Chapter 3

5K 85 4
                                    

“Pero hindi ka na grounded ngayon?”

Lumabi ako at nag-iwas ng tingin. “Grounded pa...”

“Nagbabakasyon ka lang pero na-grounded ka pa.” He chuckled. “Tagal yata ng grounded mo? Ano bang ginawa mo? Hindi ka naman mukhang pasaway.”

Paano ko ba malulusutan ‘to? Ang hirap magsinungaling dahil ang dami niyang tanong. Akala ko kapag nagsinungaling ako sa kanya, titigil na siya sa pagtatanong.

Bumuntonghininga ako at binalik ang tingin sa kanya. “I told you...my father is strict...”

Pinasadahan niya ang kanyang buhok gamit ang mga daliri. Napatingin ako roon. Sa pagpasada niya pataas ay muli rin namang bumagsak ang buhok niya sa kanyang noo.

His slightly messy hair is pretty appealing. Medyo magulo pero parang mas lalong nakadagdag sa kagandahang lalaki niya. Pero sa tingin ko, kahit ano man ang maging istilo, o gupit ng kanyang buhok ay babagay pa rin sa kanya.

“You’re not allowed to go out, then?”

Bumaba ang tingin ko sa mga mata niya. “Bawal...dito lang ako lagi...”

He licked his lower lip. Napatitig ako roon. Ramdam ko ang pagkalabog ng puso ko.

“E ‘di hindi mo na na-enjoy bakasyon mo niyan? Saan ka talaga nakatira? I know some of the Vejaras are from Sorsogon and Albay. Pero mas marami sa Naga.”

I nibbled on my lower lip. I don't wanna tell more lies, but I need to do this.

Pero hanggang kailan ko gagawin ‘to? Bakit ko ba kailangang magsinungaling? Telling one lie will only lead to another one. Walang katapusan. Madadagdagan lang nang madadagdagan ang mga kasinungalingan.

But he’s a stranger, Seleste. You only know his name, but he's still a stranger. Okay lang naman sigurong magsinungaling sa kanya. Okay lang na hindi magsabi ng totoo sa kanya.

It shouldn’t be a big deal. Baka nga hindi ko na uli siya makita. Kaya siguro okay lang.

“Manila...” sagot ko.

Nagtaas siya ng dalawang kilay bilang pagsang-ayon sa sagot ko. “E ‘di, kapag tapos na ang summer, babalik ka na ng Manila?”

Tumango ako at huminga ng malalim.

“Kailan ka kaya puwede? Gusto sana kitang ayain sa resort at farm namin bago ka man lang bumalik ng Manila. Malawak ang pasyalan doon. Maraming magagandang tanawin.”

I sighed. Gusto kong subukan. Gusto kong lumabas. Gusto ko ring pumunta sa lugar na sinasabi niya at sa mga lugar na nabanggit sa akin ni Melissa. Gusto kong maranasan ang ibang mga bagay. Kung sana lang ay malaya akong gawin ang mga iyon.

Malakas ang kabog ng dibdib ko habang nag-iisip. I said, I wanted to feel like a normal person. I wanted to experience how to live normally. At magagawa ko lamang iyon kung makakalabas ako sa mansyon na 'to. Kung tatakas at susuwayin ko ang papa ko.

“Sa huling araw ng buwan na ito, puwede akong lumabas...”

Father will have a business trip next month. Bago magtapos ang buwan na ito ay luluwas na siya papunta ng Manila. Magtatagal siya sa ibang bansa. Probably a week or baka abutin pa ng two weeks. At kapag ganoon, kapag may mga lakad si papa sa malalayong lugar, nakakatakas kami ni Melissa nang walang nakakaalam. Abala rin naman kasi ang ibang mga kasambahay kaya hindi nila namamalayan ang pagtakas namin. At mabuti na lang din ay walang CCTV sa mansyon.

“Great! Sunduin kita rito?” excited niyang tanong.

There was a big smile plastered on his handsome face. He seems really excited. He looked happy. Dalawang linggo pa bago ang araw na iyon pero ngayon pa lang ay excited na siya. Parang hindi na siya makapaghintay na dumating ang araw na iyon.

Siverio 3: Secrets and LiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon