Chapter 13

795 19 3
                                    

I spent the last days of my December with them. Nang dumating ang buwan ng Enero ay naging madalang uli ang paglabas namin ni Melissa, kaya hindi ko na uli nakita si Sandro. Madalas na kasi uli si Papa sa mansyon. At saka, may klase rin naman ako. Tuwing weekdays ay pumupunta si Mrs. Bonifacio para turuan ako.

Parang wala rin naman si Papa dahil kahit nasa mansyon siya, hindi ko siya madalas makita. He usually stays in his study or in the library. Hindi rin siya sumasabay sa akin sa pagkain.

It was unusual for him to isolate himself in his study for a long stretches of time. I noticed how his routine had changed significantly. Dati ay madalang lang siyang makikita sa mansyon dahil madalas siya sa labas, lumuluwas, o ‘di kaya ay may mga business trip na pinupuntahan sa ibang bansa. Pero ngayon ay halos hindi na siya lumalabas sa kanyang study.

The other day, I saw a group of men coming into our mansion. Ilang beses ko silang nakitang pabalik-balik sa mansyon. Nakikita ko sila mula sa balcony ng kuwarto ko. Kaya rin hindi ako masyadong makalabas dahil may mga bisita lagi si Papa. Pinagbawalan uli akong lumabas sa kuwarto ko.

Sumilip ako sa nakaawang na pinto ng study ni Papa. Nakita ko siyang nakatutok sa mga papeles na nakatambak sa kanyang lamesa. He's wearing his eyeglasses while he's scanning the pages. Magulo ang kanyang buhok na humahaba na at ang suot na puting polo ay hindi naka-ayos ang kuwelyo. His movements were quick and abrupt. Para siyang may hinahanap at mabilis ang kanyang pagbuklat sa bawat pahina. Sa isang tabi ay ang kanyang laptop, at paminsan-minsan ay may itina-type siya roon.

Marahan akong kumatok. Ayaw ko siyang abalahin, pero gusto ko lang sana siyang kamustahin. I just wanna know if he’s okay.

"Yes?" he asked without even looking at whoever knocked on his door. Patuloy pa rin siya sa pagbubuklat ng mga papeles.

"Papa?" I called him in a small voice.

"Hmm?"

Huminga ako ng malalim. Pumasok ako at tumayo sa kanyang harapan.

Hindi ko siya madalas makita at ngayon ko lang napansin ang pagbabago sa kanyang itsura. The wrinkles on his face are now visible. Ang mga bigote at balbas niya ay humahaba na rin ngayon.

There was a mixture of exhaustion and anxiousness on his face. His brows were furrowed, and he looked like he hadn't slept in days. Parang ilang taon ang itinanda niya kahit ilang buwan pa lang naman ang lumilipas. The contrast was striking—he looked visibly stressed and uptight right now.

Siguro ay tungkol iyan sa muli niyang pagtakbo bilang mayor sa nalalapit na eleksiyon. Maybe, what Melissa has said was true. Na malakas ang mga makakalaban niya kaya siguro stressed siya ngayon. But Melissa and Sandro said my father was a good mayor. He was loved by many. Baka naman ay suportahan pa rin siya ng mga tao. Nangangamba lang siguro siya na baka hindi na siya manalo.

“May kailangan ka ba? You need new clothes? Baking materials?” he said without even looking at me, his eyes remained buried on his desk, continuing to shuffle through the pile of papers and documents in front of him.

I sighed. “Nothing, Papa. I just want to check on you. Is everything okay?” I asked him softly.

He finally looked up to me, his eyes peering through his eyeglasses. Kunot ang noo niya. Huminga siya ng malalim at muli ring binalik ang tingin sa kanyang ginagawa.

“Busy lang sa trabaho. Kung may kailangan ka, tell Manang Opehelia. Marami akong trabaho ngayon, Seleste,” aniya sa malamig na tono.

There was an air of finality in his tone, as if he’s dismissing me and he’s not interested in having a conversation with me.

Siverio # 3: Secrets and LiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon