Chapter 15

3.2K 51 6
                                    

Ate Rina was sleeping soundly next to me while I’m still awake. Madilim sa loob ng tahimik na silid dahil patay na ang mga ilaw, pero sa labas, sa teresa ng kubo ay may isang ilaw na bukas. Ang sinag noon ay sumisilip sa mga bitak ng mga dingding na gawa sa kahoy.

Minutes ticked by and I still couldn’t sleep. I let out a soft sigh, my eyes fluttering open as I resigned myself to the fact that sleep was not going to come easily. I sat up in bed. I swung my legs over the edge of the bed and stood up. Lumabas ako ng kuwarto at binuksan ang kahoy na pinto sa may sala. May maliit na teresa sa harap na gawa sa mga kawayan. Lumagitnit ang pahabang upuan nang maupo ako.

The night air was cool and filled with the sound of crickets chirping in the distance. The silence and peacefulness of the night had given me a sense of calm and comfort, but I still couldn’t stop thinking about what happened four months ago. Sa loob ng apat na buwan, hindi iyon nawala sa isipan ko.

Hindi ko na nakita si Papa pagkatapos ng gabing iyon. Sabi ni Ate Rina, babalik pa naman kami sa mansyon. Kailangan lang naming maghintay sa utos ni Papa.

“Hindi pa rin maayos sa Sitio Estacion, pero tumutulong ang mga Siverio para muli silang makabangon. Ang ilan sa kanila ay nagtatrabaho ngayon sa mga Siverio at tumutuloy sila ngayon sa Bukid Siberyo,” Melissa said when she came back here after her classes.

Nang matapos ang summer, kinailangan na niyang bumalik at magpatuloy sa pag-aaral, samantalang naiwan kami rito ni Ate Rina. At kapag weekends ay pumupunta siya rito kasama ang dalawa pang kasambahay para magdala ng mga kailangan namin ni Ate Rina.

“Hindi rin nawawala ang mga nagpo-protesta sa harap ng mansyon ng mga Monterroza. Hindi pa rin kasi nakukulong si Luciano Monterroza na siyang may pasimuno ng lahat. Alam mo na, ma-impluwensiya kasi at kahit bumagsak na ang ilang mga negosyo ay hindi naman sila basta-basta mawawalan ng pera. Kayang-kaya nilang bayaran at pagtakpan ang mga nagawa nila. Kaya nga hindi tumitigil ang mga taga Sitio Estacion na makamit ang hustisya. Kahit alam nilang medyo malabo, pinaglalaban talaga nila,” she continued.

“But why did the Monterroza did that?” I asked her.

“May balak daw kasing tayuan ng bagong plantasyon ang Sitio Estacion. Ang totoo kasi niyan, pagmamay-ari naman talaga ng mga Monterroza ang lupain doon, pero may batas kasi na nagsasabi na puwede iyong maging pag-aari ng mga taga Sitio Estacion. At saka, ang mga ninuno naman ng mga taga Sitio Estacion ang pinaka-unang nanirahan doon. Naging pag-aari lang ng mga Monterroza dahil ibinenta sa kanila ng isang Amerikano. Ewan, basta ang gulo. Hindi ko masyadong maintindihan. Basta ang naiintindihan ko lang, binibigay na talaga ni Donya Alina ang lupa. May inaayos nga silang mga papeles para maging kanila na talaga ang mga lupa. Ang kaso namatay na ang donya kaya ngayon, gustong bawiin ng anak niyang si Luciano Monterroza.”

Humantong talaga sila sa pananakit dahil lang doon? Donya Alina seemed like a nice person. Pero bakit ganoon si Luciano Monterroza? Bakit kailangan pang humantong sa papanakit? Bakit kailangang sunugin at sirain ang mga tahanan nila? Bakit kailangan pang may mamatay? Iyon ang hindi ko maintindihan.

“What happened to Ralya? Did they find her?”

“Hindi pa rin. Ang sabi-sabi, natakot lang si Ralya kaya siguro sumama sa mga Soberano. Pero hanggang ngayon ay pinapahanap pa rin siya ng mga Siverio.”

Marahan akong tumango. “And Sandro? Kumusta na siya?” I asked her quietely.

We were sitting on the wooden chair near the kubo. Hinihinaan namin ang mga aming boses para hindi marinig ni Ate Rina na nasa loob lang at nagluluto ng tanghalian kasama ang isa pa naming kasambahay.

Melissa sighed. “Nag-aalala siya sa’yo ng sobra. Gusto niyang sumama rito, pero pinipigilan ko lang. Baka makita siya ni Ate Rina. Mabait naman si Ate Rina pero hindi ko siya feel. Baka kasi i-sumbong tayo.”

Siverio 3: Secrets and LiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon