil sa sakit na nararamdaman ko. "Don't take off the blindfold until you hear the door close," he warns before leaving me alone again.
Nang marinig ko na sumarado na ang pinto agad kong inalis ang tape na nasa bibig ko at mabilis na inalis ang makapal na telang humaharang sa mga mata ko. I blink a few times, my vision slowly adjusting to the faint light. The room is small and bare, with a high, barred window and a locked door. There's no way to escape.
May maliit na kama na nasa gilid ng pader, agad akong lumapit don at nakita ko ang pares ng damit at isang timba ng tubig. It feels surreal-like I'm in some strange dream. I wash up and change into the clothes, feeling more like a prisoner than a person.
Nahiga ako sa kama at hinila ang kumot para takpan ang sarili ko, para hindi ko maramdama na nag iisa ako rito. Wala akong magawa kundi umiyak. *Ava... I miss you so much. I don't know how long I can stay strong.* turan ko sa sarili ko.
Habang nakahiga nakatingin lamang ako sa kisame. Ang silid ay tahimik tanging mga hikbi ko lamang ang nagsisilbing ingay. Wala akong alam kung bakit ako nandito, kung bakit nila ginagawa sakin 'to. Pero isa lang ang alam ko kailangan kong humanap ng daan palabas dito. Hindi pwedeng ikulong lang nila ako dito. May paraan para makatakas at yun ang aalamin ko.
YOU ARE READING
Waves of Healing (Mikhaiah)
RomanceDr. Ava Hart has always been dedicated to her career, using her passion and skills to help others, especially after the tragic loss of her father. When a powerful storm hits their coastal town, Ava's commitment to her community grows even stronger a...