Ryl's POV
Hindi ako makapag-focus sa ginagawa. Kanina ko pa pabalik-balik na binabaliktad ang pahina ng mga dokumentong aking binabasa.
Damn it!
Napapikit ako sabay buntong hininga. I slowy rested my head in my chair and tapped my right hand in the arm rest.
Napatingin ako sa kabuuhan ng aking study office rito sa bahay.
Kahit anong gawin kong pagpaka-busy ay hindi pa rin mawala ang nararamdaman kong pagka-guilty kay Felice.
Arg!
Ginulo ko ang buhok nang maalala ang nangyari kanina.
She was struggling walking with the blisters in her feet.
Para 'yon lang? Paano ka makakaganti kung ganiyan kalambot ang puso mo sa kaniya?! Biglang pasaring ng isang parte ng aking utak.
Tama.
Bakit nga naman ako magi-guilty kung kasalanan naman niya kung bakit siya nagkapaltos. She shouldn't wear those kind of shoes in the first place!
At trabaho niya na sundin ang lahat ng pinag-uutos ko.
I even let her out early. Okay na siguro 'yong kapalit.
Nasapo ko ang aking bibig habang tulala pa rin sa iniisip.
Ilang sandali pa ay napagdesisyunan ko na lang na lumabas para makalanghap ng sariwang hangin.
Habang naglalakad ay napansin ko ang kakaibang katahimikan sa loob ng bahay.
Is Amara out?
Gabi na para umalis.
Sinilip ko ang bawat pasilyo ng bahay para hanapin siya ngunit wala akong taong nakita.
Papalapit ang hakbang ko sa pasilyong patungo sa kusina nang makaamoy ako ng usok na parang may nasusunog.
Kumalabog ng malakas ang puso ko sa gulat at dali-daling tumakbo papuntang kusina.
"Ahhh!!!"
Nanlaki sa gulat ang mga mata ko nang marinig ang pamilyar na sigaw ni Amara.
A sound of a shattered glass followed.
"Amara?" Saad ko.
When I reach the door frame I saw her coughing hard while the kitchen is all covered with smoke.
Nagmadali akong patayin ang kalan at binuksan ang glass window ng kusina.
Binalingan ko siya ng tingin at dahil sa galit ay nanlilisik ang aking mga matang nakatitig sa kaniya.
"I'm s-sorry, let me e-explain, Ryl." She uttered in a shaky voice while fumbling her hands.
Nag-iwas kaagad siya ng tingin nang magkatagpo ang aming mga mata.
"Are you trying to burn this house?! Ano ba kasi ang ginagawa mo?" Tanong ko habang pigil ang sarili na hindi tumaas ang boses.
"No kaya. I'm just trying to cook. See, I made you some omelette." Nagmamalaking tinuro niya ang nakahain sa mesa.
Nangunot ang noo ko sa nakita. Puro sunog ang nakahaing kanin at ulam na hindi ko malaman kong ano dahil balot na balot ito ng itim.
"Iyan ba ang tinutukoy mo na omelette? Kahit kunting dilaw ay wala yata akong nakikita. Sigurado kabang omelette 'yan o ano?" Nakangiwi kong turo sa isang platong hindi ko mawari kung ano.
YOU ARE READING
To Love You This Way
RomanceTo Love with all his heart is not enough for Ryl Mikael Deñega. He could even go in great lengths for the people he love even if it makes him a secret lover that change his life forever. To Love You This Way- Completed written by Daimondeuxe Genre:...