Felice's POV
Holy crap!
May patakbo-takbo pa akong nalalaman gayong magkikita rin naman kami ni Ryl sa opisina.
Napakagat ako sa aking daliri sa pag-aalala.
Paano ko malulusotan ang problemang 'to?
Should I deny? Lie?
Well I be able to act cool if ever he ask?
"Pweee!" I spit the dead skin from munching my fingers.
Arg! Bakit ko ba kasi sinabi kay Amara? Isa pa'yong babaeng 'yon. Malakas ang trip! I-share ba naman sa iba!
Nahiga ako sa sofa rito sa sala.
"Ahhh!!" Sigaw ko nang may puting mukha na biglang lumitaw mula sa likuran ng kinahihigaan.
Si Nanay lang pala na may ilaw ng flashlight ang mukha.
"Nay! Ano ba naman kayo!"
Napahawak ako sa aking puso sabay upo ng maayos sa gulat.
"Ano ba kasing ginagawa mo rito sa sala at ang dilim-dilim? Malalim na ang gabi ah. Bakit hindi ka pa natutulog?"
Napasapo ako sa aking noo at huminga ng malalim.
"Hindi po ako makatulog."
Lumapit sa akin si Nanay at hinila ako patayo.
"Nay, ano bang trip niyo?" Nakanguso kong reklamo.
"Hindi ka talaga makakatulog kung 'di mo ipipikit 'yang mga mata mo. Sige na! Pumasok ka na sa kwarto mo. May pasok ka pa bukas."
Hinila niya ako paakyat ng hagdan. Bad trip naman talaga 'tong Nanay ko oh!
"Nay, ayokong matulog. Ayoko ng pumasok huhu." Linabanan ko ang paghila niya.
"Umayos ka, Felice. Tapos ka na d'yan! Bakit mo ba ako pinapahirapan sa paghila sa'yo. Wala na akong lakas." Reklamo niya.
Napapadyak na lang ako at pumasok na ng kwarto.
"Good night, Nay."
Kahit hindi ako magsabi kay Nanay ay alam na niya kung bakit ako nagkakaganito.
She already knows everything because she was the person who was there for me when I am in my lowest.
Nagpapasalamat ako na hindi ko na kailangang sabihin sa kaniya ang problema ko.
I wake up the next morning with a heavy head. Hindi ako nakatulog ng maayos. Inatake ako ng insomnia dahil sa pag-o-overthink.
I look at the revolving door of the office building. Nasa labas ako ngayon nagdadalawang isip kong papasok ba ako o hindi.
"Felice! Bilisan mo mali-late na ta'yo!"
Nilingon ko ang tumawag sa akin. Si Jenny tumatakbo papalapit. Hinila niya ang braso ko.
Patakbo kaming pumasok sa pinto.
"Jenny, Jenny, bitawan mo 'ko!"
Hinatak ko ang kamay mula sa kaniya pero mahigpit ang pagkakakapit niya.
Binitawan lang niya ako nang makapag-time in na kami.
"Ano ka ba, Felice. Bakit, wala ka bang planong pumasok? Bakit ka pa pumunta rito kung ganoon?" Tanong niya habang naglalakad kami patungo sa elevator.
Nakasimangot akong sumunod sa kaniya, "Ewan ko. 'Di ko gets ang self ko ngayon."
Tumunog ang elevator kayo inangat ko ang tingin. May malaking salamin sa dingding nito kaya nanlaki ang mga mata ko nang makita kung sino ang taong nakatayo sa aking likuran.
YOU ARE READING
To Love You This Way
RomanceTo Love with all his heart is not enough for Ryl Mikael Deñega. He could even go in great lengths for the people he love even if it makes him a secret lover that change his life forever. To Love You This Way- Completed written by Daimondeuxe Genre:...