Felice's POV
Biglang nakipag-usap sa akin si Amara na kinagulat ko. Out of nowhere ay bigla siyang sumulpot para sabihing sinet up lang niya si Ryl to mess with me.
Hindi ko alam na ganoon pala ang trip ng mga mayayaman na conyo kapag wala silang magawa--ang sirain ang relasyon ng iba!
Before leaving ay binilinan niya akong magtimpla ng kape para peace-offering kay Ryl. Sinunod ko naman so I will have something to start a conversation with.
Magaan ang dibdib ko habang hawak ang tasa papasok sa opisina ni Ryl nang magulantang ako sa eksenang aking naabutan.
Nabitawan ko ang hawak at sabay na tumapon at nabasag ang tasa nang dumapo sa sahig. The loud impact caught their attention. Napatingin sila sa aking direksyon.
Parang binuhusan ng malamig na tubig ang ekspresyon sa mukha ni Ryl samantalang may panunudyo naman kay Amara. She even raised her brow at me and crossed her arms.
Ang akala ko ay umalis na siya!
Nanginginig ang mga kamay at inangatan ako ng panlalamig. I can't believe what I saw. Naabutan ko silang naghahalikan!
Shit! Is this another game to hurt me?
Bago pa nila makita ang pagtulo ng aking mga luha ay nagmadali akong tumakbo paalis doon. Dinala ako ng aking mga paa sa hagdan. Napaupo ako roon at inilabas ang lahat ng sakit na nararamdaman.
Hindi ko na alam kung ano ang papaniwalaan ko. Ang mga salita ba ni Ryl o ang nakita mismo ng aking mga mata.
"Felice..."
Pinahid ko agad ang mga luha at tumayo nang marinig ang boses ni Ryl mula sa aking likuran. Hindi ko siya hinarap.
Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko kapag nakaharap siya ngayon.
"Magrarason ka nanaman? Sasabihin mo ulit na wala kang alam? Ginagawa mo akong tanga! Pwede ba... tama na 'tong sakit na nararamdaman ko!" Pasigaw kong saad habang humihikbi.
They're just teaming on me. Akala ko kung anong rason ng biglaang pakikipag-usap ni Amara. Para lang pala saktan ako lalo.
"You don't know the whole thing. Bigla akong hinalikan ni Amara at iyon ang nakita mo." He explains.
Naramdaman ko ang presensya niya sa'king likod.
"'Yun nga, I perfectly know what I saw. 'Di ko alam kung ano ang trip ninyo kaya please lang 'wag niyo akong isali." I said, taking a step down to distance myself.
"Fel, I wouldn't be pleading, asking for your understanding and forgiveness if my only reason is to hurt you. Hindi ako ganoong tao." He reasoned, voice sounding strain.
Naglakas loob akong harapin siya. "Alam mo bang handa na kitang pakinggan at patawarin kanina? Ngayon hindi ko alam kong magagawa ko pa 'yon. You broke my trust, Ryl. Paulit-ulit mong nilalagyan ng pagdadalawang isip ang utak ko. I don't want that feeling."
"Fel, I'm sorry..." His voice crack. Paulit-ulit siyang humihingi ng tawad kaya narindi ako.
"Tama na, hanggang dito na lang ta'yo, Ryl. Tapusin na natin ang kahibangang namamagitan sa'ting dalawa." Direkta kong saad na wala sa sarili.
Itinulak ko siya at umakyat pabalik. "Fel, saan ka pupunta? Anong ibig mong sabihin?" Sumunod siya sa akin.
I took my bag and run to the elevator. Nahabol niya ako habang hinihintay ang pagbukas ng pinto.
"Anong mahirap intindihin sa sinabi ko?"
"Are you breaking up with me?" Gulantang niyang tanong. Nanatili akong tahimik sa tabi niya at hinayaan siya sa kung anong iniisip.
YOU ARE READING
To Love You This Way
RomansaTo Love with all his heart is not enough for Ryl Mikael Deñega. He could even go in great lengths for the people he love even if it makes him a secret lover that change his life forever. To Love You This Way- Completed written by Daimondeuxe Genre:...