“Hi!” Sandro greeted us as soon as we approached him.
He’s wearing a black t-shirt today, a black denim pants and his dark brown steel-toe boots na paborito niyang suotin. May suot din siyang silver na kuwintas ngayon na walang pendant at sa kanyang palapulsuhan ay isang silver din na relo.
Nagsimulang bumilis ang tibok ng puso ko habang nakatingin sa kanya. I don’t know why but I find him more attractive in a black t-shirt. Medyo hapit pa iyon, hindi katulad ng madalas niyang isinusuot na maluwag sa kanya ng kaunti.
At katulad ng dati, magulo ang medyo wavy niyang buhok. Mas mahaba na iyon ngayon, ang kanyang bangs ay natatakpan na ang kanyang buong noo.
He’s holding a white paper bag. Sa isang malaking bato sa likuran niya ay naroon ang kanyang itim na bagpack na paniguradong naglalaman ng mga pagkaing dala niya.
“Kanina ka pa?” I asked him.
“I just got here. May mga dala uli ako. Magmeryenda na muna kayo,” he replied.
“Mukhang marami kang dala. At ano ‘yang nasa paper bag?” usisa ni Melissa na sinisilip pa ang dala niyang paper bag.
Ngumiti si Sandro at inilabas ang nilalaman noon para ipakita sa amin.
“iPhone?!” gulantang na sabi ni Melissa.
Kumunot ang noo ko. Parang narinig ko na ang salitang iyon. Brand iyon ng cellphone hindi ba? I remember Melissa saying that it’s popular and expensive. At sa itsura ng puting box na hawak ni Sandro ay nasisiguro kong cellphone nga iyon.
Nagkamot sa ulo si Sandro habang nakangiti at inabot iyon sa akin. “I bought you a phone. Okay lang ba?” he asked me.
Nanlaki ang mga mata ko. He bought that for me? That’s for me?
“Nilagay ko na contact number ko. Naka-plan na rin ‘yan. May Netflix na rin at Spotify. You can watch whatever you want and listen to every song that you like. Puwede ka rin magdownload ng mga app na gusto mo.”
“Wow! Patingin!” si Melissa at inabot ang box.
Bakit niya ako binilhan? Ayos lang naman kung sa cellphone ni Melissa lang kami mag-usap sa mga araw na hindi kami nagkikita. Ayos lang din naman kay Melissa na pahiramin ako. Kaso nga lang, minsan, kapag may pasok siya sa school, hindi ko mahiram. Minsan, saglit ko lang iyong mahihiram kapag dumadaan siya rito pagkatapos ng klase. May mga araw din na hindi na siya nakakapunta sa mansyon kaya matagal uli bago ko makausap si Sandro.
Why would he give me a phone? Hindi ba mahal iyan? Paano niya nabili ‘yan? Alam kong mayaman ang pamilya niya, pero hindi naman siguro niya hiningi sa mga magulang niya ang perang ipinambili niya riyan?
I nibbled the inside of my cheek. “Hindi ba mahal ‘yan? I appreciate it, Sandro, pero nakakahiya...” mahina kong sabi.
He gave me a reassuring smile. “Kaya ko naman, Seleste. Binibigyan ako ng lola ko sa pagtatrabaho ko sa resort at sa bukid. Hindi naman iyan mabigat sa akin. I really want to give you that, so we can communicate when Melissa is at school.”
“Is it okay? Itago mo na lang ng mabuti...”
I nibbled on my bottom lip. It’s rude not to accept his gift. And this is the first time that someone gave me a gift. But is it really okay? And he’s working at their farm and resort? Pinagpaguran niya ‘to. Okay lang ba talaga na tanggapin ko ito?
“Latest na iPhone ‘to ah? Ang ganda!” si Melissa.
Kinuha ni Sandro ang kanyang bagpack at nilabas ang mga dala niya. Sa isang patag na lupa na medyo malayo sa may batis, ay nilatag niya ang isang kulay brown na tela na palagi niyang dala. Inilagay niya roon ang mga pagkain.
![](https://img.wattpad.com/cover/374332549-288-k911133.jpg)