Chapter 70 ⚠️

406 16 4
                                    

Chapter 70: The Final Step







---






Miley’s POV


Nakaupo kaming tatlo sa malamig na upuan at madilim na silid. Nababalot ng katahimikan ang buong silid, tanging mga hikbi lamang ni Maive ang maririnig. Nakaupo ako sa harap ni Ava at Maive, kitang-kita nila ang mukha kong sugatan at puno ng pasa, walang tigil sa pag iyak si Maive dahil sa itsura ko samantalang si Ava ay nakatingin lamang sakin at ang mata niya ay punong-puno ng pagsisisi.





“Miley,” pagtawag ni Ava sa pangalan ko gamit ang mahinang tono, ang boses niya ay nanginginig. “I’m so sorry..... I didn’t believe in you, nung sinabi mong hindi kayang gawin ng tatay mo ang bagay na yom sa daddy ko.”




Huminga ako ng malalim at pilit na ngumiti para kahit papaano ay maramdaman ni Ava na hindi ako galit sa kanya. “Ava.... hindi kita masisisi kung hindi ka naniwala sakin. I know it’s hard for you to believe. Kahit ako hindi ako naniwala agad sa tatay ko nung sinabi niyang inosente siya. Hindi mo kailangan humingi ng pasenya. None of this is your fault.”





Bago pa man makasagot si Ava ay bumukas ang pinto ng silid at pumasok si Ryan na may ngiti sa labi, diretso siyang pumasok sa loob at hindi inaalis ang tingin sakin. Lumapit siya sakin at bigla nalang akong sinuntok sa mukha, dahilan para mas dumoble ang sakit na nararamdaman ko.





"Miley!" sigaw ni Ava habang nagpupumiglas sa taling humahawak sa kanya.





“How are you?” seryosong saad ni Ryan sakin habang nakatitig sa mga mata ko. “I see, buhay ka pa rin. Ang tibay mo rin, ano? Ang dami ko nang ginawa sayo pero hanggang ngayon buhay ka pa rin. Masyado kana atang nahihirapan, naisip kong padaliin nalang ang buhay mo.” saad niya at tumawa.




Sinubukan kong wag magpakita ng anumamg reaksyon sa sinabi ni Ryan, inangat ko ang tingin ko at sinalubong ang nakakapasong mga tingin ni Ryan. “Killing me is your last step? Duwag ka, Ryan. Duwag ka!” sigaw ko rito at isa nanamang suntok ang tumama sa mukha ko.





"Ryan, please, stop!" sigaw ni Maive habang umiiyak. “Tumigil kana kung ayaw mong managot sa batas! Ililigtas kami ni Cody.”






Humarap si Ryan kay Maive at tumawa, nagulat kami ng bilang dumapo ang palad nito sa mukha ni Maive. “Ako mananagot sa batas? Ni hindi nga nila alam kung nasaan kayo, hindi nila kayo mahahanap. And Cody? She’s coming for you. Kung magawa man niya yon siguradong huli na siya.”




“Napaka walang hiya mo!” balik na sigaw ni Maive habang nakatingin ng diretso kay Ryan. Hindi naman na sumagot si Ryan at tumawa nalang sa sinabi ni Maive at binaling ang atensyon kay Ava.




Lumapit siya kay Ava at hinawakan ang baba nito. “And you, Ava. You can love me again, can’t you? I mean, ang dami na nating pinag daanan, alam ko na ako pa rin ang mahal mo.”




Pinanood ko lamang sila, sumagot naman si Ava gamit ang matapang niyang boses at tinitigan si Ryan ng diretso sa mata. “Wala na akong nararamdaman para sayo, Ryan. Sa tingin mo ba sa lahat ng ginawa mo kaya pa kitang mahalin? hindi na. Isa nalang ang nararamdaman ko para sayo; at yun at pandidiri. I don’t love you anymore, Ryan.”





Kitang-kita ko na nag iba ang ekspresyon ng mukha ni Ryan, puno na ng galit ang mga mata nito. “Oh yeah? So you’re telling me you love her now? Mas pinipili mo yang walang kwentang surfer na yan kaysa sakin?”





Waves of Healing (Mikhaiah)Where stories live. Discover now