Chapter 17

710 26 2
                                    

“Naniniwala ka ba, Melissa, na ang nararamdaman ng tao ay nagbabago rin sa paglipas ng panahon?”

Nasa balkonahe kaming dalawa. I was leaning against the balustrade, while she’s sitting peacefully in a nearby chair, engrossed in the pages of her pocketbook.

Pinagmamasdan ko ang tanawin sa harap—Ang mga nagtataasang puno at ang mga ibon sa himpapawid na malayang nagliliparan. Ang maliwanag na langit kanina ay sinasakop na ng kahel na kulay na nagmumula sa palubog na araw. Ang sariwang panghapong hangin ay malayang dumadampi sa aking mga balat at marahang isinasayaw ang suot kong puting bestida.

“Oo. Wala namang permanente sa mundo. May nabasa ako na ang sabi ‘change is the only constant in this world’. Ang buhay, ang tao man o mga bagay bagay, o kahit feelings pa ‘yan ng tao, nagbabago rin ‘yan kapag tumatagal.”

Napalingon ako sa kanya. Nakatingin na rin siya sa harap at naka-tiklop na ang pocketbook na binabasa.

“Kapag may gusto saiyo ang isang tao, naniniwala kang panandalian lang iyon? Na kalaunan ay mawawala rin ang pagtingin niya sa’yo?”

Nilingon niya ako. “Oo. Magbabago at magbabago ‘yan sila.”

Tumingin uli ako sa harap. “Bakit ba nagbabago ang nararamdaman nila? Bakit sa mga pocketbook na nabasa natin ay hindi naman ganoon? ‘Di ba nagkakahiwalay pa ang mga bida ng maraming taon at ang nararamdaman nila para sa taong gusto nila ay hindi naman nawawala. Kaya kapag nagkita uli sila, nagkakabalikan sila.”

“Pero sa mga libro at palabas lang ‘yun, Seleste. Walang gano’n sa totoong buhay. Madalas, sa una lang sweet, kapag tumagal na, wala na. Umay na ‘yan. Kaya minsan, maraming tao ang nagloloko. Kasi kapag nawala na ‘yung spark o kilig na naramdaman nila no’ng una, maghahanap na ‘yan ng iba para maramdaman uli iyon. Ang mga tao sa totoong buhay ay malayong malayo sa nababasa natin sa mga libro.”

Kinagat ko ang ibabang labi ko. Buong gabi tuloy ay iyon ang iniisip ko. Ilang taon ko na ring kilala si Sandro at maaari ngang sa nagdaang mga taon, nagbago na rin ang nararamdaman niya para sa akin.

Pero kung ganoon nga, dapat na tanggapin ko iyon. At siguro, dapat ay huwag ko na lang iyon masyadong isipin. Dapat sigurong makontento na lang ako.

I scrolled through my Instagram feed. Iba’t ibang pictures at videos ang nakikita ko. Ginawan ako ni Melissa ng account dito. Pero hindi niya nilagay ang apelyido ko at picture lang ng bulaklak ang profile ko. Wala ring mga post.

Ginawa niya lang ito para sa akin para may mapaglibangan ako kapag hindi ko sila kasama ni Sandro. Para makapag-explore ako online at makapanuod ng mga videos.

I’m following some actors and idols that I like. Tapos sila ni Sandro ang pina-follow ko. At sila lang din ang followers ko. I always stalked Sandro. Palagi kasi siyang may story at post. Gustong-gusto kong pinupuntahan ang profile niya.

@arionlysandro

You’re online!

Nagulat ako nang bigla siyang magmessage. Binuksan ko agad iyon. I was about to reply when he sent me another message.

@arionlysandro

What are you doing? I’m with my classmates right now. Nagre-review sa library.

Ngumuso ako at pinakiramdam ang mabilis na pagpintig ng puso ko na tila nasasabik.

@solariacelestine

Kaaalis lang ni Mrs. Bonifacio. Nandito na ako sa kuwarto ko kaya nakapag-cellphone. Nanunuod lang ako ng mga videos.

Sunod-sunod ang reply niya. Umayos ako ng upo sa kama at huminga ng malalim.

@arionlysandro

Punta uli ako d’yan mamayang gabi.

Siverio # 3: Secrets and LiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon