Felice's POV
I pulled the sheets up to my chin and curled in embarrassment.
Nandito pa rin ako sa hotel room kung saan niya ako iniwan. I've been waiting for my clothes to arrive.
"Ahhh! Nakita niya!"
I held the sheets closer to my body.
Nakakainis at nakakahiya talaga. I feel so conscious with my body right now. Ano kaya ang naisip niya after seeing all of me?
Siguradong kino-compare na niya ako sa maganda niyang fiancé na mukhang model.
Walanghiya! Sana nilamon na lang ako ng lupa!
I started biting my nails in frustration while all sorts of things runs around in my head.
At ang malala pa ay nag-break down ako sa harap niya!
I unconsciously hold on to the necklace in my neck.
"Shit! Where is my pendant?" My eyes widened realising that it's gone.
Wendy's ashes is in there!
Nag-panic ako at kinapa ang buo kong katawan ngunit wala roon.
Nasaan na 'yon?! Did I lost it in the pool?
A knock on the door puts me in an alert mode.
A lady came in with my clothes.
"Ate, may nakita po ba kayong pendant na kasama d'yan sa damit ko?" I asked and swiftly took my clothes from her.
Sinimulan kong hanapin at tingnan ang mga bulsa pero wala.
"Wala po akong nakita d'yan, Ma'am." She replied and excused herself.
Napaupo ako sabay sapo sa aking mukha sa pagkadismaya.
Where are you, Wendy? Bakit ka nagtatago kay Mama? Please come out. H'wag mo akong pag-aalalahin.
Nanubig ang aking mga mata. Hindi ako nag-ingat. Kahit ang tanging alaala niya ay hindi ko naprotektahan.
Napakawalang kwenta kong ina!
I started sobbing. I cannot contain my emotions anymore.
I tried looking for it in the pool, in the hallway, and in the entire place where we've been, but nothing.
My heart sunk in disappointment.
***
I thank Ryl for giving me a day off. Hindi ko rin siguro madadala ang sarili ko sa opisina kung nagkataon dahil dinadamdam ko pa rin ang nangyari sa pagitan namin at ang pagkawala ng pendant kung nasaan ang abo ng aking anak.
I feel so down and it is taking a toll in my sleep and I can't even bear to eat with all that had happened.
Kanina pa katok ng katok sila Nanay sa aking pintuan at lahat na yata ng miyembro ng aking pamilya ay kumatok na para palabasin ako at pakainin ngunit 'di ko magawang tumayo at pagbuksan sila ng pinto.
Thankfully, sumuko rin sila at hinayaan na lang muna ako. Si Nanay lang ang nakahula kung anong nangyari sa akin.
Ang lakas talaga ng pang-amoy at nakita agad na nawawala ang pendant ng kwentas ko.
Siya lang ang may alam na naroon ang iilang abo ni Wendy.
Patuloy lang ang iyak ko. My pillow case is soaked with tears and my room is the only witness in my misery.
Parang bumalik ako sa panahon kung saan ay nagdadalamhati ako sa pagkawala niya.
Nang mapagod sa kakaiyak ay sa wakas ay natigil din ang pagtulo ng aking mga luha. Nakatulog ako at nang muling magising ay binalot ulit ako ng lungkot at pagtatanong.
YOU ARE READING
To Love You This Way
RomanceTo Love with all his heart is not enough for Ryl Mikael Deñega. He could even go in great lengths for the people he love even if it makes him a secret lover that change his life forever. To Love You This Way- Completed written by Daimondeuxe Genre:...