Chapter 14

3K 47 4
                                    

Hindi maayos ang tulog ko nang gabing iyon, pero maaga pa rin ako nagising kinabukasan. Bago pa lang sumisikat ang araw sa labas ay mulat na ang mga mata ko.

Lumabas ako ng kuwarto ko para sana bumaba at kumuha ng tubig nang makita ko si Papa sa tahimik na hallway, sa second floor ng aming mansyon.

“Papa?” I called him.

He seemed to be in a hurry. Halos patakbo na nga ang ginagawa niyang paghakbang. Tumigil lang siya nang marinig ang boses ko.

Nilingon niya ako at naglakad palapit sa akin. “Seleste…” he called my name.

I noticed the tension in his voice, and it was very clear that he was worried and anxious about something and he’s almost panicking.

Kumunot ang noo ko. Ngayon ko lamang siya nakitang ganito.

“Stay in your room. Kahit ano man ang mangyari, hindi ka lalabas ng kuwarto mo,” he said to me.

Naguguluhan akong tumingin sa kanya.

“Why Papa? Where are you going?” I asked him.

Napaiwas siya ng tingin. Halatang mas stressed siya ngayon kumpara noong huli ko siyang nakita. Mas lumalim at umitim din ang ilalim ng kanyang mga mata. At pansin ko ring pumayat siya.

Even if he doesn’t tell me, I can tell and it’s clear that something is troubling him, and it’s affecting his health and demeanor. He seems different now than he did months ago. Noong 41st birthday niya ay maayos pa siya, pero ngayon ay ibang-iba na ang itsura at mga kinikilos niya.

“Basta makinig ka, Seleste. Hindi ka lalabas ng kuwarto mo. Naiintindihan mo? Babalik ako mamaya. May kailangan lang akong ayusin. Babalik ako.”

Pagkatapos niyang sabihin iyon ay umalis din agad siya. Bumalik ako sa kuwarto ko na malalim ang iniisip. I can really sense that something serious is going on, and my mind is racing with all sorts of worst-case scenarios. And I’m feeling worried and anxious at the moment.

Lumipas ang mga oras. Wala akong ibang ginawa kundi ang sumilip mula sa balkonahe ng kuwarto ko. And I noticed some men guarding our gate. Ngayon lamang nagkaroon ng mga guwardiya sa mansyon. Kaya mas umigting ang pag-aalala ko. Wala akong alam sa mga nangyayari kaya hindi mapakali ang isip ko.

I was startled and confused when Melissa suddenly burst into my room. I had been sitting in my bed, lost in my own thoughts, when she abruptly appeared in the doorway.

“Seleste!” hinihingal niyang bungad pagkapasok sa kuwarto ko.

Napatayo ako. Sinarado niya ang pinto at mabilis na naglakad patungo sa akin. Sinalubong ko siya. There was a look of worry and confusion on my face.

“What’s wrong, Melissa?” I asked her, my voice tinged with a hint of concern.

I can sense the worry and anxiety in Melissa’s expression and there was a look of urgency in her eyes. Taas-baba ang kanyang dibdib sa bilis ng paghinga na tila nanggaling sa mabilis na pagtakbo.

Huminga siya ng malalim bago nagsalita, “Hindi ba nabanggit ko sa inyo ni Sandro ang mga Monterroza? Na palaging nakikita nitong mga nakaraang buwan na kasama ni Sir Julio…” she said as she stood in front of me.

Kumunot ang noo ko. Naguguluhang tumingin ako sa mga mata niya.

She took a heavy sigh. “Nagkagulo kanina sa Sitio Estacion. Isang maliit na sitio iyon na malapit sa mga Siverio. Sumugod ang mga tauhan ng Hacienda Monterroza, at mga armado sila. Pilit nilang pinapalayas ang mga nakatira doon. Ayaw umalis ng mga tao kaya dinaan ng mga Monterroza sa dahas. Pinasunog nila ang mga kabahayan sa Sitio Estacion at may ilang mga napatay…”

Siverio 3: Secrets and LiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon