March arrived and it’s summer again. The sun was shining more each day, and the weather grows warmer and brighter, signaling the arrival of a new season.
The warm summer breeze blew gently. Nagulo noon ng kaunti ang mahaba kong buhok at ang suot kong bestida. Huminga ako ng malalim. Humakbang ako paatras ng dalawang beses bago tumalikod at bumalik sa loob ng kuwarto ko. Kinuha ko ang mga art materials ko at muling bumalik sa balcony. Nilapag ko ang mga dala ko sa lamesa.
I settled myself on the chair and began flipping my sketchbook. Ilang blangkong pahina na lang ang natitira dahil halos mapuno na iyon. Page after page was filled with sketches of his features, each one capturing a different expression or angle.
Sandro…has become my favorite subject. Sa isang medyo may kakapalan na sketchbook ay mukha niya lang ang nakaguhit. Kapag ganitong hindi ako makalabas, o kapag wala si Mrs. Bonifacio, sa pagguhit ko na lang inaaliw ang sarili ko.
Kinuha ko ang isang lapis na pangguhit. My hand began moving across the paper, capturing the contours of his features with careful, deliberate strokes. I paid attention to every detail, his hair that fell across his forehead, the curve of his brow and his eyelashes, the shape of his jaw, his nose, the way his eyes crinkled when he smiled and his perfect teeth. Kahit wala akong kopyahan ay kabisadong-kabisado ko na siya sa isip ko.
The soft sounds of pencil against the paper mixed with the gentle breeze is creating a soothing background. Hindi ko na mabilang kung ilang oras akong nanatili sa balkonahe. Tumigil lang ako nang humapdi na ang pagtama ng araw sa balat ko.
Eleven in the morning when I decided to go downstairs to wait for Melissa. Sabi niya ay pupunta siya ngayong araw at nagplano kaming magbake ng banana cake.
Nang mapadaan ako sa study ni papa ay napahinto ako. Bukas ng kaunti ang pinto kaya rinig ko ang boses niya na tila may kausap sa telepono.
“I know, Kristina. I’m sorry if I kept this from you. I called you just to tell you about my plan. Just in case. You know you’re the only one I can trust.”
Pero hindi ko na iyon masyadong pinansin dahil inisip kong baka tungkol lang iyon sa negosyo niya. Kaya rin nga siya abalang-abala nitong mga nakaraang buwan. Siguro hindi rin madali para sa kanya ang ibalik ang lahat ng nawala sa kanya kaya ngayon pinagtutuunan niya iyon ng pansin.
“Nagbake kami ni Melissa, papa...” ani ko pagkapasok sa study ni papa at inilahad sa kanya ang isang platitong may slice ng banana cake.
“Salamat, anak. Palagay na lang sa kabilang lamesa,” he said without even looking at me.
He’s wearing his eyeglasses while he’s typing on his laptop. Kunot ang kanyang noo at nakatuon lamang ang atensyon sa screen.
Kahit paano ay nagkalaman uli si papa, pero tila tumanda na talaga ang itsura niya. Hindi na nawala ang itim sa ilalim ng kanyang mga mata at nahahalata na talaga ang mga wrinkles niya. Pero kahit paano ay mas maayos siya ngayon kumpara noong nangyari sa Sitio Estacion. And I’m glad that he’s okay now.
“Your hair is getting darker…”
Napalingon ako kay Sandro. Kumalabog ang mata ko nang masalubong ang mga mata niyang tila kanina pa nakatitig sa akin. Pareho kaming nakahiga sa picnic mat at nagbabasa ng librong dinala niya.
The calming sound of the peaceful nature provided a soothing backdrop to our quiet afternoon. The flowing water from the stream, the rustling of the leaves, and the crickets in the distance.
My now dark blonde hair splayed out across the picnic mat in messy waves. Despite the shelter provided by the leafy canopy above us, the warm rays of the sun managed to find their way through the gaps, gently caressing his skin with their gentle touch. It was as though the sun itself was determined to express its affection, doing everything it could to reach him—just to kiss his tan skin.