Chapter 7

900 17 1
                                    

My father taught me to always tell the truth—to always be honest with him. It was his number one rule that he has set for me since I was a kid.

And to be a good daughter, I must obey my father in all things. Ang mga bawal ay hindi ko puwedeng suwayin. Ang mga utos at bilin niya ay kailangan na palagi kong sundin. At ang pinaka-ayaw niya sa lahat ay ang sinungaling.

“Lying is a sin that is firmly ingrained in the human sin nature,” he would say.

“And it is displeasing to God. It is strongly discouraged and forbidden. Isang malaking kasalanan iyon kaya hindi mo dapat gagawin iyon.”

Ang mabuti at hindi suwail na anak ay marunong sumunod sa mga magulang. Ngunit matatawag na ba akong suwail na anak dahil habang lumalaki at tumatagal, natututo na akong magsinungaling sa kanya? Sinusuway ko na ang mga utos at bilin niya. Nagagawa ko na ang mga bagay na mahigpit niyang ipinagbabawal.

At alam ko na darating din ang araw na mahuhuli niya rin ako. Malalaman niya rin ang totoo. Pero sa ngayon, ayaw ko munang isipin ang mga puwedeng kahitnatnan ng mga ginagawa ko. I don’t want to stress myself. Saka ko na siguro po-problemahin iyon.

Nagpatuloy ang palihim na pagkikita namin ni Sandro. Palaging sa may batis ang aming tagpuan. Melissa was against it at first. Natatakot siya na baka mahuli na kami dahil kay Sandro. She was worried that Sandro would become the reason we’ll finally get caught. She’s just worried na baka may makakita kay Sandro at sundan siya. But I assured her that it won’t happen. Sandro won’t let that happen. Kailangan lang namin na mas maging maingat ngayon.

“Sige, pero dapat doon lang tayo makikipagkita sa kung saan tayo lagi nagpupunta. Huwag na sa malayo. Para safe tayo. Gagawin lang natin ang dati na nating ginagawa. Ang pinagkaiba lang ngayon, may iba na tayong kasama.”

Gumuhit ang matamis na ngiti sa labi ko nang sa wakas ay makumbinsi ko siya.

“Nakausap ko na si Sandro tungkol diyan at ayos lang sa kanya. At saka, minsan lang naman iyon. Sa mga araw lang na wala si papa.”

Tumango siya. Seryoso siya habang sinusuklayan ang mahaba at blonde kong buhok. Nakaharap kami sa salamin ko at nakatingin ako sa kanyang repleksiyon.

“Alam mo bang mayaman ang mga Siverio. Marami silang negosyo. Mga farm, resort. Ang alam ko rin, mayroon din silang negosyo sa Laguna at Manila. Basta sa ilang mga lugar sa Luzon. Sobrang yaman nila.”

“Nabanggit niya sa akin na may dalawa pa siyang kapatid na nasa Manila. They’re probably handling their businesses there?”

Sinilip niya ako mula sa salamin. “Ah, si Leandro at Roilan? Nag-aaral pa sila ngayon pero katulong na sila sa pamamahala. May mga hotel at condominiums sila sa Manila. At ang alam ko, may real estate company rin sila. Grabe ‘no? Ang suwerte ng magkakapatid. Sobrang yaman nila. Ang ganda ng buhay nila. Secured na ang mga future nila.”

Bumalik ang mga mata niya sa buhok ko.

“How did you know those things about them? Are they famous or something? Kabilang din ba sa politika ang pamilya nila? Sandro said, his Tito Ariel was papa’s friend.”

“Sikat sila...Hindi sila mahilig sa politika. Basta sikat ang mga Siverio sa buong Bicol at siguro kahit sa ibang mga lugar. Bukod kasi sa mayaman sila, magaganda rin ang lahi. Ang mga kaklase ko nga ay crush na crush ang magkakapatid na Siverio. Lalo na si Leandro. Mukha kasing masungit. Eh ganoon ang type ng mga kaklase kong babae.”

Bahagya akong ngumuso. “Do you have a crush on them too?”

Namula ang mga pisngi niya sa sinabi ko at tila nahihiya. “Crush ko si Roilan Siverio...” pag-amin niya.

Siverio # 3: Secrets and LiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon