Chapter 5: Still here

14 4 4
                                    

Felice's POV

Nine years ago

"Nandito na si tita!" Anunsyo ng limang taong gulang kong pamangkin na si Chubs.

Nagmadali siyang sumalubong sa akin at masayang masaya nang makitang may bitbit akong pasalubong. Yumuyuyog pa ang kaniyang bilbil sa pagmamadali. Ang cute talaga.

"Manong bayad ko po." Sabi ko sa tricycle driver sabay abot ng pamasahe.

"Ano 'yan, tita? Wow, lansones at rambutan." Bulalas niya ulit nang makita ang laman ng aking dala.

Kinuha niya kaagad iyon sa kamay ko at patalon-talong pumasok sa loob ng bahay.

Nang makapasok ako sa maliit naming bahay ay sumalubong kaagad sa aking mga mata ang mga pamangkin kong masayang kumakain ng aking dala sa maliit na kawayang lamesa sa harap ng tv.

Nasa magkabilang sofa na kawayan naman nakaupo ang apat kong mga kapatid. Ako naman ang panglima sa amin.

Napatingin ako kay ate Fe nang mapansing suot pa rin niya ang damit niya mula kahapon. Napasapo na lamang ako sa aking noo.

Isa pa tong ate ko nato, nandito lang naman siya sa bahay buong maghapon pero hindi man lang nakuhang maligo. Kaya walang nagtangkang manligaw eh.

Patuloy lang siyang kumakain  habang nanunuod ng tv hindi napansin ang matatalas kong tingin.

Napatingin naman ako sa katabi niya na babad na babad sa cellphone, si ate Faith. Siya ang kasunod ni Ate Fe na panganay. hindi man lang niya ako binati at tuloy-tuloy lang ang pag-i- english sa harap ng cellphone.

Siya ang nanay ng tatlo kong pamangkin na isang five years old na si Charles aka Chubs, eight years old na si Clareen, at ten years old na si Claire. Kapwa walang mga tatay ang mga pamagkin kong magkaiba ang ama.

Dios ko! Mahabang istorya.

Hindi rin nakawala sa paningin ko ang dalawa kong lalaking kapatid. Si Felipe na seventeen years old at Felix na fourteen years old. Busy na busy ang dalawa habang naglalaro ng ML sa mga cellphone nila. Narinig ko pang nagmura si Felix. Kibata-bata.

Saklolo!

Sigaw ko sa aking isip ngunit pinigilan na lamang ang aking sarili.

Puro tambay ang mga kapatid kong babae at nag-aaral naman ang mga kapatid kong lalaki.

Napahinga nalang ako ng malalim at inilapag ang aking bag sa malapit na mesa at dumiretso sa kusina.

To Love You This Way Where stories live. Discover now